The Reason is YOU-- Final.

3.4K 91 16
                                    

[Oh Sehun]

"Girl, andyan na siSehun. He's so scary talaga. Let's get out of here na baka he'll do something bad to us pa."

"Truth salad girl. He has a very dark aura with him. Scary~"

"Tol wag ka na makipagtitigan kay Sehun baka bigla kang sapakin niyan."

"Wala akong pake. Angas ng lalaking yan kala mo kung sino. Mamaya bakla pala yang ungas na yan. Panira ng araw. Lika na nga tol."

Naglalakad pa lang ako sa hallway rinig ko na lahat ng bulungan nila sakin. Wala na kong pakialam dahil apat na taon na nilang ginagawa sa akin yan. Simula ng pumasok ako dito, wala akong naging kaibigan. Naniwala agad sila sa isang sabi-sabi na kahit ako di ko alam kung san nakuha. Wala silang alam sakin. Hindi nila ako kilala. Hindi nila kilala ang tunay na ako.

Pumasok ako sa classroom. Tumahimik sila saglit at pagkatapos at bumalik sa bulungan. Umupo ako sa pinakadulong upuan sa tabi ng bintana at natulog.

[Lu Han]

"Good morning Lulu! Kamusta ang bakasyon mo?"

"Luhannie! Namiss ka namin! Anong section mo? Ingat ka ha? We love you!"

"Baby Lulu! Ang hot mo! But you're hotter if I'm your girlfriend."

Pagpasok ko pa lang ng gate, yan na agad ang bumungad sakin. Ngumiti na lang ako kahit medyo naiinis ako kasi nakakarindi yung mga tili nila. Hinayaan ko na lang dahil simula nung mag-aral ako dito, para akong artista kung ituring. Minsan wala na kong privacy pero wala naman akong magawa dahil ayokong may magalit sakin.

Dumiretso ako sa classroom. Narinig ko ang mga kaklase kong pinagbubulungan ang isang lalaki. Sehun ata yung pangalan? Umupo ako sa tabi nung lalaking natutulog malapit sa bintana para hindi ako masyadong pansinin. Matutulog na nga lang din ako.

[Oh Sehun]

Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao sa classroom. Tss, diba nila alam na may natutulog? Pagtingin ko sa gilid ko, nakakita ako ng anghel. Ang payapa ng mukha niya matulog. Kaklase ko pala ulit siya. Sigurado ako kahit anong sabihin nila, okay lang sakin dahil may rason ako palagi para ngumiti kahit ako lang mag-isa. LuHan hyung..

[Lu Han]

*poke* *poke*

"Yah Lulu hyung, gising na! Nasa harap na yung teacher umayos ka na ng upo tulo pa laway mo. Hahaha!"

Napahawak naman agad ako sa gilid ng labi ko. Wala naman eh. Loko talaga tong si Chen tinotroll nanaman ako.

Napatingin naman ako sa lalaking tinabihan ko kanina at nagulat ako ng nagkatinginan kaming dalawa. Kaklase ko ba to noon pa? Bakit ngayon ko lang siya napansin? Umiwas agad ako ng tingin dahil naiilang ako.

"Hyung huwag mo titigan si Sehun baka biglang magalit yan. Nakakatakot pa naman yan magalit kasi nananapak."

Tiningnan ko ulit yung katabi ko. Kahit hindi siya ngumingiti, alam kong hindi totoo yung sinasabi nila. Na sa likod ng lalaking pinag-uusapan at hinuhusgahan nila ay isang taong alam kong malungkot at nag-iisa. Pareho lang pala kami.

HunHan Oneshot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon