Binuksan ni Zen ang kanyang kotse at pinapasok ako.
Nanatili muna kaming tahimik na nakaupo sa loob ng kotse.
Tinitignan niya ako, nakikita ko ito sa aking peripheral vision, habang ako nakatitig lang sa kawalan. Ngayon lang kasi mas nag sink in ang mga posibleng nangyari sakin kung ngayon eh nasa kamay pa rin ako ng nga manyakis na yun wala talaga akong kawala kung sakali."Me?"
Naririnig ko si Zen. Pero ewan ko. Wala akong lakas na sagutin siya. Ano ba yan, mukha akong natrauma!
"Me, please say anything. Just a lil bit. Nag aalala na kasi ako sayo"
Tinititigan nya parin ako at mistulang hinahanap ang mga mata ko upang matignan niya ito.
"Me, look at me."
At hinawakan niya ang chin ko at bahagyang itinaas para maglebel yung mata namin.
Sinunod ko siya. Tinignan ko siya at hindi ko napigilan maging emosyonal nanaman. Nanggigilid nanaman ang mga luha ko. Hindi na dahil sa nangyaring muntik na akong mapagsamantalahan kundi dahil na rin sa pagiging caring ni Zen.
"Me, please tell me you're now okay. Please tell me something. Hindi ako sanay na tahimik ka. Alam ko tahimik ka lang pag may bumabagabag sa utak mo at kapag nasasaktan ka. So tell me what it is. Please Me"
Binuka ko na ang bibig ko upang makapagsalita. Ayaw ko namang mas mag alala si Zen sakin. I'm not his burden to carry on.
"Ze. . .Ammm. . Thank you"
"Me. It's ok. You know how much I care for you at balewala lang to. You don't need to thank me. Dapat nga ako yung nagtanggol sayo kanina. Naiinis ako kasi wala akong nagawa"
"Ze. . .huhu. .I'm afraid it might happen again"
Unti unting lumapit sakin si Zen at yinakap nya ako nang mahigpit, kasi naiiyak nanaman ako. Masyado na talaga kasi siyang soft sakin. Nagiging emotional ako pag nagki-Care siya.
"Hush now Me. I'm here. It will not happen again. I promise, I'll be on your side everytime from now on. I will never let you go out of my sight. Hush now, I love you. Always"
"Thank you Ze. Thank you for being with me. And, . . .Love you too"
And he kissed me on my forehead.
"Uwi na tayo ha. Magpahinga ka na muna jan"
Nakatulog ako buong byahe dahil na rin siguro sa pagod.
Kinaumagahan, nagising na lang ako na nasa kwarto na ako. Naalala ko nalang na nakatulog nga pala ako kagabi sa sasakyan ni Zen, so maybe binuhat niya ako kagabi. Haysss baka nabigatan yun kagabi.
Kinapa ko yung cellphone ko kung nasaan. Inopen ko to at bumungad kaagad yung wallpaper ko na picture namin ni Zen sa New york last summer. Nakaakbay siya sakin tas nagwa-wacky kami. Hihi.
Nakita kong may mga text pala si ZenFrom: Ze:*
"Me, gising ka pa ba""Me gud night hope ur okay now"
"Me?"
"Gising na Me. Puntahan kita jan mamaya. Bonding tayo ha"
"Me OTW na ako. Baka tulog ka palang"
"Here na ako sa inyo Me. Pagbuksan mo ako ng gate mukhang wala si tita"
Shocks so andito na siya?
Agad akong bumangon at dinungaw yung glass window dito sa kwarto ko upang tignan kung may tao nga sa labas.
Then, yes. Andon si Zen nakasandal sa kotse nito at nakatitig lang sa gate.
BINABASA MO ANG
Everything Gone Wrong (On-hold)
Teen FictionHe's my everything. EVERYTHING! But because of some sort of playful destiny, everything turns into something opposite. Everything gone wrong.