CHAPTER 3 - Who is Leandro?

487 6 0
                                    

-- Chapter 3 --

Nagshower na si James tsaka nagpalit ng damit. Hinintay siya ni Ann dahil nangako ito sa kanya na ililibre siya ng lunch. Nang makapag-ayos na si James ay naupo siya sa tabi ni Ann.

"Bakit? May nangyari ba sa cellphone mo?" tanong ni James rito nang mapansin niyang balisa ito habang hawak ang cellphone.

"Ah hindi. Tumawag kasi yung kaibigan ko. May nagback out daw na customer. Parang ang malas lang ng araw na to." sagot ni Ann.

"Okay lang yan. That's part of the business. Hindi naman palaging kikita ka. Tara! Lets have lunch! We could still change your day into something positive."

Papunta sila ngayon sa paboritong kainan ni James. Familiar si Ann rito. Tama, dito sila kumakain nung high school palang sila ni Sam.

"How did you know about this place?" tanong ni Ann kay James.

"Yung ex-girlfriend ko ang nagdala sakin rito. Paborito niya daw yung sisig dito. I never eat sisig before, only when I've tasted their specialty." pagmamalaki ni James.

"We usually eat here before during high school days. Medyo malapit lang kasi dito yung school namin."

"Talaga? Kami din. Saan?"

"Sa Southridge International School."

"Wow! Ang yaman niyo pala talaga."

"Hindi ah. Scholar lang ako dun. Ikaw ba?"

"Mary Institute of Makati."

"Halos magkalapit lang pala tayo."

"Oo nga eh. Sayang at di kita nakilala nang maaga." Dumating na ang order nila. "Ano yang order mo?"

"Cheesy pork adobo. Paborito namin to ni Sam."

"I see." tahimik lang na kumain ang dalawa.

Galing sa boutique si Ann at mag-aalas nuwebe na siya nakauwi sa kanila. Saktong naroon na rin ang duds niya. Parehas silang di pa kumakain kaya't nagpahanda na sila ng makakain.

"Isang linggo ka na dito pero puro trabaho pa rin ang inaatupag mo." sabi ng ama ni Ann sa kanya.

"Eh duds, kailangan eh. Gusto ko rin sanang mapalaki pa yung boutique para mas makilala."

"Ano kaya kung bukas, magshopping ka naman? Bumili ka ng mga kailangan mo sa boutique tsaka ng mga damit mo. Alam ko namang pampawala yun ng stress mo eh." sabay tawa ng ama.

"Eh ikaw duds? Sabi ni Sam, pag pinupuntahan ka niya dito diba madalas kang wala, ibig sabihin di ka rin nagpapahinga. Magpamasahe ka bukas para makapagrelax ka."

"Galing lang ako dun last week. Ikaw ang kailangan ng pahinga. Sa New York at Paris alam kong puro ka aral, tahi, design. Sabi sakin ng mga kaibigan mo ron di ka madalas lumabas. Puro school at dorm lang ang puntahan mo."

"Mas nahohomesick ako pag lumalabas ako eh. Nung pumunta ka dun, isang linggo lang kaya nakakalungkot."

"Baliktad ka ah. Mas nag-iisip ka pag nasa labas ka?"

"Opo. Eh pag nasa loob ako ng dorm, nagtatahi ako, nagdedesign. May ginagawa ako." sabay tawa ni Ann.

"Kahit na. Dapat lumalabas ka pa rin. Basta bukas, sasabihan ko si Jenny na wag kang papasukin sa boutique pati sa swimming clinic. Just enjoy your whole day tomorrow."

"Okidoks duds! Kain pa!"

Papunta na sa mall sila Ann. Sinunod niya ang payo ng ama na magrelax kahit papano at ang pagshashopping nga marahil ang kailangan niya. Nang may madaan silang restaurant, sa labas ay natanaw ni Ann ang isang halos ka-edad niyang lalaki na nakahiga malapit sa pinto. May gumigising rito at sinisipa-sipa pero hindi bumabangon. Pinahinto ni Ann ang sasakyan tsaka bumaba. Lumapit siya sa restaurant at kinausap ang waiter na gumigising rito. Sinabihan niya na siya na ang bahala sa lalaki. Nagpatulong siya para madala sa sasakyan ang lalaki tsaka nila dinala sa hospital. Ilang oras pa ay nagkamalay na ang lalaki.

TAKE ME TO YOUR FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon