Characters and Prologue

1.2K 11 3
                                    

Anastasha Li-  fashion designer. Ang very sweet and charming daughter of a technician and a lotto winner na si Anthony Li. Bagaman mayaman na sila ngayon, nanatili pa rin ang humble heart sa kanya. Pinalaki kasi siya ng parents niya na parating magpasalamat sa lahat ng biyaya at wag kalimutan ang pinagdaanan. Kahit ang mga simpleng bagay ay nakakakitaan niya ng dahilan para manatiling masaya. Problem free nga marahil ang dalaga. Wala na ang Ina niya dahil nagkaroon ng komplikasyon ang panganganak nito sa kanya. Valedictorian si Ann nung high school habang cum laude naman siya noong college. Ngayon ay nagmamay-ari na sila ng isang boutique sa makati kung saan karamihan ng clients nila ay mga kilalang tao.

James Reid- model ng isang clothing line who also loves music. He wants to write a song to his first love na hanggang ngayon, hinihintay niya pa rin. Kahit na kasama niya ang mga magulang niya ay hindi pa rin niya ramdam ang pagmamahal nito. Dahil ang Daddy niya ay nasa Australia habang ang Mommy niya naman ay workaholic. Despite of this, may twin siya na madalas niyang nasasabihan ng problema.

Leandro Domingo- aspiring model. Kinupkop siya nila Ann at ng Daddy nito noong makita siya sa tapat ng isang restaurant. Wala ito maalala at wala ring naghanap sa kanya nang ireport siya sa mga police kaya't nagdesisyon ang mag ama na sa kanila muna ito tumira. Sila na rin ang nagbigay ng pangalan rito. Malaman nga kaya ni Ann kung ano ang relasyon nila sa lalaking ito?

Fretzie Reid- fiction writer. the simple girl who always want some peace of mind dahil sa profession na pinili niya. At dahil nga sa palaging pag iisa ang nais niya kaya't wala siyang gaanong kaibigan. Journalist ang trabaho niya pero kadalasan fiction novel ang gusto niyang gawin. Ayaw niya sa mayabang, tamad at feeling gwapo kaya't malaki na lang ang inis niya kay Ivan. Twin sister siya ni James na iniencourage siya na magmodel na lang din.

Ivan Wilford- the MVP who hates girls. weird? Natrauma na kasi siya sa first love niyang hindi lang siya tinutime kundi lima ang kasabayan niyang boyfriend nito. Ginanti lang daw nito ang kapatid niya kaya't nagawa niya ito kay Ivan. Pero kahit balibaligtarin niya ang mundo ay mahal na mahal niya pa rin ito. He never tried to commit into a relationship again after his 5 years relationship sa ex niya. Magkachance nga kaya siya kay Fretzie na aloof din sa boys?

Jenny Reyes- bestest friend ni Ann. Maaasahang kaibigan, mapaseryoso o lokohan man. They grew up together rin kaya alam ni Jenny ang lahat ng pinagdaanan ni Ann.

Sam Cruz- the photographer. Works sa studio ng clothing line kung saan si James ang model. Bestfriend rin ni Ann. In the absence of Jenny, siya ang dumadamay kay Ann. Mas matagal rin siyang kaibigan ni Ann kaya unti-unting nahuhulog ang loob niya rito.

PROLOGUE:

Papunta sa mall sila Ann nang may madaan silang restaurant. Sa labas ay natanaw ni Ann ang isang halos ka-edad niyang lalaki na nakahiga malapit sa pinto. May gumigising rito at sinisipa-sipa pero hindi bumabangon. Pinahinto ni Ann ang sasakyan tsaka bumaba. Lumapit siya sa restaurant at kinausap ang waiter na gumigising rito. Sinabihan niya na siya na ang bahala sa lalaki. Nagpatulong siya para madala sa sasakyan ang lalaki tsaka nila dinala sa hospital. Ilang oras pa ay nagkamalay na ang lalaki.

"Hi! I'm Anastasha. Just in case you're not from here, at least you could understand me if I speak in english." sabay ngiti niya rito. Mukha kasi itong mayaman at may dugong banyaga. Hindi umimik ang lalaki. Wala namang findings ang mga doctor sa kanya. He's completely fine. "Try to speak. It won't harm you."

"Sino ka?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Loko to ah. Filipino ka pala. Tsaka kakapakilala ko lang diba? Sino pa rin?"

"Nasaan ako?"

"Hospital? Di mo alam na nakahospital gown ka?"

"Sino ako?" nagulat si Ann.

"H-ha? A-akala ko wala ka namang problema? May amnesia ka?"

"Amnesia? S-siguro nga. Wala akong maalala sa nangyari sakin."

Muling tinawag ni Ann ang doctor para maexamine muli ang lalaki. Tulog na ulit ito. Sa palagay nila ay may amnesia nga ito pero wala naman daw silang nakitang damage sa utak niya.

"Di naman po siguro siya nagpapanggap na walang naaalala diba?" tanong ni Ann sa doctor.

"Sa palagay ko hindi. Based on our talking, mukhang wala talaga siyang naaalala. If you want, you could report it sa police station para makaalam ka ng information about him. Baka may naghahanap na sa kanya."

"Salamat Dok."

After ng ilang araw ay dinala nga ni Ann ang lalaki sa police station. Walang kahit anong information tungkol rito. Nagpasabi siya sa mga pulis na just in case may tumawag at hinahanap ang lalaking ito ay tawagan na lamang siya. Nasa sasakyan na sila nang tinignan niya ito at pinag isipan ang dapat niyang gawin dito. Hindi naman ito mukhang masamang tao. Matipuno at may itsura ito.

"Ma'am, saan po tayo ngayon?" tanong ng driver nila Ann sa kanya.

"Ummm. Sa bahay na lang. Baka andun na si Duds. Para maitanong ko sa kanya kung anong pwedeng gawin sa lalaking to."

Nang makarating siya sa bahay ay di niya muna pinababa ang lalaki. Wala pa kasing alam ang ama niya tungkol rito. Busy rin kasi ito sa mini supermarket nila. Nang makita niya ito ay agad niya itong binati at kinausap.

"Oh! Buti nagkaabutan tayo. Hindi ka pa ba pupunta sa boutique mo?" tanong ng ama sa kanya.

"Ah duds, a-ano kase.."

"May problema ka ba anak?"

"Medyo. Oo nga problema nga duds. Kase may nakita akong lalaki sa isang restaurant.." kinwento niya ang lahat. Ang bawat detalye ng nangyari. Nagulat ang ama na hindi man lang nito nabanggit sa kanya.

"Paano kung masamang tao pala yun? Paano kung napahamak ka? Alam mo namang ikaw lang talaga ang tanging ginto sa buhay ko eh." nag-aalalang sagot ng ama niya.

"Sorry duds. Pero naawa kasi ako sa kanya eh. Tapos wala pa siyang maalala kaya dinala ko siya rito."

Pumunta sila sa sasakyan para makita ng ama ang lalaki. Totoo nga ang sinabi ni Ann na mukha naman itong mabait na tao. Tahimik lang ito at tulala.

"He seems a good guy. Hijo, humarap ka sakin." humarap ito sa kanya. May hawig sila pero paano?

"Bakit duds?" pagtataka ni Ann sa biglang pagtahimik ng ama.

"Bakit parehas kami ng feature ng mukha?" natawa lang si Ann.

"Duds, alam kong gwapo siya pero kamukha mo talaga?" muling tumawa si Ann.

"Teka, diyan ka lang." pumasok ito sa bahay at nang bumaba siya ay may hawak siyang litrato. Nagulat si Ann na makitang kamukha ito ng lalaking nasa harapan nila.

"Totoo nga. May pagkakamukha nga kayo pero bakit ngayon duds parang nawala na?" muling tumawa ng malakas si Ann. Natawa rin ang mga tao sa paligid.

"Di kaya kamag-anak natin siya?" hinala ng ama ni Ann.

"Duds naman. Oo medyo may features mo nga siya. Na mukha nga siyang chinese pero may pagkamukhang amerikano rin siya eh. Di naman ganun kasingkit ang mga mata niya."

Pumasok sila para doon mag-usap. Tinanong nila ito ulit kung may kahit ano ba itong naaalala pero wala itong masagot. Ayaw na nila itong pilitin pa. Pinagstay nila ito sa guest room. Naging maayos naman ang pakikisama nito sa kanila. Nagdesisyon si Anthony na bigyan ito ng pangalan at kupkupin na lamang ito na agad din namang sinang-ayunan ni Ann dahil gusto niya ring magkaroon ng kapatid. Inayos nila ang papers ng lalaki at binigyan ng pangalan na Leandro Domingo. Apelyido ng Ina ang ginamit nila dahil mahabang proseso pag surname nila ang binigay nila rito.

"Marami pong salamat Duds and Ann! Sobrang salamat dahil kahit hindi niyo ko kilala ay hinayaan niyo pa rin akong tumira rito sa inyo." niyakap niya ang tinuring na ama.

"Basta magpakabait ka lang ah. Tsaka protektahan mo rin sana si Ann. Kuya ka na niya ngayon. Welcome to the family Leandro!"

TAKE ME TO YOUR FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon