Your Point of View..Your Teachers Point of View

206 3 3
                                    

Chapter I - Si SIR at Si Mam; YEARS bago sila maging Teacher

Nabuhay din naman kami ng tulad ng mga students namin. 

Dumaan sa kinder (may ilan namang accelerated patungong Grade 1) ..

Nag-pakabata noong elementary (sinibulan at nakilala ang unang mga crush, best friend, pede rin mga kaaway na nagkabati rin nung graduation day)

Naranasan ang saya ng HIGH SCHOOL life (natutong mangopya - pero hindi naman lagi :) , mag-groupings na hindi naman talaga review ang ginagawa; soon nagiging movie and food marathon, natutong gumawa ng reasons paglate na umuwi, mag-istambay sa canteen, maging look-out sa may pintuan ng classroom kung may parating na teacher; para syempre tuloy ang saya at petiks mode sa loob ng classroom at kung ano - ano pa na ginagawa ng mga teenagers o high school student)

SERIOUSLY, MARAMI SA AMIN ANG HINASA NOONG COLLEGE DAYS

Naghanap ng libro para sa subject na noon lamang namin narinig ang pangalan,

Nagpunta sa Recto upang bumili ng librong ginamit na nang napakaraming tao para lamang makatipid..

Nangarap na maging scholar (na natupad namin gawa ng pagsisikap),

nag-working student para lamang may maipambayad ng tuition fee,

may iba na iniwanan ang pamilya para lamang makapag-aral sa Maynila o saan mang probinsya..

may mga napagalitan ng mga Professor namin kasi may mga inaantok sa klase dahil gabi na natulog (mga galing kasi sa trabaho)

pero marami sa amin ang NAGTAGUMPAY..

Noong kami ay grumaduate, habang suot - suot namin ang aming mga toga, pinangako namin sa aming mga sarili na magiging unang prayoridad namin ang aming mga estudyante; na kahit hindi nila matandaan ang aming mga pangalan hanggang pagtanda nila, ang mahalaga, nahubog namin sila sa tama at maitama ang kanilang landasin sa buhay.

At sa wakas , GRADUATE na KAMI..

May isa pang pagsubok... Ang Licensure Examinations for Teachers

review, review... aral, aral.... review at aral..

Hindi lahat papalarin sa pagsusulit na ito; kasi ang alam ko marami rin sa mga kumukuha nito ang hindi pumapasa..

PERO HINDI IBIG SABIHIN NITO HINDI SILA MAGALING NA TEACHER..

KASI ANG EXAMINATION NA IYON AY TUNAY NA HINDI SUKATAN NG PAGIGING MAGALING NA GURO...

... at sa wakas, PUMASA na rin :)

Chapter II - Ang Classroom ... Ang Silid - Aralan

 HUNYO ang pinakanakaka-excite na buwan para sa isang guro... madalas, kahit matagal na sa propesyon ang isang guro, pakiramdaman namin na bago pa lamang kaming GURO kapag HUNYO. 

Pero bago kami magkaroon ng sariling classroom, 

dadaan muna kami sa mga pagsubok.. 

teaching demonstration sa isang paaralan tatlong buwan bago ang pasukan...

interview na talaga namang nakakakaba ... mga IQ test, Aptitude Test at kung ano - ano pang mga eksaminasyon na susubok sa aming galing at mga pinaghandaan na aming natutunan sa kolehiyo.,

"Sir, Mam, we will give you the chance to teach in our school for 10 months and after this your performance will be evaluated.. You are hired".

Your Point of View..Your Teachers Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon