Zhil's POV:
Hello ako si Zhil, 8 years old.... boring naman dito sa bahay.... kahit may mga manika at mga iba't ibang laruan, boring parin.... paano kasi, ako lang ang bata dito..... kung hindi lang ako anak ng mafia e di sana, katulad din ako ng ibang bata, naglalaro sa labas ng chinese garter, limbo rock, pantintero, luksong baka at kung ano ano pa.... hay, masarap siguro ang buhay.....
Kahit ilang please at nag puppy eyes kay papa, wala parin.... ang rason daw ay, para maprotektahan ako sa mga bad guys.... parang yung big bad wolf sa little red riding hood.... pero kahit na! Gusto ko pa ring lumabas at maglaro katulad ng mga normal na bata... mamayang gabi, tatakas ako....
------------------------
Gabi na, tulog na ang lahat.
Lumabas ako sa likod ng bahay. Nge! Meron pa ring mga body guards na nagbabantay..... hindi ba sila natutulog? Okay lang kaya sila? Ewan! Basta, aalis ako ng bahay.
Nakatakas ako kahit papano. Dumeretso ako sa basketball court.... at may nakita ako bola.... gi try ko din at gi-shoot... nge! Di pumasok..... sige lang.... one more round pa... wala parin..... sige isa pa..... ano ba yan, wala parin..... isa pa.... hay, wala parin.
"hahaha"
May narinig akong boses, "Sino yan?!" Natakot ako.... First time ako nakarinig ng ibang boses, lagi na lang kasi boses ni papa, mama, ni auntie, ni tito, ni lola at lolo.... ang mga body gaurds..... sus, napaka-rare ko lang yun marinig, "Kahit yung pinakabata kong 3 year old na kapatid marunong na mag basket ball.... ikaw, na halos ko kaedad, hindi," sino ba yung mayabang yun?
Nagpakita siya habang ngumingiti. Halos abot tenga, "First time mo bang maglaro nito?" katulad ko siya na bata rin, "Oo.... hindi kasi ako pinalalabas ni papa," nagulat siya, "Nge! Bakit..... bata ka, dapat sayo maglaro, kahit minsan minsan," sabi niya, "Sabi kasi ng papa ko, para daw yun sa kaligtasan ko.... anak kasi daw ako ng mafia at marami daw siyang kalaban," hay, ano ba yung mafia? Kahit ako, di ko rin alam, "Mafia? Drug dealers? Isang drug dealer ang papa mo!" nagulat ako.... at least alam ko yung drugs no, "Hindi drug dealer papa ko! At pag sinabing naman siguro na Mafia, hindi puro drugs baka siguro, Drug Dealer o Drug Lords..... pero may nakikita akong mga baril na nakatago dun sa storage room," siyempre dinepensahan ko papa ko. Siyempre papa ko e,
"Baril?! Astig!.... alam mo ba na hilig ng mga lalake na katulad ko?!" sabi niya, mukha siyang masaya, "Astig?" sabi ko na pahina ang boses.... anong astig? "Sa tingin ko, hindi masaya at dapat hindi ito kahiligan.... nakakatakot kasi ang tunog nito," na trauma pa nga ako eh, nung ika-7 ng birthday ko, gusto ni papa na i-try ko daw, nung may pinindot ako, pumutok, ayan natakot ako, "Siguro yung totoo pero yung laruan, hindi!..... Oo nga pala ako si Denise.... ikaw?" sabay labas ng kanyang kamay, "Zhil."
"Jill? Jack ang Jill went up the hill--- "Hindi sa nursery rhymes! Baliw! Z-Shil hindi Jill.... para bang ikaw nagsabi ng Shil pero may z ikaw na marinig," tumawa na lang din siya habang ako naiinis, "Sus, biro lang.... mag-gagabi na.... umuwi ka na! Oo nga pala, bukas maglalaro kami ng kaibigan ko ng tagaanay..... gusto mo sali ka?" nagniningning ang mga mata ko, "Sige! Pero turuan mo ako ha! Hindi pa kasi ako nakakalaro non!" Ngumiti siya, "Kakaiba ka talagang bata."
------------------
"I'm going now Zhil. Be always a good girl and don't cause them many problems okay?"
"Okay Papa," tapos umalis siya.... siyempre kasama ang body guards niya. Galing ko mag english ano? Simyepre, Italiano Papa ko at hindi gaano magaling mag tagalog.... ano na lang kung pina-cebuano?
Siyempre, dali-dali akong makatakas at dahil nga small but terrible nakatakas ako.
"Denise!" Sigaw ko, "Nge! Bakit madumi ka tingnan," natawa ako.... siyempre na-roll over ako sa lupa nung over de bakod ako, "A-ah, nadapa kasi ako," hindi ko pwede sabihin na tumakas ako, "Sinungaling..... tumakas ka no? Tinanong ko ang mama ko kung ano yung mafia.... isa daw yung organisasyon na meron sa Italy at KGB sa Russia at Yakuza naman kung sa Japan.... pero hindi daw niya alam yung full details baout diyan, basta yan lang yung alam niya..... At sure ako na tumakas ka lang kasi wala kang bodyguards.... at ang dali mo kayang basahin," hay nako, pag sa papa ko ang dali ko siyang lokohin.... "Ang dami mong satsat.... tingnan mo o, mukhang tinatawag ka na ng mga kalaro mo," sabay turo sa kanila, "E ano pa ang hinihintay mo, halika na."
"Uy mga kasama, may bago tayong kaibigan, ito si Zhil," wow ang dungis nila.... ano pa ang pake ko, mas gusto ko pa nga ito kaysa laging malinis, malamig kasi ang tubig at walang privacy.... ang tanda tanda ko na pero pinaliliguan pa ako ng mga maids.... Tsk, "Jill? Ano yung nasa Jack and Jill? Chichira? Hahaha!" ano ba yan, "Wag na yang gawing biro, ginawa ko na yan, maging korny na yan tuloy," Hala, lahat na tumawa.... nahawa din ako, "O sige pwede niyong gawing biro yang pangalan ko, si mama ang pumili e."
"Oy, Zhil, bakit brown hair mo?" tanong ni James... yung kalaro namin, "Blonde hair kasi si papa at black hair naman si mama kaya nung ipinaghalo, ito ang lumabas.... bakit mo na man tinanong?" gi-shake niya yung ulo niya, "Hindi naman yung ka-importante... Yung mama ko kasi, nagpakulay ng buhok ng brown.... hindi naging bagay, ayan naging mukhang badjao tuloy," Badjao.... yung ba yung tinatawag nilang sea gypsies? "So, mukha din akong badjao?" siyempre naging concious din ako sa itsura ko, "Ay hindi, mas gusto ko yung pagkabrown niya kasi para bang may halong dark-grey.... ganun na kulay."
"James, bakit ang dami mong alam about sa colors?" tanong ko, "Gumuguhit at kumukulay kasi ako ng mga larawan kaya marami akong alam," kaya pala, "James, anong oras na?" tanong ko, "Mag-aalas tres na... bakit?" patay! I'm sure hinahanap na ako ng nanny ko, "Kailangan ko nang umalis.... sige bye!"
------------------------
"Giovane signorina, dove sei Giovane Signorina?"(Young Miss, Where are you young miss?) dali dali akong nagbihis... sus puro galing Italy itong mga body guards, maids at yung nanny ko, since nakatira na din ako sa Italy, syempre alam ko ang mga sinasabi nila, "Sì, io sono qui tata," (Yes, I'm here nanny) acting-acting na lang din ako na nasa bahay ako. Hindi kasi siya magaling mag english kaya ganun...
Sorry author...
(A: 'kay lng.... ako ang nag-plot eh... sige na balik na)
"Giovane signora, si sente odore di .... terribile!" (Young miss, you smell..... terrible!) patay, kahit yung pinakamahal na perfume na halos giligo ko, hindi parin matakpan na amoy pawis ako, "È necessario fare una doccia! Tuo padre si arrabbierà con me!" (You need to take a shower! Your father will get angry at me!) sus, O.A. na nanny na ito pero kahit na, play with flow na lang baka malaman din ni papa na lumabas ako.
Denise's POV:
"Asan na si Zhil, James?" tanong ko, "Umalis na, nagmamadali e.... maganda siyang bababe no.... crush mo?" nandito na si malisyoso, "Hindi! Kaibigan ko lang siya!" namula ata ang pisngi ko kasi totoo.....
Crush lang naman yun, walang masama kung ganun diba, "Ayieee.... uy! si Denise gud, may crush kay Zhil!" James talaga, "Hindi nga!" sus nag Ayie na ang lahat! "Hindi nga okay! Okay?! at ang crush ko ay si Anne Curtis at at si Bea Alonzo," sabi ko habang nag-popogi pose, "As if naman kung maging kayo! Sila ay mga artista at tayo, wala! Imposible na mangyari yun!" alam ko, hindi ko lang pwede aminin at baka malaman ni Zhil.... hindi pa naman sila marunong magsara ng bibig.
---------------
Tanghali na at nagsauwian.
Pagdating ko sa bahay, tinanong ko ulit si mama, "Mama.... bakit maraming kaaway ang mga Mafia," napatingin siya sa akin habang naghuhugas ng pinggan, "Malay ko anak, pero ang isa sa mga rason ay baka maykasalanan silang ginawa sa iba kaya ganun," yan lang ang sinabi niya, "Mama, nakakatakot ba ang mga mafia?" napatigil siya, "Oo, pero depende yun sa tapang mo kasi may kaibigan ako sa trabaho na ikinasal sa isang mafia.... natapunan kasi niya ng juice yung coat ng Mafia boss... siyempre, hinarap niya na walang takot..... dahil nga sa kagulhuang yun, natanggal siya sa trabaho.... pero alam mo ang sinabi niya sa akin 'Wala akong pake-elam kung matanggal man ako sa trabaho at wala akong pake-elam kung isa siyang presidente ng Pilipinas, Amerika, Russia at kung saan saan pa at kung anak siya ng Hari't Reyna sa UK, isang delikadong tao o kahit ano, basta tao siya at tao rin ako, wala siyang karapatan na manapak ng tao!' hay, nakakaaliw na tao talaga siya," matapang nga.... kung ako yung nasa katayuan niya, kaya ko kaya din siya harapin?
"Mama, kung sinabi ko na may kaibigan akong anak ng mafia, okay lang ba sa iyo yun," nagulat siya, "Okay lang naman siguro kung yung kaibigan mo e hindi masamang tao," naging masaya ako, "Mama, gusto ko siya ipakilala sayo! Pwede?!" Gulat at Pilyado si mama, "O sige 'nak, Okay lang."
A/N: Nakakainis itong ginagawa ko pero okay lang....story ko e XD
BINABASA MO ANG
Mafia Boss' Princess
Teen FictionAnak ng Mafia at Anak ng isang ordinaryong tao... Sa tingin mo magkakatuluyan pa rin sila kahit ang dami ng pagsubok na humaharang sa kanila? Subaybayan ang istorya nila Zhil at Denise