Baby you turn me on ❤️

12 1 0
                                    

Bagay na bagay talaga para sa akin si Ross lynch dito sa character ng Story na boyfriend corp na si Gatorade.

Mas inuuna ko pa ngang magbasa ng wattpad para maituloy ang pagde-day dreaming ko with ross lynch kesa sa mga librong pang-eskwelahan.

"Hoy wendy! May exam tayo sa NSTP!" Sabi ng kaklase ko.

Uh-oh, wala akong alam.

"Ge, mag-aaral muna ako baby. " sabi ko sa picture ni Ross lynch.

Wooow no? Pwede nako sa mental.

***

Kung dati-rati, sabik na sabik ako sa boyfriend ko. Crush na crush ko kasi yun nung High school palang ako. Tapos niligawan niya ako. Shet heaven!

Pero wala eh, sa una lang pala.

Masaya.

Dati lagi kaming magkatext. Every hour every minute nais siyang makita.

Yan napa-rap pa tuloy ako.

Takte.

Pero ngayon, gagawa ako ng dahilan.

Kunwari tutulog ako.

Para makapagbasa ako ng masinsinan ng wattpad.

Kasi nga kunwari ako yun at si Ross lynch.

"Ano yang binabasa mo? Wattpad na naman?" Kaklase ko na naman.

"Ah oo maganda eh! Hahaha" sabi ko nalang.

"Ah oo, nabasa ko na din yan! XD Lycean din kaya writer niyan"

Lycean din kasi kami.

"Oo nga eh, hahaha! Sige basa muna uli ako".

***

Hanggang sa byahe, nagbabasa ako.

Hindi ko mapigilan yung sarili ko eh.

Dati hindi ko nilalabas yung ipad ko sa jeep. Hanggat maaari ayaw kong ipakita.

Madami kasing magnanakaw ngayon. Budol budol pa. Diba?

PERO,

nung nabasa ko to.

At nakilala ko si Ross lynch,

Wala eh. Naadik talaga ako.

***

Kung dati nung una-unang crush ko palang si ross lynch, iphinihintay ko pa yung ate ko galing trabaho bago bumaba ng salas para manood ng Austin and Ally.

Ngayon, 9 palang andun na ako, nagbabantay.

11 pa kasi ang mismong showtime nun.

Ayaw kong mahuli kahit isang scene niya.

Nagulat nga din si Ate eh kasi andun na ako.

"Ano ka ngayon? Mga panget daw ang bida! Haha! Ngayon nangunguna nguna ka pang magbantay saken. Duh" tas tumatawa pa rin siya pataas ng kwarto niya.

Oo amindao na ako, inlove na ako.

Naniniwala ba kayo?

Naiintindihan niyo ba ako?

Mismong ako, hindi eh. Kahit ilang beses kong sabihin sa utak ko na hindi mangyayari yung mga iniisip ko.

Wala talaga, lalo ko lang siyang minamahal.

***

Start na ng Austin and Ally.

Na-excite na naman ako.

Slow motion siya sa paningin ko eh.

Yung tipong,

Siya lang nakikita ko.

Nagsasalita siya pero walang tunog.

Mabagal.

Ano ba yan.

Tapos nagulat ako kasi.

SUMASAYAW AT KUMAKANTA PALA SIYA.

Ayaaan na naman ang puso ko.

Inlababo.

Ang gwapo gwapo niya, ang galing galing niya.

Perfecto!

Kaso sa wattpad andun na ako sa part ng boyfriend corp na,

Hindi na prinsesa si Cinderella,

Iiwan na siya ni Gatorade dahil tapos na ang kontrata nila ni Alexa.

Naisip ko na naman na ako at si ross lynch yun.

Sobrang nasaktan ako.

As in, ma-sa-kit.

Hey! Day Dreamer! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon