CHAPTER ELEVEN

505 9 0
                                    







MAAGANG nakauwi si Lauren. Halos ikaanim pa lamang ng gabi. Sinimot niya ang lahat ng laman ng mailbox bago siya tuloy-tuloy na pumasok.

Tumunog ang telepono.

"Nakita kitang dumating," ani ni Vietrez.

"Lilipat ka ba for dinner?"

"Sure. Miss me?"

"Oh, yes. Always. Halika na."

"Make your invitation more attractive and I'll be right there within a snap."

"Okay." Narinig niya ang buntong-hininga nito.

"Come at once, my Lorn. I want your body," anito, buong ningning sa pangrarahuyo.

"Jesus! You're making me feel so hot... and hard!" pagdaing niyang sagot.
"But give me ten minutes, your majesty. I'll take a shower first, then I'll walk over. Or would you want me to come over wet?"

"That's okay. Oil will be waitin'."

"Okay. Out on those lovely lace undies, dear."

"Already." At nag-hang up na ito.

Parang ipuipong nag-shower siya. Sa tapat ng malinaw na full-length mirror, tinuyo niya ang sarili. Napapailing siya, napapangiti, habang tinitingnan ang bandila ng kanyang pagkalalaki na noon ay nag-uumigting sa labis na pananabik.

Oh, you! You never let me down!

At saka niya binalot ang sarili. Jesus, T-shirt and sneakers. Very youthful ang appearance niya, ruggedly handsome at 'di masasabing isang high-profile na trial lawyer siya.

Nagmamadaling lumabas siya ng bahay. Itinarangka niya nang maigi ang front door at pasipul-sipol na binagtas niya ang may limampung metrong driveway.

Nasa kalahati pa lamang siya niyon nang yanigin siya ng isang malakas na pagputok, na sinundan ng matalim na tunog na nadurog na salamin.

Kalabisang sabihing gimbal at tigagal na naparalisa siya. Pero saglit lamang.

Lumingon siya, at nakitang wasak, basag ang kanyang glass windows.

Another bang.

SA paanan niya pumuslit ang tingga.

Isa pa. Ubos ang salamin sa kanyang bintana.

Binabaril siya, parang ngayon lang niya napagtanto.

Sa likod ng kanyang bakod nagmumula ang umuulang bala. Isa o dalawa pang pagputok, siguradong masasapol na siya.

"Shit!"

Palundag na nagmadali siya. Tumakbo siya pabalik sa loob ng bahay. Matulin. Umeekis. Maabala at mas mamemeligro siya kung dudukutin pa niya mula sa kanya ang susi upang sa pinto suya dadaan sa pagpasok.

May anim pang talampakan ang kanyang layo mula sa nawasak na bintana: umangat sa lupa ang kanyang mga paa at nag-dive siya sa bintana.

Nag-landing siya sa ibabaw ng mga bubog sa gitna ng kanyang living room. Isa pang putok ang narinig niya.

Gumapang siya upang makapasok sa kanyang kuwarto nakaharap din sa driveway. Hinayaan nuyang nakasara ang ilaw. Dahan-dahan siyang tumayo. Hinawi niya ang makapal na jurtina at saka sumilip sa labas.

Napansin niya ang kakatwang paggalawa ng malalaking pubo ng palmera trees. Pagkuwa ay narinig niya ang tunog ng binuhay na makina ng isang sasakyan, kasunod ang pagharurot ng takbo niyon.

Nakita niya ang pulang kislap sa dilim.

Tumawag siya ng pulis.








INSEPARABLE 2: Flight To YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon