CHAPTER FIFTEEN (PART 1 of 2)

223 8 2
                                    




IKAPITO pa lamang ng umaga ay nasa tanggapan na ng Maudelle sina Lauren at Judy.

"I'm telling you, siguradong ibinasura ni Vietrez ang newspaper clipping na iyon," ani Judy habang pumapasok sila sa pribadong tanggapan ni Vietrez. Kasunod niya ito.
"Kung ang mga bouquet ng bulaklak ay ipinamigay niya, ang kapirasong papel pa kayang iyon ang pahalagahan niya?"

Walang kibong isinara ang pinto makaraang makapasok sila. Tuloy-tuloy siyang naupo sa magarang swilve chair sa likod ng grandeng executive desk ng kanyang kasintahan. His hands immedietly reached for the tray of letters na nasa kaliwang bahagi ng desk.

"I'll make us some coffee while you do that," ani Judy, napapahikab.

Letters, memos, telephone messages---mabilis ang mga kamay niya sa pagsisiyasat sa mga iyon. Nang hindi niya matagpuan doon ang hinahanap, sinunggaban naman niya ang isa pang tray na namamarkahan ng Pending. Sa pinakailalim niyon, namataan niya ang mga nakasalansan ng maraming tarheta. Isa-isang sinisiyasat niya ang mga iyon.

Serafina, ibinabalik ko sa talagang may-ari ang laman ng kahon. Naaalala mo ba? T.

With deep respect and love, T.

"Welcome back, Serafina---T."

At ang talagang hinahanap niya: Who is this? T.

Ang lahat ay naitago pala ni Vietrez.

Dinampot niya ang isang brown envelope. Binuksan niya iyon at mula sa loob ay hinango niya ang naninilaw nang pahina ng isang lumang pahayagan.

Maluwat na napatitig siya sa babaeng nasa larawan. At habang bumibigat ang diin ng kanyang mga mata sa pagkakatunghay niya roon, ay ibig manlaki pati ang kanyang ulo. Pakiwari niya nanindig lahat ng mga balahibo niya sa katawan.

Ang babae sa larawan ay ang babae sa kanyang panaginip!

His throat was dry. Eratiko ang pintig ng kanyang pulso. Maliliit na butil ng pawis ang gumigitaw halos sa buo niyang mukha. Sinisikap niyang mapalunok.

The clipping was old, ang mga detalye sa ibaba ay kupas na kupas na; gayunpaman, hindi siya maaaring magkamali sa pagkilala sa mukha ng nasa larawan.

At mandin ay yaon lamang ang tanging malinaw sa lahat ng laman ng papel.

It was her! The same beautiful lines and wide, curved mouth. Walang duda, ito ang babaeng laman ng mainit niyang panaginip kagabi.

Ito si Serafina.

Pero hindi kaya sa imahinasyon lamang niya nagkakaroon ng---

No. dammit! She was the woman.

Binaligtad niya ang clipping. Walang ibang larawan sa kabila. Walang pangalan, partikular na pangalan ng pahayagan. Walang petsa.

Ngunit lubhang nagpapahilab sa sintido niya ay ang pagkakaugnay ng babae sa larawan at babae sa kanyang panaginip.

What did it mean? Paano niya napanaginipan ang isang mukha gayon hindi pa niya ito nakikita? Napakaimposible!

Hindi siya sanay sa ganitong mga konsepto ng mga pangyayari. He was a pragmatic man na pumapabor sa praktikalidad ng panahon. Ang tanging paniniwalaan niya ay ang lohikong katotohanan at ang kasalukuyan, lalo na sa mga bagay na kanyang nakikita at nahahawakan.

Lumapit siya sa desk ni Judy na may dalang mugs ng kanilang kape.

"What's the matter?" tanong nito.
"Sabi ko sa iyo, mag-almusal muna tayo---" napatiggil ito sa kanya nang makita nitong gulung-gulo ang kanyang anyo.
"Is something the matter, Lauren?"

"Aywan ko," sagot niyang nagpilig ang ulo. Dinampot niya ang mug ng kape at bagaman mainit pa iyon ay lumagok na siya.

Kunot-noong lumigid sa desk si Judy. Sa tabi ng kanyang silya ay nakita nito ang hinahanap niya kanina. "So you found it."

"Oo. Tingnan mo nga ang larawan, Judy. Pamilyar ba sa iyo ang mukha ng babae?"

Tiyak na umiling ito.

"Pamilyar siya sa akin," sabi niya

"Is she famous?"

"I don't know," muli, lumagok siya ng kape.

It's crazy, naisip niya.

Pero paano nga niya pangangatwiranan ang kababalaghang ito?

"I saw this face in a dream last night," dagdag niya.

"A dream?"

Tumango siya. "Twice," aniya.
"Ang huli ay kagabi."

"Ginu-good time mo ako," wika nito. Gumagapang sa bibig nito ang isang ngiti, ngiting maaring mauwi sa tawa.

Gayunpaman, nanatiling seryoso ang kanyang anyo.

"Sana nga, gino-good time lang kita," aniya.

"Judy, hindi ako mauupo rito para lang magmukhang gago at tanga."

"Ang ibig mong sabihin napanaginipan mo ang babaeng ito?" Nandidilat ang mga mata nito.
"In living color? In your very own bed?"

"Read my lips. I dreamed about this woman."

"Pero paano nangyari 'yon? At saka... ano ang ibig sabihin?---"

"Malay ko."

"ESP," agarang dugtong nito. "Ibig sabihin, may psychic powers ka. Ganoon na nga, Lauren. Naku, bukod kang pinag pala sa lalaking lahat!" Sabik na sabik na umikot uli ito sa mesa. Nagmaganda itong tumayo sa harap niya.
"Sige nga, Lauren, basahin mo ang laman ng pagkatao ko. Sabihin mo ang magagandang pangyayari sa buhay ko---"

Pinakitaan niya ito ng binilog na kamao.
"Magpatawa ka man, hindi magbabago ang katotohanan."

Pumormal ito. "Wala bang clue sa likod ng picture? Sa ibaba kaya kung saan puwede nating ma-trace kung saan nanggaling ang clipping na iyan---"

Muli niyang tinunghayan ang larawan. Binaligtad niya iyon, pilit inaninag ang ilang mga kalatas doon.

"Walang matinong katuturan ang mga salitang malinaw rito," aniya, saka binigkas ang ilang visible na mga salita: "More than one thousand-five hundred people... First in world history... icebergs... Atlantic----"

Parang paham na rumatsada ang bibig ni Judy.
"More than one thousand-five hundred people were killed when the unsinkable Titanic sank in the Atlantic Ocean! It was the first time in the world history that it happened. Sumadsad kasi ang barko sa mga icebergs."

Manghang-manghang napatitig siya rito. Sumidhi ang kilabot na bumabalot sa kabuuan niya.

"Oo nga!" Marahas siyang tumayo.
"Pupunta ako sa National Library---"

"Teka, teka, you're missing something important."

"What?"

"The date."

"Oh, yes."

"April fifteen, nineteen hundred-twelve lumubog ang Titanic---" Sukat at malawak na umawang anf bibig nito.
"Jesus Christ! Ibig bang sabihin, mula pa sa pahayagan... sa nineteen-twelve na pahayagan."
Tila umikot ang daigdig nito.

"Easy, Judy," aniya mabilis na sumalo rito. Pinaupo niya ito sa swivel chair.
"Pero iyon talga ang totoo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INSEPARABLE 2: Flight To YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon