Sabi nila mas malamig pa ako sa yelo.
Palaging mag-isa.
Walang pakialam sa mundo.
Hindi ngumingiti.
Kaya halos lahat ng tao umiiwas kapag dumadaan ako.
Puro sila bulungan tungkol sa buhay ko.
Wala naman silang alam eh.
Hindi nila alam lahat ng pinagdaanan ko.
Wala silang karapatang husgahan ako.
Pare-pareho lang sila. -Oh Sehun
Sabi nila palakaibigan akong tao.
Mabait sa lahat.
Palaging nag-aalala sa kapwa.
Palangiti kahit sa hindi ko kakilala.
Lahat sila kinakausap ako tuwing makikita nila ako.
Pinupuri nila ako at sinasabihan ng magagandang bagay kahit alam kong hindi naman ako perpekto.
Pakiramdam ko mas kilala nila ang sarili ko kesa sakin.
Wala naman silang alam eh.
Lahat ng ngiti ko, hindi totoo. -Lu han
