Students Point of View:
lagi na lang galit sa amin ang teacher / adviser namin, konting kibot lang nakasigaw na kaagad...
Teachers Point of View:
Para sa isang bagong teacher, hindi talaga maaalis sa isipan niya ang pagiging idealist o yung ugali o kaisipan na everything on its proper place o lahat sa kagustuhan ko. Laging ang makikita talaga ng mga students ay yung mga kakaiba nyang inaasta sa harap; lalo na kung galit ka.
Hindi naman kami ginawang perpekto. May mga pagkakataon talaga na hindi kami maintindihan. Siguro mga problema na labas sa school na umaapekto sa mga moods namin. Pero hindi ibig sabihin nun ay mahina kami. Nagiging mahina kami kapag nararamdaman namin na wala ng kumpiyansa sa amin ang mga students namin.
Hindi kami ginawang perpekto. Kahit kami may pagkakamali kami sa mga decision namin at lagi kaming handang harapin yun, wag lang maapektuhan o masira ang classroom at ang mga students na nasa isang bubong na iyon.
Hindi kami ginawang perpekto. Napapasigaw kami kasi minsan ito lang ang paraan para mapakinggan kami sa harap ng 40 hanggang 50 o higit pang students namin.
Hindi kami ginawang perpekto. Napapasigaw kami kasi hinahanap namin yung isang tatayo para marinig kami at maramdaman nyang nag-aalala pa rin kami sa inyo kahit galit na kami.
Hindi kami ginawang perpekto. Sana malaman nyo rin na sa loob ng classroom na iyon, hindi tayo lahat na ginawang perpekto...
Hindi kami ginawang perpekto pero alam namin na lahat ng kaharap naming students ay perfect sa kani-kaniyang gawi at ang aming misyon ay itungo sila sa lugar kung saan mas mapagbubuti nila ang mga talento nila; maabot nila ang mga pangarap nila.
Parang sun at moon ... Kami ang buwan, pinahihiram kami ng liwanag ng araw nang sa gayon pede naming ikalat ang aming mga liwanag sa gabi at lumiwanag kasama namin ang aming mga bituin... May mga bituin na labis kung lumiwanag, meron namang kakaunti lang, meron namang grupo - grupo at sabay - sabay na nagliliwanag. Ang saya isipin na sa sandaling pagtatagal mo sa iyong lugar nagagawa mong magliwanag hindi para sa amin, kundi para sa sarili mo, sa landasin mo at para sa mga umaasa sa iyo.
Students Point of View: Boring naman sana hindi na lang siya ang teacher namin...
Teachers Point of View: Pumapasok kaming mga guro hindi para reputasyon na meron kami sa aming lipunan; ako bilang isang guro pumapasok ako ng school at ineenjoy ko ang bawat oras sa classroom hindi para sundin ang job description ko; hindi para patunayan ko ang mga natutunan ko sa kolehiyo mas lalong hindi para ipakita ang galing ko sa subject ko kundi para sa mga students ko... Hindi naman dahil sa subject namin kaya kami pumapasok o bakit kami nagtatrabaho, kundi para sa mga students namin.
Hindi na bale na hindi nyo matandaan ang pangalan namin pagtanda nyo, ang mahalaga dumaan tayo sa isang daanan, nagkasabay at naging bahagi ng bawat buhay na meron tayo. Kaya para sa isang teacher, kung maririnig niya o mababasa nya ang mga salitang nasa itaas at mula sa students nya, anong hinanankit at sakit ang nararamdaman ng teacher. Hindi naman mahalaga na memorize nyo buong libro, ang mahalaga mamulat kayo sa katotohanan ng buhay.
Kung isang araw magkasalubong kayo ng teacher nyo at sa teacher na ito, ikaw ay galit dahil napahiya ka niya o kaya naman dahil napagsalitaan ka niya, sana isipin mo "naging patas ba ako sa nararamdaman ng teacher ko?" "naging tao ba ako para sa kanya? naibigay ko ba ang respeto ko na dapat ay para sa kanya?" Kasi para sa amin, masakit ipagkasya sa aming mga isipan na student's come and go.. Kasi kung tutuusin, masaya kami kapiling kayo pagkat kayo ang pumupuno sa aming mga memorya; sa mga pinagsamahang dadalhin sa napakahabang panahon...
Kapag ako sinabihan ng ganyan ng students ko, hindi maalis sa isipan ko ang magdamdam, sisihin ang sarili ko kasi bakit sila maiinis sa akin? bakit ayaw nila sa akin... sabagay you cannot please everyone pero sa sampung bwuan nyong pagsasama, ilang buwan kaya doon ang titiisin nyo sa pag-iiwasan.. na dapat mga pagkakataon para kayo magkakilala ng mahusay.
Teachers Point of View: Student's Come and Go
Napakatotoo ng kasabihang ito. Totoo naman na hindi habang buhay na kasama namin ang mga students namin. After 6 or 8 hours, uwian na nila. After 10 months, bakasyon na nila. Ganun kabilis yun. Pero alam nyo ba, bawat araw tumatatak sa amin kasi araw - araw laging may bago at yun ang nakakasabik sa propesyon namin. Yung mga tawanan natin. Yung mga kulitan. Yung mga games sa mga subjects. Yung mga galit days at mga world wars.
Kahit hindi namin ipakita obviously, masakit para sa amin na iiwanan nyo na kami. Dito lang kami magiging unfair; na sana hindi muna kayo umalis kasi NAG-EENJOY PA KAMI KASAMA KAYO.
Pero may mga oras talaga na susubukin ang pagsasama nyo ng mga students... Kapag umalis na sila dun sa classroom na iningatan mo for 10 months dun mo lamang malalaman na natututo sila; na nag-mature sila.
Ngunit kalakip ng mga kondisyong ito ay ang paghihiwalay ninyo. May mga klaseng masasaya kasama, may mga klase na kahit pilit mong pinapasaya sila cold pa rin sila. Pareho yang mahirap iwanan.
Siguro hindi lamang namin pde ipakita ng napaka - obvious; pero sa totoo lang namimiss namin kayo lalong - lalo na kung humaharap na kami sa mga bagong batch ng students...
itutuloy..