Ramiel

486 36 112
                                    

Ako ang unang napangiti nang masilayan kita paglabas mo pa lang sa iyong ina. Naunahan ko pa nga ang iyong ama na marinig ang iyong unang iyak. Nakakatuwang pagmasdan na kahit bagong silang ka palang, napakaganda mo na sa aking paningin. Buti na lang at ako ang naatasang magbantay sa 'yo. Hayaan mo, aalagaan kita na parang isang fairy godfather... hahaha... oo meron nun, ako!

Hindi kita iiwan, kahit anong mangyari. Lumaki ka man at magdalaga, narito lang ako. Ako ang tangi mong bantay, taga-pangalaga at...

Magmamahal sa 'yo ng tunay.
Asahan mo 'yan, Haizen.

Ang iyong lingkod,
Guardian Angel Ramiel

Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon