It breaks my heart.

11 1 0
                                    

Sabado ngayon.

Dancer nga pala ako ng School namin.

So may practice ako mamayang 3pm.

Tapos may show kami ng 6pm.

Sa school lang din naman namin kami sasayaw.

Pansin ko nga tumataba na ako,

Yun ba namang kakain ako,

Tapos uupo na naman dahil magbabasa ng wattpad.

Oo nga pala nasa part two na ako ng boyfriend corp

MWAHAHAHA!

"Ionna! Kilala mo si ross lynch?" Tanong ko sa ka-dancer ko.

"Hindi eh, sino ba yun?" Tapos pinakita ko sa kanya yung picture ni Ross lynch.

Umiling lang siya.

Pinakita ko pa sa ibang LDM girls yung pic ni Ross lynch.

Hindi nila kilala?! Grabehan! Hahahaha!

Ako lang pala nakaka-appreciate sayo Ross lynch eh, akin ka nalang pleaaaaase.

***

Yung 6pm na nakalagay sa invitation na start ng program eh alas otso ang nagyari.

Dahil dun natutunan ko yung steps ng fall ni Ian eastwood habang naghihintay nga dun sa prog.

Dedicated to Ross lynch.

Yeaaaaaah.

***

9:30 na natapos ang show namin.

Ayos naman ang pakain samin. Shakey's

Pizza

Mojo

Chicken

Rice

Brownies

At C2 naligaw yung C2 hahahah!

Tapos nagbihis ako,

Pagtingin ko sa relo ko,

Oh no.

10:15 na!

Si Ross lynch na naman nasa isip ko.

Hindi ko kayang hindi siya mapapanood sa isang araw.

Grabe no?

Inaya ko na agad yung mga lagi kong nakakasabay pauwi.

Eh yung isa naming kasabay naglilipat pa ng movie sa Flash drive nung isa namaing ka-dancer.

Hindi naman ako pwedeng umuna dahil nakakatakot magbyahe mag-isa.

Gabi na kaya.

Hinintay ko nalang din yung pag-papasa.

Habang naghihintay nag-play muna ng movie yung ka-dancer ko.

Yung scene na,

Walang nagawa yung babae, sa pagkamatay nung nobyo niya. Hindi niya kasi napuntahan.

Alam nyo ba? Sa halip na yung mismong boyfriend ko ang isipin ko,

Si ross lynch na naman ang tumatakbo sa isip ko.

Na magagalit siya kasi hindi ako nanood ng episode nila.

Na magtatampo siya kagaya ni Gatorade sa Wattpad.

Ayos ba? For sure rinding rindi na kayo sa panagalan niya.

Wala eh, mahal ko na ata.

***

Naiinip na ako ang tagal nung movie mapasa.

Tsk.

10:30 na eh!

---

Ayan natapos na! Shemay!

Tinulungan ko ng ligpitin yung laptop ng ka-dancer ko para makaalis ng maaga. Well, late na nga ako sa episode ng baby ko eh.

Buti naman nakalabas na kami.

Madali din naman kaming nakasakay.

Kaso inaanot ng 30 mins ang byahe! Shits. 11 ang start nun eh.

Tingin ako ng tingin sa relo ko.

Konti nalang malapit na kami.

Ang sakit ng nararamdaman ko,

Iisipin ko pa lang na hindi ko talaga aabutan yung Austin and Ally,

Feeling ko mawawala na sakin si Ross lynch.

Kahit hindi naman talaga siya sakin.

Yaaaaa! Pababa na ako!

Yaaaaa! Malapit na ako sa bahay!

Yaaaaa! Nasa gate na ako.

Ay, patay na ang ilaw namin sa salas?

Ibigsabihin.

Tulog na ang ate ko,

Tapos na ang Austin and Ally?!

Hey! Day Dreamer! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon