Zhil's POV:
Birthday ko ngayon.... hay, gusto ko i-invite si Denise.... hah? Bakit si Denise agad ang pumasok sa isip ko? Pwede na man yung mga naging kaibigan dun sa labas, "Happy Birthday anak," ngumiti ang mama ko sa akin habang may hawak hawak siyang caramel cake.... mahilig kasi ako sa caramel.... nasabi ko ba na Pilipina mama ko? Hay, ewan.
Pumasok si Papa na may dalang malaking teddy bear, "Happy Birthday Zhil," ngumiti ako pero sa totoo lang hindi ako masaya. Gusto ko din na mag-celebrate kasama ng mga kaibigan ko din.... nakakaboring naman kasi, laging ganito every year. "What's wrong Zhil?" tanong ni Papa, "No, there's nothing wrong. Thank you for this teddy bear. I love it but...... Aren't I am old enough to own something like this?" tanong ko, "Is that so? But the childish you suits you," tumawa sila, smile na lang din ako.
"Zhil, this is not the only gift we will be giving you tonight.... this coming school year, we are going to enroll you to the school you want to go," as usual..... ha?! ano daw?! Mag-school talaga ako kung asan maraming katulad ko na bata?! Hindi na lagi puro tutor? Ito na yata ang best gift ever na natanggap ko! "Thanks mama.... I won't ask more of this!" tapos gi-hug ko si mama, "But in one condition," bigla akong natakot, "What is it papa?" tanong ko, "You will still have body gaurds around you.... we just care about your safety," yun lang pala, "It's fine papa.... I'm already happy on what I have."
---------
nag-isip isip ako kung asan ako mage-enroll.... Anong school kaya si Denise?
----------
"Mukhang masaya ka ata Zhil.... grabe ngiti mo o," sabi ni Denise, "Ipag-enroll daw ako ni papa sa school!" sabi ko, "Talaga? Asan ka mag-school," nawala ang ngiti ko, "Ewan.... asan pwede?" grabe ng paglabas ng hangin ko mula sa bibig, "Mayaman ka.... pwede ka sa pribadong eskwelahan katulad ng Ateneo, La Salle, Women's..... UP? ewan kung may elementarya dun," suggest niya, "Asan ka ba nag-aral, Den----" patay, lumabas sa bibig ko.... wala sana akong balak na tanungin , "Ako? Sa Santa Luna Academy.... public school nga lang.... pero maganda sila magturo.... pero hindi ka bagay dun.... Prinsesita ka, dapat sa pribadong eskwelahan ka.... lahat na nabanggit ko.... malay ko yung UP.... Oo nga pala Happy Birthday, gumawa si Mama ng fruit salad para sa iyo.... halika, kain tayo?" sumama na lang din ako, pero kasabay dun, medyo nasaktan ako....
Di ba ang prinsesa, masaya at malaya? Hindi naman ako ganun.
Siguro, mag-babago yun pag dating na sa pasukan.
---------------------------
---------------------------
---------------------------
Dumating na yung pasukan. Suot-suot yung uniporme.... hay, ang dream na akala ko ko hindi ko maabot ay nandito na.
Hindi ko pala nasabi, sa Santa Luna na lang ako nag-aral.... hindi kasi ako marunong maki salamuhat sa ibang tao.
---------
Nakababa ako sa limousine car namin.... napansin ko, lahat ay tumitingin. Bakit kaya? Pagpasok ko sa main gate, yung school gaurd, nanginginig sa takot at yung mga maliliit na bata halos malapit nang umiyak, may umiiwas at yung iba, may sinasabi habang tumitingin sa akin ng pabulong, "Zhil?!" uy, kilala ko yung boses na , "Denise?!" nakita ko siya, tumatakbo palapit sa akin, humarang naman yung mga bodygaurd.... Argh! kahiya, "Fermare questo! Quel ragazzo è un amico!"(Stop this! That guy is a friend!) hala, nagbulong-bulongan lahat nung nag Italyano ako. Sumunod yung body gaurds sa sinabi ko.
"Grabe, Zhil..... Over protective ata ang bodygaurds mo... terror lahat ang mga tao dito," gusto ko nang umiyak!!! "Alam mo na man kung asan na katayuan kami hindi ba? Natural na ganyan.... ikaw yata ang only friend ko dito...... tulungan mo ako!" sabi ko habang hinahawakan ko yung kamay niya...... ha? Bakit biglang uminit?
Dahan dahan niya inalis ang kamay ko, "Ga-ganun ba..... halika, tingnan natin kung asan na section ka.... nasa 2nd floor nga pala yung classroom ng mga grade 4," mukhang namumula siya, bakit?
--------------------------
"Mga kaklase, siya si Zhil Virchini. Maging mabait kayo sa kanya," sabi nung teacher namin, "Siyempre at baka saktan tayo ng bodyguards niya..... anak pa naman siya ng isang mafia.... ang alam ko, basta awayin mo sila, papatayin ka nila," nagbulong-bulongan yung babaeng kaklase ko.... ano ba yan, naririnig ko kayo.
Hindi ko akakalain na ganito pala kahirap ang makisalumuha sa iba kung may ganito kang titulo. Marami ka yang pera't laruan, pero hindi masaya, "Zhil! Bakit halos abot lupa ang nguso mo? Smile ka naman diyan," sabi ni Denise. Sayang hindi kami magkaklase, nasa 1st section kasi ako habang siya nasa 2nd, "Wala pa kasi akong magawang bagong kaibigan.... halos sila lahat, takot sa akin," reklamo ko, "Hahaha, okay lang yan.... hindi ko alam na marunong ka mag Italyano," ano daw?! Baliw ba siya? Lagi nga ako nagi-italyano sa harapan niya, "Ngayon mo pa lang nalaman? Akala ko dati, alam mo na?!" tapos nagsimula kaming tumawa.
Denise's POV:
Ayan, tumatawa na siya. Alam ko na mahirap ang pinagdadaan niya dahil halos lahat natatakot sa kanyang katayuan. Bakit ba biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung hinawakan niya ako? Crush ko lang naman siya.... ano ba yan? Ano toh? Drama? Agad-agad, in love? Focus lang muna sa studies mo Denise!
Natapos din ang araw..... nakauwi at gabi na, " 'Nak.... Anak!.... HOY! LALAKING MAY BANGS!" nagulat ako, "Ano naman yan ma.... ano ngayon kung may bangs ako, si Zhil naman din a!" reklamo ko, "HE! Kanina pa kita tinatawag, halos tulala ka diyan... At least si Zhil, cute at bagay talaga sa kanya..... hay, ewan! Ang gusto ko lang naman ay ihanda mo na ang lamesa't kakain na tayo," tapos, dumeretso siya sa kusina, "Kakain ba dito si papa?" Hay, miss ko na ang papa ko.
Buti pa ang papa ni Zhil, may time sa kanya kahit ang daming problema sa kanilang paligid, habang yung sa akin, halos araw-araw, nandun sa kanyang trabaho, hindi na umuwi. Pera lang naman yung problema. Bakit ganun? "Anak, hindi ata kakain papa mo dito.... may over time," sabi niya, "Sa kanyang babae," ano daw? may sinabi si mama? ano yun? "Anak.... alam ko na masakit ito para sa iyo pero gusto ko makipaghiwalay sa papa mo," sabi niya... napaluha ako.
"Ma! Bakit?" habang higpit na hinawakan ko ang kanyang damit at umiiyak ng sobra-sobra, "Hindi ko pwede sabihin ang rason sa ngayon dahil bata ka pa para maintindihan ito.... Anak, 10 years old ka na diba? nasa iyo na yan kung kanino ka titira kung sa akin o sa papa mo.... hindi kita pwede angkinin sa pagkat na hindi ka na 7," ngumiti si mama kahit siya rin ay iiyak na din.
Sa ngayon, hindi ko pa kaya na tanggapin ang lahat?
Nagkulong ako sa kwarto at umiiyak ng sobra....
Bakit? Masaya naman kami dati a.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss' Princess
Teen FictionAnak ng Mafia at Anak ng isang ordinaryong tao... Sa tingin mo magkakatuluyan pa rin sila kahit ang dami ng pagsubok na humaharang sa kanila? Subaybayan ang istorya nila Zhil at Denise