Guilt Trip

9 0 0
                                    

Eto na. Makikipag-break na talaga ako kay Rio. Ayoko na talaga.

"Rio, salamat sa lahat ah? Mabait ka and all, pero-"

"Pero? Pero pagod ka na? Pero break na tayo? Sawa ka nanaman ba sa BF mo na ginawa nanaman lahat para lang sayo?"

CHILL, RIO. Hindi ko kailangan ng realtalk mo ngayon.

"Kung tutuusin nga, Haley, AKO. Ako ang dapat na pagod na, ang dapat na nakikipagbreak, ang dapat na sawa na."

"EDI IKAW NA LANG ANG MAKIPAGBREAK PARA TAPOS NA!"

~

"Nako naman, Haley. Di ka nagsasabi. Nagbreak na daw kayo ni Rio?" Tanong ng bestfriend kong si Naomi.

"Sadly, yes..."

"Sadly, yes mo jan. Ikaw nga daw nakipagbreak eh. Ikaw nanaman. Naaawa na ako sa mga boys na nai-inlove sayo.."

"First of all, sinabi ko sakanya na siya nalang ang makipag-break. Pero bigla nalang siyang nag-plead na wag daw kaming magbreak. Eh ayoko naman na kasi. NAKAKASAKAL."

"Nakakasakal daw. Ang nakakasakal, fren, yun yung sinasagad niya yung pagka-protective niya sayo. Wala namang mali sa pag-protect ni Rio sayo ah. Pag ayaw mo siyang kasama, di naman siya nagrereklamo." Pumikit si Naomi saglit na para bang naghanda ng lakas ng loob sa sasabihin niya. "Ang sabihin mo... Sawa ka nanaman."

"WHAAAATTT? Alam mo namang deeply inlove ako kay Rio eh."

"LIIIIEEESSSS!" Anjan na si Swat. Ang boy bestfriend kong masarap hampasin lalo na pag lasing. OO, SWAT. S-W-A-T. Shon Weyn A. Tsui. Sa lahat siguro ng mga kaibigan ko, hindi ako magsasawa sa gagong to. Kasama ko siya mula pa pagkabata kaya kahit anong klaseng situation, kakayanin ko para sakanya. Pero minsan talaga, nakakaasar siya.

"Wag ka nanamang bobo jan, Swat. Mahal ko naman talaga siya eh."

"Like I said, LIES. Sinasabi mo lang sa sarili mo na mahal mo siya pero ang totoo, hindi mo siya mahal."

"Anong utak ba ang meron ka? Bakit parang sobrang liit?" Pasungit kong sinabi.

"Di mo lang tanggap, fren. Pero true story yung sinabi ni Swat."

WHAT?! WHAT?! Sige, pagtulungan niyo pa ako. Akala ko pa naman bestfriends ko kayo. Pero WTF, may point talaga kayo.

"O? Bakit di ka makaimik? Guilty ka noooh?" Sige, Swat. I-push mo pa ako, magkaka-black eye ka na. "How about a deal?"

"Duuuude. What? Alam mo naman na di ako nagbaback down pagdating sa ganyan."

"I know. MEHEHEHEHEHEHEHE. Asshole na kung asshole basta I have a deal with you."

"Anong deal ba yan?"

Nagbulungan muna ang dalawang abnormal. Bakit ba di ko kayang magalit sakanila? Hayyyy -_____-

"KUNG mahal mo talaga si Rio, dapat i-accept mo siya pag makipagbalikan siya sayo." Sabay nilang sabi.

"Pag ni-reject ko?" Tanong ko.

"Edi heartless ka, di mo siya mahal at di ka marunong ma-inlove!" Ang sagot naman ni Swat. "O, wag mo nga kaming tignan ng ganyan!"

"UNFAAAAIIIRR!" Grabe naman sila. Bakit of all things, eto pa! "FINE."

"Okay, let's go. Hanapin na natin si Rio kasi ngatext siya sa akin. Gusto ka daw kausapin. TARAAAA." Sabay hila sa akin ni Naomi. "Wag ka nang maarte, let's goooo."

"What? Dude, ang bilis naman. HUHUHUUHUHUHUHUHU. Di niyo naman sinabing effective immediately yung deal!"

"Like I said po, di ba? Don't be maarteeeee."

~

I swear to God and all types of pizzas in the world, makakarma din tong mga kaibigan ko sa ginawa nila sa akin.

"Baby... Can I.. Uhmmm.. Can I still call you 'Baby' ?"

"Uhmmmm... Ikaw bahala, Rio." I said with a smile.

"Baby. I'm sorry if nagsawa ka agad sa akin. Pero this time, gagawin ko talaga lahat para di ka magsawa. Promise."

Uggghh. Tanga ka ba, Rio? Kaya nga nakakasawa kasi ginagawa mo lahat para sa akin eh.

"Di naman ako nagsawa, Rio. I just don't think we're compatible." Tama si Swat... Lies.

"BUT EVERYONE SAYS WE'RE COMPATIBLE."

"Well, my name is not EVERYONE naman kasi." Talo na ako sa deal, shit.

"Ayaw mo na ba talagang maging tayo ulit?" Don't cry in front of me, Rio. Pinapatay mo pagkamanhid ko.

"I.... I'm sorry.... I'm sorry, fren. Ayoko na talaga."

"FREN???" Wrong word. "Okay na yung 'I'm sorry' mo, Haley. Pero kailangan mo ba talagang sabihin yung 'fren' ? That's it. Alam ko naman na matalas dila mo pero di ko inakala na ganyan ka ka-insensitive. Napaka-HEARTLESS mo sa lahat ng nagkagusto sayo! Makarma ka sana!"

BOOM. Harsh pa po, kuya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KARPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon