hi, alam ko naman na hindi mo toh mababasa. alam ko rin na di mo gugustuhing basahin to kaso mahal parin kita at paraan to para gumaan na pakiramdam ko kasi putangina hindi ko na kaya magkunwari. sobrang bigat sa pakiramdam. sobrang sakit.
unang una, sorry. sorry sa lahat. ililista ko lahat ng mga nagawa ko sayo na hindi ko dapat ginawa. lahat ng ginawa ko na naging resulta ng paglaho mo.
sorry. sorry. sorry sa atensyon at pagmamahal na hindi ko binigay sayo. yun lang naman yung nararapat na binigay ko sayo kaso ayun pa ang indi ko binigay. dapat ikaw inuna ko. ikaw kasi, inuna mo ako. ako palagi priorididad mo. naramdaman ko yun.
sorry. sorry. sorry na nasabi ko na sayo na 'pede bang tayo na' kahit na loko lang yun. sorry na nasabi ko yun kahit na di pa ako handa na maging tayo. di ko inakala na seseryosohin mo yun kaso sorry parin. sorry na naniwala ka sa loko ko. sorry na naloko kita. sorry na ang tagal bago mo malaman yung totoo. akala ko kasi kakayanin ko. ayoko naman kasing mawalay ka kaya wala nalang ako sinabi. wala nalang ako sinabi para ok tayo.
sorry. sorry. sorry na kahit naging tayo na, kinakausap ko parin yung tao na rason kung bakit hindi pa ako ready. sorry na di ko sinabi sayo. sorry na natanong ko pa sayo kung ok lang ba yun sayo kasi alam ko namang hindi. oo, nakakausap ko siya. oo, magkaibigan kami. sorry na nung tinanong mo lang ako, dun ko lang sinabi.
sorry. sorry. sorry na sabay sabay mong nalaman ang mga rason kung bat ka naglaho.
sorry na di kita natrato sa paraan na nararapat kang tratohin. sorry na niloko kita. sorry na ako yung rason kung bakit ka naglaho. sorry na di ako mapagkatiwalaan.
kahit sa dami ng nangyare sa atin, mahal parin kita. ever since day 1. di parin siya lumalaos.
ganun parin nararamdaman ko sayo. messed up lang ako kaso, haiz, ikaw parin.
alam mo, sayo ko lang naramdaman yung ganto. oo, malaki impact ng other person sakin kaso wala na yun. ok. wala na yun.
ikaw na ikaw parin. kahit elang araw palang. ikaw parin. di mo lang alam kaso gagawin ko talaga ang lahat para lang mabalik yung tayo.
kaso sa ngayon, irerespeto ko desisyon mo. wala ako magagawa, ikaw bumitaw eh. kung sa paraan na yun magiging masaya ka, edi sige duon ka na.
sana makahanap ka na ng tao na gagawin kang prioridad. bibigay sayo yung pagmamahal at atensyon na nararapat na matanggap mo. yung pagmamahal at atensyon na ako dapat nag bigay sayo. sana alam ng susunod sakin na ang swerte niya. sobra.
swerte niya sayo.
sorry. sorry. sorry.
sana binabasa mo to.
sana mahal mo parin ako.
YOU ARE READING
a bunch of crap on my notebooks
PoesíaCover says it all also, trigger warning for some chapters also, again, not all of these are poems. just random things i think of then decide that it needs to be seen on paper. (you dont have to read this, i just have nowhere else to put these)