Ang boring. Walang magawa dito tapos ang ingay ingay pa nila. Pwede namang makipagkwentuhan ng hindi masyadong malakas diba? Tapos kung makatawa pa eh wagas.
Ako si Belinda Acosta, isang graduating highschool student.
"Bel!" Sigaw ni Rayne sa akin, kaibigan ko.
"Bakit?"
"Tara bili tayo."
Pagkasabi niya nun kinuha ko agad sa bag ko ang pera ko. Idadaan ko na lang sa pagkain itong bordom na nararanasan ko.
"Ang tagal. Bilis!" Malakas na pagkasabi ni Rayne.
Agad naman akong lumapit sa kanya nakakahiya naman daw kasi. Bumili lang kami sa canteen ng pagkain tsaka bumalik na sa room. Habang naglalakad nakasalubong namin ang grupo nila Jelo.
"Uy Jelo saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Dota, uwian na daw." Sagot niya habang naglakad na paalis.
Magaling mag gitara si Jelo, mabait din, minsan may pagkapilosopo, loko loko at mahilig mag dota. Mga kabataan nga naman ngayon.
Nagkayayaan kami ni Rayne na pumunta sa Mall after ng class. Wala lang lakad lakad, kwentuhan din. Tawa lang kami ng tawa ng taong to kung ano ano kasi pinagkwekwento at napapansin.
"Sino nga palang crush mo?" Bigla niyang tanong sa akin. "Wala." Matipid lang na sagot ko.
"Asus, wala daw. Meroon eh. Sige na sino?" Pangungulit niya. "Wala nga. Parang hindi mo naman ako kilala." Sagot ko. "Jelo?" Bigla niyang sinabi.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at natawa na lang bigla. "Hahaha. Nakakatawa ka talaga alam mo namang hindi si Jelo yung tipo ng lalaki na gusto ko. Ikaw ba sino ang crush mo?"
Hindi agad siya nakasagot sa akin at parang hindi ako narinig. Sa tingin ko may something sa kanya. "Uy! Natulala ka diyan" Sabay siko ko sa kanya.
"Aray naman!" Sinungitan pa talaga ako grabe siya. "Si Jelo ang crush mo eh noh?" Hindi na naman siya nakasagot agad pero napansin ko sa mga mata niya yung sagot na oo.
"Hahaha! Para kang ewan Rayne yang hitsura mo oh! Jelo ka pala ah hahaha." Pang aasar ko sa kanya. "Huwag ka ngang maingay!" Sabay palo niya sa braso ko. Nakakatawa talaga tong kaibigan ko palibhasa kasi wala pa siyang nagiging boyfriend.
"Hahaha. Okay lang yan best, normal lang magkacrush." Tumawa na naman ako ng malakas. Panay pa rin ang pangaasar ko sa kanya hanggang sa mapagdesisyunan na naming umuwi.
...
Bigayan na ng pointers to review dahil exam week na next week at start na ng pagprapractice para sa graduation. Ang bilis ng panahon magka-college na kami parang kelan lang. Naghahabol na rin ng ilan pang lessons ang mga teachers namin pati na rin mga quizzes.
"Bring out one whole sheet of paper." Utos ni Ma'am Chem sa amin. "May paper ka Bel?" Tanong ni Rayne sa akin. Pagkalabas ko ng papel ko nagsidagsaan na mga kamay sa akin.
"Bel pahingi."
"Ako din."
"Bel dalawa nga." High school nga naman hindi mawawala ang estudyanteng walang papel at nanghihingi. Pero hindi bali huling taon naman na namin to at sa college wala naman na sigurong ganito. Matapos nilang maghingian sa akin nagsimula na akong magsulat.

BINABASA MO ANG
Why Can't You
Teen FictionWhy can't you be part of my life? Why can't you stay longer? Why can't you? ♥