R38: part 7

289 13 6
                                    

"le-lea tulungan mo ako.." tinaas niya ang kamay niya..

bigla akong nagising..

nasa hospital pala ako.. isang panaginip lang pala.. 

Tumingin ako sa tabi ko, nakita ko doon si mama..

"anak?!! Nurse!!!!" sigaw nito

Agad namang may pumasok na Nurse at tiningnan ang kalagayan ko.. Kinausap niya ng sandali si mama pagkatapos noon ay umalis na ito..

umupo si mama at hinawakan ang kamay ko.. ngumiti ito.. 

sariwa pa sa isip ko ang mga nangyari, kaya umiyak ako.. agad naman akong niyapos ni mama..

"magiging okay ang lahat baby" sabi nito..

"ma-mama wa-wala na si-si pr-proncess.." nauutal kong sabi at patuloy parin ako sa pag-iyak..

"shhh.." hinagod ni mama ang likod ko..

==============

after 6 months..

Nakarecover na ako, pero nalipat ako sa ibang section at umulit ng pagiging 3rd year dahil matagal rin akong nagpahinga.. nalipat ako sa section na Bloody Rose 3-D dahil.. section na akala mo matitino ang mga estudyante na pumapasok rito pero hindi.. napakalaking "HINDI" akala mo kong sinong mga tuta, akala mo kung sinong mga inosente pero hindi.. Dahil lahat ng estudyante dito ay mga gangster, matataray, mga bully,  oh sa madaling salita mga sakit sa ulo. Mismong section name nila ay pinalitan nila ng Bloddy rose na dati ay Daisy sabi kasi nila masyado daw baduy, wala silang takot sa mga teacher, wala rin silang mga galang bakit?? dahil sa pera, pwede silang umalis kung naboboring sila sa teacher, pwede nilang batuhin yun at paiyakin sa harap nila.. Bakit pa kasi ako dito nalipat? hindi naman ako katulad nila..  May iba rin namang tulad ko siguro mga lima lang kami na hindi belong sa section na ito... unang pasok ko pa nga lang noon ay binully na agad nila ako..

"oh?! andito pala yung REPEATER! HAHAHA yakkk!" sabi ni Chloe na isa sa mga matataray sa section na ito.. napayuko nalang ako.. ano pa ba aasahan ko? nabigla nalang ako ng binuhusan niya ako ng iniinom niyang juice..

"ooopps, sorry akala ko kasi trashcan..." sabi ni chloe na may pang-aasar na tuno..

"chloe parang may kulang?" sabi ni Paula na kasama niya..

"ano yun?" sabi naman ni chloe na parang nag-iisip pa..

"OLD! OLD trahcan! isang mabaho at laspag na trashcan" sabi nito

nagtawanan lang sila habang binabato nila ako ng mga baso na ininuman nila..

"let's go girls, marami pa tayong pagtri-tripan.." sabi ni chloe

pag-alis nito ay binanga pa niya ako na ikinatumba ko.. naglag-lagan ang mga dala ko..

at nagtawanan lang sila..

napaiyak nilang ako habang pinupulot ang mga gamit ko..

"need some help?" isang tinig ng babae ang narinig ko..

"ha-ahh eh wag na ka-kaya ko naman ito.." pagsisinungaling ko..

"haayyy.." kinuha niya yung mga libro ko at iniabot sa akin..

"I'm Lucy.." sabi nito..

"salamat, Lucy.."

"so you are Leah right?" tumango nalang ako..

"wag ka mag-alala kaibigan mo ako, hindi ako katulad nila.." sabi nito..

ngumiti nalang ako..

"oh heto panyo, " iniabot niya sa akin ang panyo niya..

Room 38Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon