"BOYFRIEND hunting"
LAST EPISODE --
"BOYFRIEND HUNTING"
Chapter 15 : Saying Goodbye°°°°°°°°°° ZEPH POV °°°°°°°°°
Nakakatuwa na nakakalungkot. Natutuwa ako kasi bumalik na si iñigo na inakala naming wala na. Nalulungkot na sa muli nyang pagbalik ay muli ring mangungulila ang puso ko para sa pagmamahal ni Cion na sa isang sandali lang ay naging kami pero parang inanod nalang sa laot. Naging kami nga ba ? Sapat na bang pagbasihan ko ang sinabi niyang mahal nya ako at halik na alam kong totoo? Nasaktan ko si Cion,siguro, dahil sa halip na sya ang piliin ko ay si iñigo. Kaya ko lang pinili si iñigo dahil kaibigan ko sya sa mahabang panahon at higit sa lahat na hindi na sya babalik pa. Mahal na mahal ko si Cion ! Ipaglalaban ko sya hanggang sa makakaya ko !
Pero kaya ba ng konsensya kong gawin yun? Di bali bahala na
"Oh pre ang lalim yata ng iniisip mo?" Sambit ni Kenzo na pumasok na nandito rin pala.
"Wala to' pre,Kumusta na?" Pagiiba ko. Napakamot nalang ito sa ulo.
"Pre kasalanan dba ang makipagrelasyon sa lalaki? Masamang masama" napapailing ito habang sinasabi ang salitang yun. Di ko rin alam ang sagot dun. Ang alam ko lang nagiging tama naman ang lahat pagGusto mo. Pag umibig ka na wala nang mali mali pa.
"Pre, bakit mo tinatanong yan? Tutol ka ba sa pagmamahalan ni Cion at Iñigo?" Sabi ko. Napatingin nalang sya sa taas tsaka ibinuklat ang aklat.May tinignan siya sa libro mula kanina pa ni hindi niya mailipat sa ibang pahina.
"Siguro walang mali kong taos puso nating tatanggapin ang kagustuhan natin yung walang pag aalinlangan .." sabi nito.Ngumiti sya na para bang ang saya saya niya. Hinimas-himas niya ang dibdib nya na para bang may heart burn.. hayy.. Baka Inlove ang kaibigan ko.
"Inlove ka ba?" Tanong ko.
"Shiit pre! Hindi no malay ko ba kong anong inlab inlab na yan! Bata pa ako no?" Tanggi nito. May ibinigay sya saking invitation kaya agad kong binasa ito. Ang invitation ay mula pala kay Iñigo. He wants me to attend his wedding sa Thailand. Kasal agad ? Akala ko ba mahal mo na ako Cion? Wala kang paninindigan o walang isang salita!
"Pre! Ano yan ha? Sarap mong suntukin!" Galit na sabi ni Kenzo nang makita nyang pinagpupunit ko ang invitation.
"Kung pano yan napunit ganyan din kung paano napunit ang puso dahil sa kanya!"
"Pre akala ko ba Okay na kayo? Na maliwanag na Putol n ang ugnayan niyo ni Cion! Pre kaibigan natin ikakasal wag kang malupit sa kanila 'bobo!" mariin na tugon sabay umalis sa bahay.
Hindi ko na alam ang gagawin ko pagnangyari yun' Paano naman ako Cion!!
------------------ CION POV ------------------
"Fine !" Pagsang ayun ko sa kagustuhan nya. Nag inarte na naman ! Gusto ko lang naman na simple lang ang kasal namin eh! May pa invite invite na nalalaman tapos lugar namin para sa honeymoon😣😣😣 may bahay namin kami ah
"Gusto ko yung unforgettable moment ang magiging kasal na tin tsaka honeymoon natin baby ko,dba mama?" Pagmamalaki nito. Tumawa nalang si tita sa kahambugan ni iñigo. Tskk ! Nakakahiya naman oh parang babae lang ganun??!
"Ikaw na bahala Iñigo basta yung hinihinge kong apo galing sayo" sabi ni tita. Napag usapan namin ni iñigo na before kami pumunta ng Thailand ay tutungo kami sa US para mag undergo sa process para makaroon ng baby. Syempre nagpakuha kami pareho ng sperm cell. Tapos pumili ng babaeng magdadalang tao sa mga baby namin. Isa sakin at isa rin kay Iñigo.
Lumabas ako sandali para magpahangin. Nakita kong papalapit sakin si Gael. Umiiyak ito.
"I'm very sorry Cion,Ginawa ko yun dahil mahal ko si iñigo, nabulag ako sa kagustuhan kong mahalin rin nya ako" sabi nito habang nakayakap sakin ng mahigpit. Sa di kalayuan napansin ko rin ang nahihirapan babae na pagtakbo papunta sa direksyon ko. may sinisenyas syang diko maintindihan. Kumiwalas ako kay Gael pero I was frozen !