"Sino ba kas..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang taong naghahanap sa akin.
"Hi Belinda."
"Hi Belinda."
"Hi Belinda."
"Hi Belinda."
"Hi Belinda."
"Hi Belinda."
Paulit ulit na nagflaflashback sa utak ko ang boses niya. Maala anghel, iba ang pakiramdam bakit ganito.
*a while ago.*
"Hi Belinda." Hindi ako kaagad nakaimik at nakatingin lang ako sa kanya. Nakatulala. "Yan yung naghahanap sayo sensya na nakaladkad pa kita naexcite lang ako hahaha." Sabay siko ni Honey sa akin na dahilan naman na pag balik ko sa sarili ko. "Sino ba tong mga to at hinahanap ako?" Pabulong kong tanong kay Honey. "Hindi ko alam eh noong hinanap ka tumakbo na ako kaagad papunta sayo na excite eh. Hahaha. Sige usap muna kayo." Nakuha pa niyang tumawa, hindi naman pala niya kilala mga naghahanap sa akin tapos iiwan pa ako. Kaibigan ko talaga sila.
"Ehem. Ako nga pala si Ken." Pagabot niya ng kamay sa akin na hindi ko pinansin. "Bakit niyo po ako hinahanap? Anong kailangan nila?" Medyo naiirita na tanong ko sa kanya. "Gusto lang namin magpakilala sayo personally. Mga friends ko pala si Julio at Prince." Inabot din nila ang mga kamay nila at nakikamay na din ako. Napansin kong nakakunot ang nuo ng lalaking nasa harap ko, referring to Ken.
"Flowers for you." Sabay abot ng kasama niya, Julio, ng flowers tsaka binigay sa akin pero hindi ko tinanggap. "Ah sensya na po hindi ko matatanggap yan. I don't really know you, sorry." Paalis na ako ng biglang nakita kong tumatakbo si Carlo papunta sa akin kaso nilagpasan lang ako.
"Carlo!" Sigaw nung isa sa mga lalaking nasa likod ko. "Uy mga pre!" Napatigil ako sa paglalakad at napaisip, kilala ni Carlo ang mga lalaking to? Maglalakad na sana ulit ako ng marinig ko ang pangalan ko. "Bel!" Si Carlo. Lumingon ako at nagbigay ng taas ng kilay sign na tanong "bakit". Lumapit siya sa akin at pinapapunta ulit sa grupo nila. "Carlo kilala mo ba yang mga taong yan? Bakit nila ako kilala? Sino sila?" Ngiti lang ang naging sagot niya sa akin habang nakahawak ako sa braso niya na parang bata.
"Loko kayo mga tol bakit hindi niyo sinabi sa kanya na ako ang pinuntahan niyo dito. Nga pala Belinda si Ken, Julio at Prince. Guys si Belinda Acosta." Ngumiti na lang ako sa kanila bilang greeting. Hindi naman pala ako ang pinunta nila dito pero bakit nila ako hinahanap? Ang weird talaga.
"Carlo flowers oh." Inabot ni Julio kay Carlos yung flowers na tinanggihan ko kanina. "Bakit yan? Nililigawan mo na ako ngayon Julio? I love you too." Bakla yata tong si Carlo kaya natawa lang ako ng mahina. "Ibibigay kasi sana namin kay Bel kaso ayaw naman niyang tanggapin kaya sayo na lang." Napatigil ako ng tawa at umiwas na lang ng tingin na kunwari wala akong narinig. "Huwag niyo kasing biglain dapat dahan dahan." Ano daw? Anong sinasabi ng lalaking to? "Anong sabi mo?"
"Ibigay mo na lang sa girlfriend mo Carlo hindi pa naman yan nalalanta." Nagulat ako sa sinabi ni Ken. "Teka may girlfriend ka pala?" Parang nagulat din si Carlo sa naging reaction ko. "A..aaano ba pre wala akong girlfriend! Matagal na akong single Bel pinagtritripan lang ako ng mga to." Napa ahh na lang ako sa sagot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/4602488-288-k637918.jpg)
BINABASA MO ANG
Why Can't You
Teen FictionWhy can't you be part of my life? Why can't you stay longer? Why can't you? ♥