Kalye 7 day 1 ( paglipat )

34 1 0
                                    

Ito na ang araw upang si Rico ay magtungo na sa nasabing lugar na kanyang pag-aaralan. bago nya simulan ang proyektong kanyang pakay.
Sa ngayon si Rico ay nasa kanyang silid, habang inilalagay sa isang tabi lahat ng mga dapat nyang dalhin ay naroon din ang kanyang ina na pilit syang pinipigilan sa kanyang nais...

"Rico anak. maraming pwede na pagtuunan mo ng pansin. wag mo namang isugal ang buhay mo sa lugar na yun." bigkas ng ina.

"Ma, alam kong nag aalala kayo sakin, pero unawain nyo naman po ako kung bakit nais kong ipagpatuloy ang proyekto kong ito. alam nyo po ang dahilan kung bakit diba?" tugon nito.

"ano pa nga ba ang magagawa ko. Rico anak ingat ka ha? ano man ang problema agad kang tumawag ha!? nandito lang kami ng papa mo." nasambit nlang ng ina.

Salamat ma. magalang na pagtugon ni rico.

sa wakas! hindi na mabigat ang kaloob ni Rico na umalis sa kanilang tahanan pagkat naunawaan na ng ina ang talagang pakay ng anak sa nasabing lugar.

Habang nasa daan sakay ng sasakyan.

MANG ANTON: Boss Rico ihahatid ba kita hanggang sa tutuluyan mo.?

RICO : hindi mang Ton. sa may bukana lang ng villa. ayaw ko malaman nila ang istado ng buhay ko.

MANG ANTON : ikaw po ang bahala.

Hanggang marating na nga nila ang bukana ng villa. walang ibang laman ang isip ni Rico kundi ang totoong pakay sa Villa. pagkababa ni Rico sa sasakyan,

RICO : wag kana bababa Mang Ton. Ako na po ang bahala sa mga kagamitan ko.

Sa bukana ng Villa. Bugtong hininga lamang ang naigawad ni Rico pampalakas loob bago tahakin ang daan papasok sa loob. hila hila ang malaking maleta, binaybay ang daan patungong kalye 7. subalit mukang nalito ito sa mga kanto na dapat nyang papasukan. Nang biglang may humarang sa kanyang daraanan.

RICO : kaibigan, makikiraan..

BERT : bago ka dito no?

Rico : ah oo. yung bagong lipat sa paupahan ni Aling Cell.

subalit mukang mahihirapan sya makaalpas, pagkat ang kaharap nya ay pinuno sa kalye 1. at may dumating pang isang grupo... mukang lalo itong mahihirapan makaalpas....

abangan.
makaaalpas nga ba si Rico sa Unang araw, unang pagtahak sa Villa Royal Kalye 7.
ang pagdating ng isang grupo, makabubuti ba o makakasama...?

to be cont......

Sa Kalye 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon