© 2012 by Charlene Ocampo. All rights reserved.
"Babe! Bilisan mo ah! Hintayin nalang kita sa labas!" sigaw ni Rafael mula sa baba, magta-tatlong taon na kaming mag-boyfriend/girlfriend sa March 31. Sobrang maalaga, marespeto at mapag-mahal niya. Kaya nga love na love ko yang si Babe eh! ^___^
"O-kay Babe! Eto na po!" bumaba na ako para puntahan siya.
**pagbaba ko inabutan niya ako ng 31 roses, white & red roses.**
"Thank you Babe! Ang sweet mo naman, bukas panaman ang 3rd anniversary naten ah. 3 years na niyan tayo bukas! ^____^" excited kong sinabi sakanya.
"Wala lang, gusto lang ktang bigyan ng advance gift, kaya kita binigyan ng roses" ang sweet talaga ng boyfriend ko, ang swerte ko sakanya :">
"Oh ano, tara na?" pagyayaya niya saaken, pupunta kase kame ngayon sa Enchanted Kingdom.
"Tara :)" naka-ngiti kong tugon sakanya. First time kong pupunta ng Enchanted Kingdom, pinakiusapan ko lang ang mga magulang ko na payagan nila ako.
**habang nagmamaneho si Rafael, hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Mahal na mahal ko talaga siya at alam kong mahal na mahal din niya ako, walang araw na hindi niya iyon ipinaramdam saakin. Paano kung hindi maging successful ang operation ko bukas? Paano kung tuluyan nakong mawala? Paano na ang mga kaibigan ko? Paano na sina Mama at Papa? Paano na si Rafael? May sakit ako sa puso, kaya hindi ako pinapayagan nila Mama na pumunta sa mga Amusement Park, pero nakiusap ako sa kanila na gusto kong maranasan ang pumunta sa E.K. kasama si Rafael, dahil pinagkakatiwalaan nila si Rafael pumayag sila**
-- Nakarating na kami sa Enchanted, nag-ikot muna kame, dahil may sakit ako sa puso, pili lang ang mga pwede naming sakyan kaya naglibot muna kame, diko maiwasang hindi mainggit sa ibang tao, masaya siguro sumakay ng Space Shuttle, eXtreme at yung iba pa--
**Niyaya ko siya dun sa Swan Lake tapos Carousel, yung mga rides na pwede ko lang sakyan. Pagkatapos naming sumakay, umupo muna kame sa isang bench. Pero hindi ko parin maiwasan ang hindi itanong kay Rafael kung....
"Babe, paano kapag hindi successful ang operation bukas?" ilang beses ko ng tinatanong sakanya yan, pero iisa lang ang sagot niya...
Nginitian niya ako, tsaka niya hinawakan ang kamay ko "Babe, kahit anong mangyare lagi mo lang tatandaan, ang puso ko IT WILL ALWAYS BE YOURS" holding hands kame ^.^
"Natatandaan ko pa nung tinanong mo saaken kung pwede mo ba ako maging girlfriend--"
"Ang sabi ko SHARLOT DENKA RODRIGUEZ, MY HEART WILL ALWAYS BE YOURS. WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? Hahahahaha! Hindi ko yun makakalimutan Babe, isinigaw ko kaya yon habang nasa stage ako nung graduation naten, kinuntsaba ko pa mga teacher naten." Masayang pagtutuloy niya ng sasabihin ko.
**Sana, sana talaga maging maayos ang lahat sa operation ko bukas, gusto ko pa siyang makasama ng matagal, I wanna grow old with him.**
"Rafael Lance Briones, mahal na mahal kita" sabi ko sakanya habang nakapatong ang ulo ko sa left shoulder niya.
"Mahal na mahal din kita Sharlot Denka Rodriguez, my heart will always be yours forever" ang swerte ko, kung tutuusin isa na lang ang pwede kong hilingin dahil lahat ng gusto ko nasaakin na, ang mabuhay nalang ng matagal ang hahangarin ko.
** Nag-drive na pauwi si Rafael, pero tumigil kame sa Park malapit sa bahay namin. Gusto kong panuorin ang mga stars **
- - Umupo kame sa ilalim ng isang malaking puno, habang siya nakasandal sa puno, ako naman sakanya nakasandal - -
Bigla siyang nagsalita "Babe, kapag successful ang operation ipangako mo saken mag-aaral kang mabuti, ipangako mo saken hindi ka magiging pasaway sa mga parents mo, ipangako mo saakin eenjoyin mo ang buhay. And always remember that my heart, it will be forever yours. I love you Sharlot Denka Rodriguez" nakayakap siya sa likod ko habang sinasabi niya yan.
"Ang drama mo ngayon Babe ah, oo naman, pinapangako ko sayo. I love you more Rafael Lance Briones" tsaka ko siya hinalikan.
(MARCH 31 - - - - - OPERATION DAY)
**pumasok na ako ng operating room, nakausap ko na sina Mama at Papa, si Rafael...
"Babe, gagawin ko lahat ng ipinangako ko sayo. I love you." sabi ko sakanya bago makapasok ng operating room
"I love you more Babe, I love you, my heart will always be yours" hinalikan niya ako sa noo, binigyan niya ako ng isang smile, isang faint smile, siguro nag-aalala siya ng sobra.
**natapos ang operation, paggising ko nasa isang kwarto nako, successful ang operation**
- - Pumasok ang isang nurse sa kwarto ko - -
"Uhm, Nurse. Nasan po ang parents ko?" tanong ko sa nurse.
"Ah, kinakausap po sila ni Dr. Valdez sa office" tugon niya.
Nasaan kaya si Rafael? "Ah, Nurse nakita niyo po ba yung lalaking naghatid saakin sa O.R. kahapon? Yung pong boyfriend ko?" tanong ko muli sa nurse. Gusto ko na siyang makita, third anniversary namin ngayon at makakasama ko na siya ng mas mahabang panahon :)))
"Miss, hindi pa po ba nila nasabi sainyo kung sino ang heart donor niyo?" sagot ng nurse. Huh? --tapos may inabot siyang papel saakin, ang nakasulat.....
"I TOLD YOU IT WAS YOURS" --Rafael Lance Rodriguez