Chapter 3

2.2K 158 59
                                    

WIN-WIN'S POV:

"At saan kayo galing na apat kahapon? Aba, ang sabi natin, saglit lang tayo maghihiwa-hiwalay para magpicture-picture, eh kamusta naman na ang tagal ko nang naghihintay eh ni wala man lang bumalik sa inyo!" reklamo sa amin ni Amy habang naglalakad kami papunta sa dining room.

Oo nga pala, after namin makita si Ysabelle, nagkayayaan na kaming mamasyal. At dahil iba-iba yung gusto naming background ng pictures namin, naghiwa-hiwalay kami para hindi kami matagalan. Hindi na ako nakabalik dahil nakasalubong ko sila Sidney at Ysabelle and nagyaya na silang bumalik dito sa bahay.

Medyo awkward nga yung sitwasyon namin non dahil hindi ko talaga alam kung papa'no ako makikipag-usap kay Ysabelle. Ang nangyari tuloy, kaming dalawa lang ni Sid yung nag-uusap dahil ipinasak na naman nung isa yung headphones nya sa tenga nya.

"Sorry. Akala ko kasi nakabalik na kayo. So, nung nakita ko sila Ysabelle at Win-win, niyaya ko na sila pauwi. Hindi na talaga mauulit, promise." hinging-paumanhin naman ni Sidney.

"Whatever. Wala na rin naman akong magagawa. Pero subukan nyong ulitin yon, EOF na talaga tayo." sabi pa ni Amy.

Pagpasok na pagpasok namin sa dining room, nakakumpol sa isang pwesto yung iba naming kasama kaya nagkatinginan kaming lima--okay, apat lang pala dahil nakatingin lang ng derecho si Ysabelle sa isa naming kasama. Ay ano yon, kenekshen? Ugh! Nevermind. As if naman may care ako diba?

"O, bakit di pa kayo kumakain? Anong nangyari? Anong tsismis yan?" tanong agad ni Lia sa mga kasama namin.

"Hindi nyo ba narinig yung balita? Disqualified na daw si Bernice dahil sa eksenang ginawa nya kahapon. Kaya naman pala gabing-gabi na, di pa rin sya bumabalik sa kwarto. Akala nga namin, may nangyari na sa kanya. Sabi pa nila, isusunod na lang daw yung mga gamit nya." napaawang naman yung bibig ko dahil sa narinig. Hala, pwede ka pala talagang ma-disqualify nang ganun-ganun lang? Nako, mukhang kailangang dobleng ingat yung gawin ko ah.

"Hindi man lang daw ba sya binigyan ng chance na magpaliwanag?" tanong naman ni Sidney. Halata yung lungkot sa mga mata nya dahil sya yung naging kaibigan na yata ng lahat ng tao dito.

"Sabi nila, hindi na daw. Napanood daw kasi nung organizer yung nangyari. Bruhang yon, hindi man lang nagpaalam sa amin." sabi pa nung isang kasama nya sa kwarto.

"Sid, wag ka na ngang malungkot dyan. At least diba, nabawasan tayo ng isang 'kalaban' at isa pa, bagay lang yon sa ginawa nya kay Lia at kay Ysabelle no!" tumango naman ako. Tama naman kasi si Amy eh. Bernice really deserved what happened to her. Dapat hindi sya nagsasalita ng ganon sa ibang tao.

"Tara na. Kumain na lang tayo. At Ysabelle, tigilan mo nga yang pakikipag-eye-sex mo dun sa Jessamine na yon. Kanina ka pa nakahubad sa mga tingin nya." mahinang sabi pa ni Amy na kami lang yung nakakarinig.

Sabay-sabay naman kaming napatingin dun sa tinutukoy ni Amy at halos matawa kami dahil totoo nga yung sinasabi nya.

"Shut up. I'm not eye-sexing her. Ni hindi ko pinangarap." sabi naman ni Ysabelle na itinuon na lang yung atensyon nya sa pagkain.

"Whatever. She's pretty, though. At bali-balita pa na may ilang naka-sex na daw yang babaeng yan dito sa mga contestants dito. Imagine ha, iisang araw pa lang tayo, nakarami na sya. Iba din eh no." tsismis pa ni Amy.

"At papa'no mo naman nalaman, aber? Dahil ba isa ka sa mga babaeng yon?" biro naman sa kanya ni Lia kaya ayun, hinampas tuloy sya ni Amy.

"I don't do girls, Beybe. If ever din naman na magkakagusto ako sa babae, hindi tulad nya. Ayoko ng 'slut'." mahinang sabi pa ni Amy na halatang ayaw din nyang may ibang makarinig sa kanya. "Baka yang si Ysabelle." sabay tawa pa nya.

See you in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon