Chapter 07 : Bestfriend

238 3 0
                                    

Follow me : @StingingStrings

And on twitter : @Strings04

--

CHAPTER 07 : Bestfriend

"Dinner ?" Sabi ko sa mga kapatid ko na parang naghahanda...

Its been a day passed simula nang mabasa ko yung info ni Kalen at eto ako ... puro tulog at kain at ngayo'y bagong gising para sa dinner...

"Want to come with us ?" Sabi ni Kuya Maves as he glances over me.

"Where ?"

"To a business party. Dad wants to see us there."

"Nasaan na ba siya ?"

"Nauna na siya dun."

I nodded

"Ahh."

Pupunta kaya ako ?

2nd time ko palang kasi kung pupunta ako... Boring kasi nung una kong punta dun pero ineexpect kami ni dad ngayon, Hayy.

"Okay. Sasama ako" I said habang kinukusot pa ang mga mata ko.

"Be ready... Aalis na tayo after an hour."

Then I went upstairs and started to make up things. Boring dito at gusto ko munang ... magsight-seeing ng mga gwapo. XD

After an hour.

"You look beautiful." Sabi ni Kuya Chuck as I walk downstairs.

I blushed and said my thanks.

Really ? Nagsuot lang naman ako ng velvet dress with matching 5 inches stilleto shoes at blue stoned na necklace... but I think, its a perfect combination.

"Let's go. Isang oras pa ang byahe." Sabi naman ni Kuya Mave's samin.

Pumunta na kami sa patutunguhan... Sa isang 5-star na restaurant and there... I saw my father.

"Hello. Kanina ko pa kayo hinihintay." Sabi niya at ngumiti

"Sorry for the wait dad. Si Kate kasi eh."

"HUH ? Eh ... kung ginising niyo ko diba ?" I blurted out

"Haist... Mga anak ko nga naman oh. Tara na. Ipapakilala ko na kayo sa mga new friends ko."

Pinakilala na kami ni papa at maraming gwapo ang nakipagkamay sakin ... OH-EM-GEE. Minsan lang ako lumandi kaya pagbigyan.

Nagpatuloy si Papa sa pagpapakilala samin but then...

"Hello. Long time no see."

"Pardon ?" I said, confused

Nagkatinginan lang kami but something swirled my mind...

"Steve ?"

He smiled then nodded at me.

"STEVE !" I hugged him. I miss this guy.

He hugged me back then nagkatinginan ulit kami. He is still handsome. Anyways, We went to a big round table together with my family and his family.

Siguro nagtataka kayo kung paano kami nagkakilala noh ? Well, magkapitbahay kami ni Steve nung nasa province pa kami. Yung medyo Urbanized na ah, then naging ka playmate ko siya but one day ... Sabi niya may gusto raw siya sakin pero binasted ko agad siya. Bata pa kasi kami nun pero naiintindihan naman daw niya at ayun ... Friends padin.

But then, nagkahiwalay kami dahil lumipat sila sa Manila para ituloy ang pag-aaral niya at para makakuha ang family niya ng opportunities which made them rich and got their business.

"Hey. Ang tangkad mo na Steve... Dati ako ang matangkad ah !" Sabi ko as I laugh lightly.

"Ganun ba ? Eh ganun talaga." he laughed too

"Hindi ko akalaing dito ka rin nakatira"

"Oo nga eh...."

"So ... tell me about your life here." I said then sliced my food.

"I can't remember much... but I know it was good." Then he smiled at me.

Huh ? Can't remember that much ?? Anong ibig niyang sabihin ?

"Pardon ? Ba't hindi mo matandaan ?"

He sighed first then looked at me.

"Well you see. Meron akong Selective Retrograde Amnesia"

"What ?" Shocked ako nyan ah.

"Yes... My mom said that I was caught by a car accident and now... I can't remember that much.

Pero ba't pa niya ako nakikila ?!

"Ummmm..."

"As what I have said earlier. Selective Retrograde Amnesia ang sakit ko. Yung iba natatandaan ko pa pero yung iba, hindi na... but I still remember you, the games we used to play, the day I confessed and the day we got seperated. They say that I can still recognize people that I long forgotten but It will be hard for me to recall them."

Ahh. Mabuti naman kung ganun Steve Marco ! Kundi babatukan talaga kita.

Wait lang ...

Steve Marco ? ... Narinig ko na yung name niya somewhere ...

"Is there something wrong Kate ?" He said while snapping his fingers.

"Ahh ! Wala... Wala."

Oh well ... Nevermind nalang. Im here to spend my time for happiness and for this guy.

"Anyways, Kumain nalang tayo Steve"

And I smiled as we ate our dish.

--

Trivia :

Ang 'Selective Retrograde Amnesia' ay isang sakit sa utak. Ito'y isang uri ng amnesia. From the word Selective, Pili lang ang maaalala ng biktima. Possible ring maalala ng biktima ang lahat at possible ring hindi na talaga.

-Ito'y ayon sa palabas na napanood ng author at ayon sa kanyang nabasa.

Wait for the next chapter ~

Follow me @StingingStrings

Dating Mr. Fajardo [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon