Alamat ng Bahagharing Battit

137 2 0
                                    

Sa isang malayong nayon na binansagang karamonan, mayroon isang pamilyang napaka palad sa materyal na bagay ngunit sarado ang kamay sa pagtulong sa kanilang kapwa. Ang mag asawang sina Kinyak at Amamin ay mayroong anak, si Itid.

Si itid ang tagapag mana ng lahat ng yaman ng kanyang mga magulang, sa kanyang murang isipan ay tinuturuan na siya sa pamamalakad ng sari-sari nilang negosyo. Sa katunayan ay binigyan na siya ng isang tindahan na sasailalim sa kanyang pamamalakad.

Isang hapon, si Itid at ang kanyang mga magulang ay nagkaroon ng pagpupulong sa kanilang hapagkainan.

 “Anak, kumusta na ang iyong tindahan? tanong ng kanyang ama na si Kinyak”

“Ayos naman po ama, sa katunayan unti unti ko na itong napapalago.” Tugon ni Itid.

“Magaling anak, manang mana ka talaga sa akin, magaling sa negosyo, madiskarte, at maabilidad.” Puri ng ama ni Itid sa kanya.

“Tama anak, ganyang kaming dalawa ng iyong ama, kaya nga napalaki namin an gating mga negosyo dahil sa aming pagsusumikap.” Dagdag ng ina ni Itid.

“Kumusta naman ang iyong alalay?” Muling tanong ng kanyang ama.

“Si Bagik po ay mapagtimpi, sa kabila ng aking mga kahinaan ukol sa negosyo ay itinuturo niya sa sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman.”

“Aba dapat lang, sayang naman ang ibinabayad ko sa kaniya kung hindi niya paghuhusayan ang kaniyang trabaho.” Sambit ng kanyang ama.

Biglang umubo ang kanyang ama at ito ay hirap na hirap sa pag hinga. Habang hinahagod ni Amamin ang kanyang likod

“Ama, ano po ang nangyayari?” Nagtatakang tanong ni Itid

“Anak, ang dahilan n gating pagpupulong ngayong tanghali ay mayroon kaming importanteng bagay na gusting sabihini sa iyo.” Tugon ni Amamin.

“Ang iyong ama ay nanghihina na. may sakit siyang hindi na kayang gamutin ng kahit na sino pang manggagamot.”

“Hindi maari iyan ina. Sapagkat napakarami nating pera upoang bayaran ang pinakamagaling na manggagamot.”

“Itid, anak, ginawa na din naming pumunta sa iba’t-ibang bayan upang mahanapan ng lunas ang sakit ng iyong ama, ngunit nasawi kami. Sa katunayan, ang isa sa pinaka magaling na manggagamot sa karatig bayan ay hindi rin alam kung ano at kung saan nagmula ang kanyang sakit.”

“Hindi maari ito. Gagawin ko ang lahat ina upang gumaling ang ama.”

“Anak, wala na tayong magagawa, lahat na ng bagay ay aming nasubkan, ngunit hindi nito kayang lunasan ang sakit ng iyong ama.”

“Ama, Ina, gagawin ko ang lahat, para makahanap sa lunas ng ama.”

Kinabukasan, si Itid ay naglakbay kasama si Bagik patungo sa kabilang bayan.

“Señor Itid, saan tayo tutungo?”

“Hindi ko alam, ngunit kailangan kong humanap ng lunas sa sakit ng aking ama.”

“Ano? Tama ba ang pagkakadinig ko? Si Señor Kinyak ay may sakit?”

“Oo Bagik, at sabi ng mga manggagamot sa kanila ay malala na daw ang lagay ng aking ama.”

“Kung gayon Señor arbakit poa tayo naglalakad? Kung ang katotohanan naman ay hindi na talaga gagaling pa ang iyong ama?”

Itinulak ni Itid si Bagik.

“Anong sabi mo?! Hindi mo madidiktahan ang mangyayari sa hinaharap.”

“Paumanhin Señor.” takot na sambit ni Bagik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alamat ng Bahagharing BattitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon