Day 4.1 [ Ang Kulit Mo Prince! ]

198 20 46
                                    

~ Ang Kulit Mo Prince!

Pasado alas dose na ng tanghali nang magising si Angel, nang marinig n'ya mula sa labas ang boses ng ina ni Prince. "Mukhang pinagagalitan na naman ang mokong." Maliban kasi sa sermon na kaniyang naririnig, agaw pansin din ang iyak ng bata.

Nag-ayos muna si Angel bago siya lumabas. At sakto namang paglabas niya ng pinto, hinubad ng ina nung bata ang puting short nito upang malabahan dahil sa puno na ito ng pulang lipstick. Wala lang ito sa part ni Angel ngunit nang makita ni Prince na nakatingin sa kanila habang nakangiti ang dalaga, mas lalo pa itong umiyak at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto nila.

Ang kanina namang galit na ina ay biglang natawa sa inakto ng anak. "Akala mo naman may makikita at nahiya pa sa kanyang gelpren kuno. Hay naku Angel," sabay tawa nilang dalawa. "Bumaba ka na at kakain na tayo." Dagdag pa nito, at saka sinundan ang anak na tumakbo.

Sabay sabay silang kumain sa mahabang mesa, habang si Prince ay panay ang tago sa braso ng kanyang ina matapos masubuan. Ang kaharap namang si Angel ay hindi mapigilang hindi matawa sa inaakto ng kaniyang pinsan.

Panay naman din ang kantiyaw ni Terry sa bata kaya ang nangyari, naging parang party ang hapagkainan dahil sa kanilang mga tawanan.

Matapos kumain, si Angel ang nakatoka sa lahat dahil siya ang nakatatanda sa kanilang magpipinsan. Simula sa paghuhugas hanggang sa paglilinis at pagbabantay sa mga ito. Aalis kasi ang kanilang mga magulang upang ayusin ang paghahati-hati sa lupa.

Sa kabilang banda naman, kapansin pansin ang nagmumukmok na si Prince. Tinabihan naman siya ni JP matapos itong makita.

Hindi naman mapigilan ng binata ang kaniyang pagtawa sa tuwing maaalala niya ang nangyari. Hindi man niya ito nakita, naiimagine naman niya ito na tumatakbo at umiiyak dahil sa hiya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Prince.

"Hindi ikaw 'yun ano, naiisip ko lang 'yung text sa akin ng girlfriend ko." Pagpapalusot nito at s'ya namang nagpalingon nang panandalian kay Prince. Makikita sa itsura nito ang mukha nang kainteresaduhan na malaman ang buong detalye, ngunit bigla rin itong bumalik sa kaniyang dating itsura.

"Chill," sabay akbay nito sa pinsan. "Alam mo kasi Prince, hindi bagay sa isang gwapong katulad natin ang pagmumukmok." Pagsisimula na naman nito. "Kung ako sayo bro tatayo na ako. Bahala ka, ang alam ko e may nanliligaw sa kaniya. At kung magmumukmok ka lang dito, naku! Talo ka."

"Angel is my gelpren! Walang pwedeng manligaw sa kaniya dahil akin na siya." May pang-aangkin sa tono niya habang nakakunot noong nagprotesta sa kaniyang kuya JP.

Nagkibit balikat naman ang isa bilang sagot at sinabing, "Malay natin, bilog ang mundo. Kaya kung ako sayo-" Hindi na siya pinatapos ni Prince at agad na itong tumayo na kunot pa rin ang noo habang akala mo ay kung sino ang susugurin kung makalakad.

"Galingan mo bro! Boto pa naman ako sayo!" Sigaw ni JP habang patawa-tawa pa. Madali talaga niyang napapasunod ito dahil sa  kanilang lahat, sa kaniya lamang ito naniniwala at nakikinig.

Pagdating naman ni Prince sa kanilang kwarto, agad itong namili ng isusuot na damit. At nang matapos, humarap naman siya sa salamin upang ayusin at itirik ang kaniyang mga itim at medyo may kaiksiang buhok.

"Gyapo ko talaga, grabeng gyapo! Humanda ka Angel baby dahil ako si Prince, ang nag-iisa mong gyapong baby." Pagkausap nito sa sarili habang nakatingin sa salamin at ngumiti ng nakakaloko.

Kumindat kindat pa ito at nagpopogi points sa harapan ng salamin. Tila manghang mangha sa kagwapuhang kaniyang nakikita. Matapos masatisfy ang sarili, nagpulbos na ito at saka nagflying kiss sa salamit saka umalis.

Taas noo naman siyang bumaba at nagtungo sa kinaroroonan ni Angel upang masimulan na ang kaniyang mga damoves na tinatawag.

Mula sa likod ng pinto, mapapansin ang itsura nitong parang ninja habang sinisilip ang ginagawa ng itinuturing na girlfriend, naghahanap ng tamang tiyempo.

At nang makita niyang papaalis na si Angel upang ilagay na sana ang mga nahugasang pinggan sa lagayan nito, bigla siyang tumakbo sa harap ng dalaga at hinarangan ito.

"Anak ng tinapa!" Gulat na nasabi nito. "Prince! Ano ba?! Hindi ba ang sabi ko sayo ay huwag na huwag mo akong gugulatin? Muntik ko na tuloy mabitawan ito. Tabi na diyan at marami pa akong gagawin." Tuloy tuloy nitong pahayag ngunit isang mapang-asar na ngiti lang naman ang isinagot sa kaniya ng pinsan. Idagdag mo pa ang ginawang pagkindat nito na siya namang nagpainis ng husto sa dalaga.

Inis man ay hindi na niya ito pinagsabihan at nagsimula na sanang maglakad muli ngunit sa kakulitan ba namang taglay ng pinsan ay hinarangan pa rin siya nito. Gamit ang kaniyang dalawang kamay, idinipa niya ito na akala mo ay naglalaro ng patentero na siyang binabantayan ang kalaban upang hindi makapasok.

"Prince! Ano ba! Tumabi ka muna dahil ang bigat ng dala ko!" Medyo napipikon na si Angel dahil sa kakulitan nito kaya napasigaw na ito.

Nagulat naman ang pinsan sa kaniyang pagsigaw kaya't dahan dahan itong tumabi habang nakayuko.

Ang akala naman ni Angel ay tatantanan na siya nito dahil sa ekspresyon nito kanina ngunit matapos niyang ilagay ang mga plato at pabalik na sana s'ya sa lababo nang bigla na naman siyang yakapin nito mula sa likod.

"Prince! Ano bang ginagawa mo?!" Ngunit kahit na isang salita ay hindi siya nito sinasagot.

Pilit niyang tinatanggal ang mga braso nito sa pagkakayakap sa kaniya ngunit matanggal man niya, agad naman din ulit itong yumayakap.

"Hay nakung bata ka." Bakas sa tono nito ang pagsuko dahil mukhang walang kasawaan sa kakulitan na naman ang tema nito ngayon.

Nagsimula na lang maglakad si Angel kahit na irita na ito sa pinsan na akala mo ay tuko kung makakapit.

Sinimulan ulit ng dalaga ang pagtuloy sa kaniyang hugasin kahit na kapit na kapit pa rin ang isa sa kaniya.

Matapos maghugas, "Prince," pagtawag niya sa atensyon nito. "Bumitaw ka muna dahil nauutot ako." Pagkarinig na pagkarinig nito mula sa dalaga, agad agad itong bumitaw. Natawa naman si Angel. 'Yan lang pala ang katapat mo e. Bulong pa nito sa sarili at saka tumakbo ngunit agad namang nahila ng bata ang laylayan ng damit nito kaya't yumakap ulit ito sa kaniyang likod.

Maya't maya, mararamdaman ni Angel ang paghalik ng bata sa kaniya mula sa likod. Tapos ibinabaon pa nito ang kaniyang ulo sabay bungisngis. Napapailing na lang sa inis ang dalaga. "Ang kulit kulit mo talaga!"

Tawang tawa naman si JP na pinapanuod ang dalawa na akala mo ay nanunuod ng isang komedyang palabas, at nagawa pa talaga niya itong kuhanan ng video at mga litrato.

Noong dumating naman ang mga magulang nila, si JP ay agad-agad na ipinanuod sa kanila ang nakuha n'yang video kaya ang nangyari, napuno na naman ng kantiyawan at tawanan ang buong sala.

Asar na asar naman si Angel kay JP. Ngunit kapansin pansin naman  si Prince na tuwang tuwa at aliw na aliw sa video nila ng kaniyang girlfriend.

"Kuya JP, kuya JP!" Bakas sa mukha nito ang saya at ka exciterang lumapit sa kaniyang kuya.

"I love you!" Sa sobrang tuwa nito, sumampa ito sa kaniyang kuya at pinuno ng maliliit na halik sa mukha.

Sa huli, nagantihan din ni Angel si JP. Siya naman kasi ngayon ang picture ng picture sa kanila dalawa, habang tawa ng tawa.

"Serves you right my brother." Ani ni Angel suot ang isang matagumpay na ngiti.

--------

Mag-eedit na lang ako after. ahaha. salamat sa mga patuloy na nagbabasa :)

HARU :)) Late dedication. ahaha.. ngayon lang nakapag PC ulit eh :) ito 'yung sinasabi ko sa FB :)) sana mabasa at magustuhan mo :)) 'yun lang :)

My Little Admirer [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon