Chapter Twenty Five

140 5 0
                                    

Jhazelene's POV

Habang kumakain , may tumawag sa telepeno sa rest house at sinagot naman yun ni Liza. Tumingin siya sa akin at nag aalangan kung tama ba na ibigay niya sa akin ang telepono. Iniabot niya sa akin na may tanong sa mukha niya.

"Sino ba kasi 'yan?" usisang tanong ko para matapos na pag aalangan sa mga mukha namin dahil naghihintay kaming magkakaibigan ng sagot.

"Ah wala iyon. Ano nga pala ang uulamin natin mamaya? Kasi paniguradong seafood lang ang ihahanda nila." dire-diretson niyang banggit na mukha nga namang tama, dahil nasa dagat kami malapit.

"Gusto ko ng pusit." banggit naman ni Kath na may paghimas pa sa tiyan. Napakaganda niya talaga at natural lang.

Naisip ko tuloy nung mga panahon na lgi akong tinatanong ni Mama kung anong gusto kong ulamin. Gusto ko lang naman ng normal na buhay. Gusto ko lang naman na mahalin ulit ako. Gusto ko lang naman ng atensyon. Gusto ko, yung ako naman. Ako naman yung tatanungin kung okay lang ako, kung masaya ba ako? Kung saan ko gusto pumunta. Kase kahit kailan di ko naranasan iyon. Ako yung laging, walang kwenta. Ako yung laging etchpwera. Hanggang sa sumikat na ako.

"Ikaw bessy, anong gusto mo na ulam para mamaya?" tinanong naman ako ni Liza. Natigilan ako. Ano nga ba gusto kong ulam? Parang wala akong gana.

"Kung ano inorder nila, iyon na lang din sa akin." Ngumiti ako. Okay lang naman ako. Di lang mawala sa isip ko yung mga bagay na nasa isip ko tulad ng panaginip ko nung nakaraang araw, at ang misteryosong tawag na natanggap ni Liza.

Tumayo kaming lahat at nagpunta sa veranda. Nakatulala ang lahat at para bang inuusisa kung may magsasalita sa aming lahat. Ako na ang nagsimula.

"May show ako sa Sm City Lipa. Pwede ko kayong isama kung gusto niyo. Para makapag-ikot ikot na din tayo." Panimula ko at tumingin naman sila sa akin. Nagkakapaan kung sino ang sasagot at kung ano ang isasagot.

"I need to fix something, im sorry but I can't. How about you, Liz? Miles?" Tuloy-tuloy na salita ni Kath na pinandilatan ng mata ang dalawa. Natatawa ako sa naiisip ko namay itinatago sila sa aking dalawa.

"Oh, yes! I forgot I need to meet the boy in Tinder." Sabi ni Liza. Kanya kanya pa kayong palusot. Umismid ako. Tahimik lang si Miles na tila walang nagawa at mukhang nagdadalawang isip.

Uminom ako muli ng kape. Sabay tumingin sa taal. Para din pala akong bulkan, sa kabila ng tahimik ko na personalidad walang nakakaalam kung kailan ako sasabog. Hindi ko din alam kung hanggang kailan ko itatago lahat ng kinikimkim ko.

"Miss ko na si Mama. Miss ko na si Candice. Miss ko na si Julia at si Kuya. Di ko lang alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para itago ang nararamdaman ko." Sabi ko, kasabay nang pagtulo ng luha na sobrang tagal ko ng pinipigilan.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na wala akong alam, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Really the world is crazy. I can't imagine that i've done the worst for my parents and to my family. Pagod na pagod na ako sa kakabago ng alam ko. Sa kakatago kahit alam kong ang iba ay alam na ang totoo." Tumikhim ako at bumuntong hininga na lang.

*Liza's Point of View*

Alam ko sa sarili ko na dapat kong sabihin kay Lene ang totoong sinabi ni Candice sa akin.

"Tita Lea's pregnant and her Doctor is Doc Aga." Nagulat ako. Hindi ko lubusang maisip na babalik pa sa buhay nila si Doc Aga.

Kilala ko siya noon pa man, Doctor din siya ng family namin at nagpatulong siya sa pamilya namin para ipahanap si Lene, noon. Pero pinili ng pamilya ko na itago ang totoo sa kanya. Dahil alam naming lahat na magugulo lalo ang pamilya nila Lene at ayokong dumagdag sa iniisip ng kaibigan ko.

Tiningnan ko si Lene habang nakatulala sa bulkan at tumutulo ang luha.

"Hmmm." Napabuntong hininga ako. Iniisip ko kung tama bang itago namin sa kanya ang lahat. Gusto kong isigaw sa kanya lahat ng nalalaman ko pero pinili namin nila Miles na manahimik para sa ikakabuti niya.

Lumapit kami sa kanya at niyakap siya. "Mahal ka namin, Lene. Mahal na mahal ka namin. Nandito lang kaming mga kaibigan mo para tulungan ka. Mahalaga ka sa amin." Ngumiti kami nila Kath sa kanya. Ngumiti sa amin pabalik si Lene.

Maya maya pa ay dumating na si Aling Susan upang sabihin na maaari kaming bumaba at pumunta ng malapitan sa Taal pero mas pinili na lang namin na magpahinga.

Pumunta ako sa kwarto ko nang makita ko si Kath na may kausap sa telepono. Lumapit ako at nagtago sa katabing kwarto.

"Ah, okay. Make sure that no one will knew that it was me, okay? How's Mom? I see. Okay. I'll call you later." Napakunot ang noo ko. Sino ang kausap niya? May kinalaman ba ito sa mga nangyayari kay Lene.

Gusto ko siyang tanungin pero baka malaman niya na may alam ako. Maghihintay ako ng mga ilang araw at oobserbahan ko siya para malaman ko kung ano ang koneksyon nya sa mga ito.

Nagtuloy tuloy ako sa kwarto ko at nagulat ako ng makita si Charles na nasa kama at nagcecellphone. What is he doing here?

"Hey, hon. How are you?" Aba. Di ba dapat ako ang unang nagtatanong sa kanya. Lumapit ako sa kanya at inilapat ang ulo ko sa balikat niya.

"Im very tired. How's the farm?" Sabay tingin sa mata niya at unti unting inilapit ang labi ko sa kanya.


To be continued........




















Author's note:

Maraming salamat sa mga sumusuporta. Naisipan ko lang magsulat ulit. Nainspired lang ako. Lol. Wait for my next update.

Instagram: superjhazy
Twitter: salvadorjhzy

-Ciao

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fan girl turned to Lea's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon