Chapter 1

117 0 0
                                    

Bata pa lang sila Sophia at Mike ay malapit na sila sa isa't isa. Sa tuwing may lakad ang Mama ni Sophia ay iniiwan niya ito sa kumareng si Elena na nanay naman ni Mike. Tubong probinsya si Mike at ang nanay nito. At dahil nadestino ang kanyang ama sa Maynila ay nagpasya ang kanya ang kanyang ina na dito na lamag sa Maynila sila manirahan at dito na rin sila mag-aral ng kanyang mga kapatid. Labingpitong taon na si Mike habang labinganim na taong gulang pa lamang si Sophia nang sabay silang pumasok sa eskwelahan.

4th year na si Mike at 3rd year naman si Sophia kaya sa susunod na taon ay magka-college na si Mike at graduating na noon si Sophia. Pareho silang matalino at masipag mag-aral. Nasa higher section silang dalawa at parehas din silang laging may award at medal at laging present sa recognition day. Si Mike ang valedictorian sa kanilang batch at si Sophia naman ay ganun din.

Masaya ang kanilang mga magulang sa natatamo nilang karangalan kaya hindi rin nasayang ang scholarship na ipinagkaloob sa kanila ng kanilang mayor.

Hanggang dumating dumating ang arw na naka-graduate na si Sophia at nag-enroll siya sa eskwelahang pinapasukan ni Mike. Simula ng tumungtong ng kolehiyo si Mike ay bihira na itong pumunta sa bahay nina Sophia di kagaya ng dati na halos hindi mo sila mapapaghiwalay. Nagkaroon na kasi ng girlfriend si Mike at ito ay si Joana. Si Joana ay napakaganda, napakasexy, mayaman at hindi jologs. Kaya hindi lubos maisip ni Sophia kung bakit pinatulan ni Joana si Mike na isa namang jologs at hindi marunong pumorma.

Sumagi sa isip niya ang isang napakalaking katanungang BAKIT?  

Expect the UnexpectedWhere stories live. Discover now