Fangirl's POV
Busy ang lahat ng tao dito kaya hindi nila napansin na umiiyak na pala ako. Ikakasal ka ba naman sa taong hindi mo mahal. Nakakainis lang eh! Gusto kong sumigaw at magwala pero hindi ko magawa. Kapag ibubuka ko naman ang bibig ko walang ni isang salita na maririnig mula sakin.
Tiningnan lo ang sarili ko sa salamin. Ang gulo gulo na ng make up ko, pulang pula na ang aking mga mata sa kakaiyak. Ang ganda nga nitong gown na suot suot ko. Ito ang gusto kong isuot sa araw ng kasal namin ng aking minamahal.
"Wag kang iiyak sa harap ni GD. Mahiya ka naman sa kaniya. Tutulungan na nga niya tayong hindi mawala ang kompanyang pinaghirapan ko. Kung ayaw mo akong malugi at makitang nahihirapan, pakakasalan mo siya. Naiintindihan mo ba ako?"
Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni papa. Gusto ko na talagang magwala at magtapon ng mga gamit pero nanghihina na ang katawan ko.
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin sila sa kakaayos sakin.
Hindi ko kayang tingnan ang sarili ko sa salamin. Mas lalo lang akong maiinis.
TOP, asan ka na? Hindi mo ba ako kayang ipaglaban sa papa ko?
Akala ko mahal mo ako. Nangako ka na pakakasalan mo pa ako.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakahanda na ang lahat at pupunta na kami sa simbahan kung saan ako ikakasal kay GD.
Si G Dragon o mas kilala bilang GD, ay ang lalakeng ipapakasal saken. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ako sa bestfriend ng taong gusto kong makasama habang buhay. Mabait naman siya eh kaya naging kaibigan ko siya. Naipit lang rin siya dahil siya lang ang kaisaisang anak na lalake.
Sabi niya na ayaw niya ring makasal sakin dahil alam niyang si TOP lang ang mahal ko. Ang sabi niya rin ay sinubukan niya ring pakiusapan ang mga magulang niya na itigil ng kasal pero hindi siya pinakinggan. Sabi pa ng parents niya na papatayin daw nila si TOP kapag hindi siya pumayag.
Kaya eto kami ngayon. Walang magawa kundi sundin ang mga utos ng mga magulang namin.
"Mas matatanggap ko pa kung si GD ang pinili mo kaysa dun sa bastardo mong lalake. Ano naman ang mapapala mo dun. Wala! Kaya mas mabuti kung si GD ang pipiliin mo."
Napatingin na lang ako sa labas at patuloy pa rin sa pag iyak.
Habang nabbyahe kami papunta sa simbahan, napadaan kami sa park kung saan ko sinagot si TOP.
Hindi ko maiwasang mas lalong maiyak.
"Stop the car.." matigas na sabi ko
"What? Why? Tatakas ka?"
"HINDE AKO TATAKAS! Wag kang mag alala dad! May gusto lang akong puntahan bago ako mamatay.." cold na sabi ko
"Manong, ibalik mo ko dun sa park."
"Yes maam" hindi naman pumalag si papa
Nung nakarating na kami sa park agad akong bumaba at pinuntahan yung puno kung saan ko sinagot si TOP
* flash back *
"Asan ba tayo pupunta TOP? Ang layo na ata natin eh!"
"Malapit na baby. Eto talagang baby ko hindi makapaghintay"
"Eh kasi.. Ang sakit sakit na ng paa ko dahil sa heels."
Nag lalakad kasi kami ngayong sa hindi ko alam na lugar. Naka blind fond kasi ako kaya hinde ko alam kung nasaang lupalop na kami.
YOU ARE READING
Confessions of a Fanboy and a Fangirl
HumorPlease read Confessions of a Fanboy and a Fangirl! I dedicate this to all fan girls and fanboys out there! Enjoy!