CHAPTER 5 - My Snow White

585 7 3
                                    

-- Chapter 5 --

Nagulat si Ann sa pabor na hinihingi ni Sir Marco. Wala siyang experience sa modeling. Sa Paris kasi taga-design lang talaga siya at may ibang taong nagmomodel nun para sa kanya. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Kinabahan siya bigla na napansin naman si Sir Marco.

"Don't worry. Hindi naman ito for magazine cover. Mag-eendorse lang kayo ng clothing line. Nag-sponsor nga din pala sila ng tela para sa boutiques. I could refer you." sagot ni Sir Marco. Napaisip si Ann. Less gastos nga naman kung magkakaroon sila ng sponsor. At stepping stone na rin ito ng business niya para mas makilala.

"Hindi po kasi akong confident na magagawa ko to ng maganda eh." sagot ni Ann. Tumayo si James at nilapitan si Ann.

"Kaya mo. You just have to try and believe in yourself." sabay ngiti nito.

"Konting make up at pak! Kaya mo yun hija." pang-eencourage ni Sir Marco.

"Ano.. k-kasi.." hindi talaga niya alam kung kaya niya. Hinawakan ni James ang kamay niya para kumbinsihin pa ito. Napatingin sa mga mata niya si Ann tsaka um-oo.

Pumunta si Fretzie sa office ng boss niya para magfollow up sa book launch niya. Last month pa kasi siya nakapagpasa ng draft at tapos narin ang editing nito kaya't nagtataka siya kung bakit di pa rin siya kinokontak ng boss niya. Nagulat siya nang makitang iba na ang nakaupo sa office nito. Si Ivan Wilford.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo rito?" tanong niya kay Ivan.

"Reid! I didn't know na dito ka pala nagtatrabaho?" sabay tawa nito.

"eh ikaw? Bakit nandiyan ka sa table ni Sir Greg?" napansin niya ang bagong pangalan na nakapatong sa table nito. 'Ivan C. Wilford, Publishing Department Head' bago niyang boss si Ivan? "Kailan ka pa nandiyan? Last week lang nandito ako ah?"

"Kahapon lang ako nagstart. Napromote si Tito Greg kaya ako ang pumalit sa kanya." tsaka niya ito binigyan ng ngiting nang-aasar.

"Tito Greg?"

"Yeah. Aren't you informed that this company was owned by Wilfords? At Tito ko si Sir Greg mo."

"No way! 2 years na kong nandito! Imposible!" natawa si Ivan. Natutuwa siyang iniinis ang dalaga. Tumayo siya at lumapit kay Fretzie.

"Yes way! Believe or not, I am going to be the president of this company, sooner or later." sa inis ni Fretzie ay lumabas siya ng office at dumiretso sa fire exit door. Pumasok siya dun at nagsisigaw sa may hagdan. Sinigaw niya ang lahat ng inis niya. High School hate niya si Ivan. Gradeschool palang naman sila ay may competition na sa grades sa pagitan nilang dalawa pero never naman nila itong pinansin, not until Fretzie made a deal nung high school. Naisipan nitong makipagtaasan ng grade sa mathematics. Kung nung una ay sabay pa silang nagrereview ay nabago ito nang maging seryoso ang deal nila. Hindi na sila nagpapansinan. Nagpaparinigan na. Dumating pa sa punto na nasampal ni Fretzie si Ivan sa harap ng klase. Hanggang ngayon ay kaaway pa rin ang tingin ni Fretzie rito. Samantalang si Ivan ay hindi na lamang siya pinapansin at natutuwa pa pag nagkakabanggaan sila.

Sinimulan nang ayusan at lagyan ng make-up si Ann. Medyo di pa rin siya sanay dahil hindi na niya maalala ang huling beses na may ibang nag-make up sa kanya. Nag-aral siya ng isang taon ng cosmetics sa Paris at mukha niya ang madalas na sinasampulan niya. May iba rin siyang namakeup-an pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na may ibang nag-make up sa kanya. Patapos na nang sumilip si James. Nakangiti ito habang pinagmamasdan si Ann. Mas naamaze pa ito nang makitang nakadress na ito. Nilapitan na siya ni Ann.

"Ano? How do I look?" kinakabahan si Ann sa magiging sagot ng kaibigan. Ngumiti muna si James bago sumagot.

"You look like snow white." bahagyang natawa si Ann.

TAKE ME TO YOUR FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon