"Story of Honey"

4 0 0
                                    


May isang babaing nagngangalang Honey, siya ay nag iisang anak at nakatira sa Iligan City. Masaya ang kanilang pamilya kahit simple lang ang pamumuhay. Hanggang sa hindi inaasaang pangyayari ay namatay sa aksidenre ang kanyang ama at ina. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin dahil wala na siyang mapuntahang mga kaanak. Palakadlakad lang siya sa kalye tila parang baliw. May mag asawang nakakita sa kanya at kinopkopsiya at inalagaan na parang tunay na anak. Pinag aral siya ng mag asawa sa isang magandang paaralan. Hanggang siya ay naka pagtapos ng pag aaral at naka pagtrabaho sa isang kompanya. Isang araw habang pauwi siya sa kanilang bahay ay may napansin siyang isang lalaki na naka sunod sa kanya. Hindi niya makita ang mukha dahil nakayuko ito at nakasuot ng sumbrero. Hanggang siya ay nakarating sa kanilang bahay nakasunod parin ito, siya ay nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa bintana at tinignan kung nandod pa ba ito sa kanya. Nakita niya ito ito at nagkatinginan sila sa mata at don niya na realise na ito pala ang matagal na niyang kaibigan. pinuntahan niya ito at niyakap ng napakahigpit. Habang lumilipas ang panahon mas na papalapit ang loob nila sa isat isa. Hanggang sa napagdesisyunan nilang umamin sa kanilang damdamin sa isat isa. Mas naging masaya ang kanilang damdamin dahil wala na silang iba pang gusto kundi ang isat isa.

Compilation of my StoryWhere stories live. Discover now