Fs- break up scene

3 0 0
                                    


patingin-tingin ako sa mga istudyanteng dumadaan habang hinihintay kang lumabas sa iyong silid . pumwesto ako sa bandang di mo makikita dahil balak ko sanang sorpresahin ka dahil ngayon ay iyong kaarawan .  masaya akong nagaabang sa labas ng makita kang lumabas kasama ang iyong mga kabarkada , lalapitan na sana kita ng biglang may lumapit sayong magandang babae . 

" hi [y/n] happy birthday *smiles sweetly* eto sana yung regalo ko sayo . sana magustuhan mo" sabi sayo ng babaeng kaharap mo 

" salamat , sana di ka na nagabala pa " sabi mo sakanya habang ngiting ngiti ka 

ako'y napangiwi saaking nasasaksihan . tinutukso na kayo ng iyong mga kaibigan na animoy ikay torpeng lalake na handang magtapat sa iyong babaeng gusto. 

nagulat ako ng bigla kong makita na niyakap mo sya at hinagkan ang kanyang noo . di ko alam kung ano ang gagawin ko , susugod ba ako sainyo o hahayaan ko na lang kayong maglambingan sa aking harapan . 

"iloveyou babe" sabi sayo ng babaeng kayakapan mo . hinihintay ko ang iyong sasagutin ,ngunit mali yata ang plano kong  pakinggan ang iyong maaaring sasabihin .  nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan habang nakatingin sainyo.

"iloveyou too babe" sabi mo sakanya

naisip kong tigilan na ang aking pagiging tanga na panuorin pa ang inyong paglalambingan ngunit akoy nanigas saaking kinakatayuan ng bigla akong makita ng isa sa iyong kabarkada . akoy naglakad na ng mabilis ng makita mo ako ,ngunit sadyang mabilis kang maglakad at naabutan mo ako. pinahid ko ng mabilisan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko bago humarap sayo at pilit ngumiti sa harapan mo.

"uy haha nanjan ka na pala " sabi ko sayo ng may pilit na ngiti.

"nakita mo yung k-kanina? " nagaalalang sabi mo saakin , 

" ha ang alin ? haha " kunwaring pagtataka ko

"y-yung s-sinabi ko? " kinakabahan mong sabi

" ang alin ? ba dun ? " sabi ko sayo habang nakatingin sa mga mata mo 

" y-yung... " alinlangan mong sabi

" ahh yung sa iloveyou too ba? haha " ngiti kong sabi sayo habang nakatingin sa mga mata mong hindi makatingin saakin

"sa tingin ko naman masaya kayo kaya siguro itigil na muna natin " 

nang sabihin ko iyon ay bigla kang napatingin saakin

"anong ibig mong sabihin ? " kinakabahan mong tanong saakin 

"sa tingin ko kayo na muna *smiles* tutal masaya ka naman ata sakanya " sabi ko sayo habang pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nanamang lumabas.

"h-hey eros seryosa ka ba ? " sabi mo saakin at balak hawakan ang aking braso ngunit umatras ako .

" break na tayo [y/n] tutal kitang kita ko naman na lahat kanina . no need to explain " ngiti kong sabi ayo

tatalikod na sana ako ng may maalala ako bigla.

" ahh oo nga pala .eto nga pala yung regalo ko sayo . jar lang naman yan na may laman na mga sulat ko , kung ayaw mong basahin pwede mo namang itapon na lang " ngiti kong ibinigay ang paper bag na hawak ko at umalis na . hindi ko pinakinggan ang mga tawag mo saakin at tuloy tuloy na naglakad habang patuloy rin sa pagbagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan .




||random||Where stories live. Discover now