Hay ano ba yan nagsasawa na akong nakikinig, nanonood at nagbabasa ng love life ng iba pero ako kahit minsan wala pang dumarating. hffttt... Heppep!! May magandang plano siguro sa akin si God Christmas naman ngayon siguro next year meron na hay... Late akong nagising dahil sa nagMega-Noche kami ng maaga bukod doon pagod pa ako buong umaga dahil nag rush hour kaming nag-grocery lahat ng handa namin ay binili nalang namin. Masaya ako kasi for the second time nacompleto ko ang nine days na Simbang Gabi kahit na puyat ako go pa rin, gaya nga ng sinabi ko puyat ako kinaumagahan ng December 24. kaya naman hindi ako nakapag simba ng maaga noong December 25 ang mismong kaarawan ni Baby Jesus.
Ang dami kong pasakalye sa buhay mukhang hindi niyo na naiintindihan ang kwento ko, ganito kasi yon. Uumpisahan ko na talaga ang kwento ko at kung bakit ganyan ang title ng one shot story ko.
December 25 pagkagising ko tanghali na kung hindi ako nagkamali 9:28a.m na yon may ugali kasi akong tinitignan ang oras kapag magigising at matutulog ako at tinitignan ko ang oras kapag may ginagawa ako para bilang ko ang haba ng ginagawa ko at tulog ko. Ewan ko ba nakasanayan ko na ang ganon ngayon ko lang napansin habang nagtatype ako ng kwento ko ngayon. Hindi nagtagal ay bumangon na rin ako kumain ng tirang handa namin kagabi at umupo ulit naglaro pa ako ng Plants Vs. Zoombie2 nakakawili kasi ang larong iyon hanggang hindi pa nalowbat ang phone ko hindi ako tumigil pagtingin ko sa oras tinawagan ko na ang pinsan ko para sabay kaming magpunta sa church para magsimba.
Ang kapatid ko kasi ay sinumpong ng katamaran, kaya kami nalang magpinsan ang pupunta. Tinawagan ko muna si Dhen para sure kung makakasama ko siya hinanap ko muna ang phone ni mama ko kasi bihira pa sa bagyo akong magload, wala naman kasi akong ibang itetext sa trabaho ko naman ay ako ang tinatawagan kaya okie lang. Naalala ko pa nga ang sinabi sa akin ni Mam Anne noong nagload ako
"Nina mabuti naman at nagload ka na akala ko ba naman ay forever ka ng hindi na maglolooad ipagpatuloy mo yan" sabi pa niyang nakatawa. Natawa naman ako sa sinabi niya.
Ayan nahanap ko na rin ang phone ni Mother Dear agad kong hinanap ang number ng pinsan kong si dhen. Ano ba yan busy yata hindi niya kasi sinagot ang una kong tawag, buti nalang sa pangalawang ulit ay nasagot na niya. Naglalaro pala siya ng basketball kaya hindi niya nasagot akala ko pa naman kung busy. Napagusapan namin na 11:30 na kami magsisimba dahil may last round pa daw sila na laro kaya hinayaan ko nalang mejo matagal pa naman ang oras nanood muna ako para pampalipas na oras. Nakakainip din pala ang magpalipas ng oras lalo na kung ang pinapanood ko ay hindi ko gustong panoorin. Nagpasya nalang akong maligo nalang...
Makalipas ang ilang oras tumunog ang phone ko nagtext pala yong katrabaho ko na kukuha ng order nakalimutan ko palang ibigay kahapon kaya naman binigay ko muna pagkatapos ay nagpunta na ako sa bahay nila dhen. Inasahan ko ng matagal siyang kumilos kaya ang 11:30 na alis namin ay naging 12:00nn na, ako pa ang nagdrive sa kanya paano naman kasi kausap niya sa kabilang phone ang girlfriend niya. Mabuti pa siya lumalablife ang buhay super level up na rin siya, hindi tulad ko walang lablayp.
Pagdating namin sa church ay maraming tao asahan mo na yan kasi Christmas marami din ang dumadayo sa karatig bayan at pati na rin ang ibang province. Siksikan mainit at talaga naman mainit sa dami ng tao dito.
Habang kami ay papasok sa loob ng simbahan ay nakita pa namin ang pinsan naming si kuya Randy kasama sila tita at iba pa naming mga pinsan, ang sabi pa niya sa amin ay nasa loob na ang mga kasama niya. Kaya naman kami ay hindi na sumunod sa kanya kasi nga siksikan ang mga tao at talagang hindi mahulugang karayom ang loob ng simbahan. Kahit saan ka dadaan ay mahihirapan ka talagang sumiksik kaya naman kami ay naghanap ng mapupwestohan sa gilid at sakto naman na sa bunganga ng pintoan pa kami nakapwesto.
May kilala ka bang Yvez? tanong ng pinsan ko sa akin kaya tinanong ko siya kung bakit niya ako tinatanong ng kung anu-ano hindi pa kasi tapos ang sermon ng pare naiistorbo ako. Kaya ang sinabi ko sa kanya ay wala si Lola Nievis lang ang kilala kong ganyan ang pangalan. Tipid na sagot ko sa kanya at hindi na ako lumingon sa kanya, tumigil naman siya sa pagtatanong sa akin at napanatag ako doon. Ilang minuto nanaman ang nakalipas ay may tanong nanaman siya sa akin may sinabi siya pero hindi ko na naalala dahil iba ang pinakikinggan ko hindi ang pinsan ko, ang gulo niya at nakakadistract siyang talaga. Kaya naman nilingon ko na siya at pinakinggan ang sinasabi niya sa akin kanina pa.
BINABASA MO ANG
Mr.Teakwando 101 (one shot story)
No FicciónIlang oras kong kinabaliwan. Wish ko kay Santa. Si Mr. Teakwando 101 ang aking pinantasya ^&^.