Chapter 4

7 0 0
                                    

Hellia Point of View

(Time checked 1:23 A.M)

Nasa apartment nako ngayon, naka upo sa bowl nang cr. Syempre sarado yung bowl. Nakatunga-nga ako ngayon habang naliligo. Kanina pa ako kuskus ng kuskos sa buhok at katawan pero di parin ako natatapos.

'Litche.. Kukulangan pa talaga ako ng tulog ngayon'- mahinang reklamo ko.

Panira kasi yung mga bwesit na asungot kanina! Kung di lang talaga ako tumakbo ng mabilis palabas ng hospital siguro nandun parin ako, nagmumukmok at bore na bore. Hindi ko lang talaga ma gets kung bakit ayaw nila akong paalisin, tapos nanaman akong mag explain sa nangyari kaya why keep me? Tsk.

May shift pa ako mamaya,  I have a race too. Sinabi kasi iyon kanina ni xewa. Nainis daw yung ibang kapartido ng grupo na naghamon sa amin at tumaya ng malaking halaga sa karera, kunyo minamaliit ko daw sila. Mga ugok nga naman. Kailangan kopa tuloy pumunta ng maaga sa FRx-point, naghamon kasi ng rematch yung lider nilang aso.

Ang saya lang, Antok na antok nako pero dahil sa mga problemang iniisip ko ngayon, gising na gising ako. I have to do the time management. Ganito kasi yun.

At exactly 2:30am dapat gumura nako papuntang arena, 3:00am kasi ang napag usapan kunong rematch at aabutin talaga ako ng 20minutes para makarating dun kaya kailangan maaga akong magising, sa rematch naman diko alam kung hanggang saan ang time limitations, sa palagay koy 1 and a haft hour yun bago matapos, hence madaya daw kung maglaro ang kalaban ko kaya siguro matatagalan yung laro. After naman ng karera ko at exactly 5:20 nandun na dapat ako para mag trabaho sa cafe nila xewa, hanggang 6:40 am ako dun, after that may tatlong klase pa akong aatendahan, I think 7:30 yung 1st, 9:30 naman yung 2nd at 1:00am yung last chief ko. At sa lahat pa talaga ng klase ko ngayon, yun pang dudugo yung ulo ko. Langya lang! Bigla-bigla pang nagbibigay ng quick test yong isa kung subject ! Hooooooo!! Mababaliw na yata ako! Juice colone gel! Tulungan mo ako! Alam nyo kasi dapat maintain rin yung grades ko, mahirap ng bumagsak sa isang sem no! Nako! Para naring nagwawaldas ka nang pera kapag ganun, idagdag nyo pa yung mga moral support ng mga magulang at kapatid ko, ayaw ko namang madissapoint sila at mawala nalang sa isang iglap yung mga tulong nila saakin. Ayaw ko nun no!

Sus maryusep! Buhay nga naman ni Hellia Cordova! Mamen! Wala na bang mas hihirap pa nito?! Pinaparusahan nyo ba ako colored? Huehue maawa naman kayo saakin, pero sabi nga ng ilan. Hindi ibibigay ng ating ama ang isang problema kung hindi natin ito makakaya! Heha! Tiwala lang! Malalampasan ko rin to! Tiwala lang! TI-WA-LA.

Ibinagsak ko yung balikat ko habang nakapikit "t..i..wa...la..la..ng."

---

Halos magkandaugaga akong nagbibihis ngayon. Litche lang! Nagising nalang ako kanina dahil sa lamig! Napagtanto kung nasa cr parin pala ako, kaya dahil sa pagkataranta kamuntikan pa akong madulas buti kamuntikan lang pero litche lang! Dahil sa kakamadali kung pag alis kanina sa pinto ng cr ay aksidenteng humalik yung hinliliit na paa ko sa lower boundary ng cr! Ang sarap ng feeling grabi! Feeling ko lumipad yung kaluluwa ko sa kabilang planeta! Kaya ito ako ngayon ika-ikang naglalakad patungong kusina para tignan kung anong lulutuin sa agahan, pero to my dissapoint, wala ni isang anino ng mga ingredients nor karne sa maliit kung refrigerator! Litche nga eh! Nakalimutan ko palang mag grocery!

Kumuha nalamang ako ng tatlong slice bread, saka ko naman kinuha ang star magarin. To my surprise na ihagis ko yung lagyanan ng magarin sa harap ko.

Bwesit! May ipis sa margarine ko kaya ano pa bang magagawa ko? Alagan namang makipag share rin ako sa pisteng yun! Kadiri lang!

No choice akong kinagat yung slice bread siyaka naman kinuha ko yung mga prinipare kung gamit kanina. Syempre I brought an extra shirt para makalagbihis ako mamaya sa karera. I get my keys and off the switch of my apartment saka ko naman ito sinarhan, hindi nako nag atubiling mag linis sa mga kalat ng bahay. Mamaya nalang siguro.

Lovely Love Lie (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon