Jesty's POV

7 2 0
                                    

"Uy, ano ba yang hawak mo? Sulat ka ng sulat dyan!" Naiinis na sabi ni kuya.

Nagsusulat kasi ako sa diary ko ngayon habang naglalakad kami. Ewan kong pano ko nagagawang magsulat habang naglalakad. Lol

"Ano bang paki mo?" inis na sabi ko. Binatukan ako nito. "Ate Diane oh! Si kuya paepal!" sumbong ko sa girlfriend nya. Pinandilatan lamang sya ng girlfriend nya at natahimik sya. Wewz. Under! Buti nga.

Nakarating na kami ng Myeondong. Sawakas! Akala ko mawawala kami eh.

Grabe andami pa ding tao dito. Hindi ba sila natutulog? Luh, baka mga bampira yung iba dito! Keme lang!

"Wow..." Namamanghang sabi ko ng makakita ako ng mga pagkaing nakapalibot saakin. Left and right yung mga nagtitinda dito, mamili ka nalang kung san mo gusto. "Kuya, gusto ko 'to!" turo ko sa barbeque. Ang laki ng barbeque nila hindi katulad sa pinas.

"Bumili ka mag-isa mo!" sabi nito. Aba! Ang damot talaga nyaaaa. Kainis.

"Ako nalang bibili. Ilan ba gusto mo, jesty?" Nakangiting sabi ni Ate Diane. Tinaas ko yung isang daliri ko upang sabihing isa lang. "Okay." Sabi nito. May sinabi si Ate na Korean na 'Eulmma eyo' ata? Ewan. Diko naintindihan. Inabot na nya ang bayad pagtapos pinakuha na nya ako ng barbeque.

Bes! Enselep! Emegerd!

Pumunta kami ng Etude House at feeling ko nasa Heaven ako. Gosh! Andaming make-up. Gusto ko bumili! Kaiyak.

"Babe, try mo 'to!" tawag ni Ate kay Kuya. May hawak na lipstick si Ate at lalagyan nya si Kuya.

"Eh? Ayoko. Ano ba yan?" Nagtatakang sabi nito. Natawa nalang ako ng pandilatan ulit sya ng mata ni Ate at no choice na sya kundi magpalagay ng Lipstick.

Bumili kami ng mga ilang make-up. Ako cushion lang binili ko. Uso kasi yun sakanila diba? Hihi. Si ate naman bumili ng Lipstick and face mask. Si kuya? Ayan. Naka busangot habang tinatanggal yung red lipstick na nilagay ng girlfriend nya.

Naglalakad na kami pauwi. Ayaw namin sumakay ng taxi para makatipid na din. Malapit lang rin naman yung hotel namin dito. "Babe, wag mong tanggalin! Ano ba!" inis na sabi ni Ate. Natawa ako at tinitigan ako ng masama ni kuya. "Ok. Sorry" sabi ko at kunwaring zinipper yung bibig ko.

Nasa hotel na kami at nagti-twitter lang ako. Bilis ng WIFI dito! Grabe. Wala ng loading-loading samantalang sa pinas, aantukin kana lang kakahintay. Lol.

Inabot ko yung bag ko at hinanap yung diary ko. Kinabahan ako ng Hindi ko makapa 'yon. Hala!

"Ate, napansin nyo ba kung san ko nalagay yung notebook ko?" tanong ko. Umiling lang sya.

Hinanap ko si kuya and...

"HOY! ANONG GINAGAWA MO?!" Nagulat sya sa sigaw ko kaya agad nyang nabitawan yung notebook na hawak nya. Pinulot ko iyon. "BAKIT NASAYO 'TO?! IKAW TALAGA!!" Lumapit ako sakanya at pinaghahampas sya! Bwiset! Pakilamero!

"Aray! Ano ba!" Panay ang salag nya. Huminto na ako kakahampas at bumalik sa kama ko.

"Sino si Mister Park? Boyfriend mo? Gurang na ba yan? Kelan pa naging kayo?" Sunod-sunod na tanong nto. Si ate, nakatingin lang saamin at nagtataka.

"Binasa mo?! Pakilamero ka talaga!!" Lalapit nanaaman sana ako upang hampasin sya ulit

"Hep! Subukan mong hampasin ako ulit, susuntukin kita! Sige" paghahamon nito

"Hey enough, Jestin!" galit na sabi nito. Natahimik kaming dalawa ni kuya. "Matulog nalang tayo kung mag-aaway lang kayo" dugtong nito.

Naiinis akong nahiga sa kama ko pero bago ako natulog nagsulat muna ako sa diary ko.

I'm Jesty Lucky « BTS Jimin x Seulgi »Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon