"Hi. I'm Donna Lim. I'm from Manila."
Donna Lim. 16. And I proudly represent Phili.... Haynako. Hindi nga pala ako beauty queen. At mukhang never naman ata akong magiging beauty queen. Bukod sa medyo mataba ako... O sige, mataba ako wala ng medyo-medyo pa, eh hindi din ako kagandahan. Kasi kung kagandahan ako eh di sana nagka-boyfriend ako or manliligaw man lang. Hindi naman sa pagiging hard sa sarili ko, pero totoo. Wag na tayong maglokohan. Alam ko namang tatawagin mo rin akong "mataba" kapag nakita mo ako ng personal.
"Go ahead Miss Donna, tell us something more about yourself."
Echoserang frog naman 'tong si teacher. Hindi ba nya pansin na nahihiya ako? Haynako. Mukhang mapapahiya pa ata ako nito. Kung bakit ba naman kasi lumipat pa kami ng tirahan eh. At least dun sa Manila, tanggap na tanggap ako ng mga tao dun. Hindi ako nilalait, nilalait nila ako minsan pero minsan lang talaga at tanggap nila kahit ano pa yung itsura ko. Pumayag na rin ako dito sa "paglipat-thingy" para na rin kay mama. Pinalipat nya muna ako sa bahay ng tita ko dito sa may subdivision kasi wala daw maga-alaga sa akin kasi nagpunta na sya ng Canada. Haynako. Miss ko na si Mama. At yung luto nya.
"I love singing, I love Math and Science, I'm friendly and.."
"AND FAT!" and the whole class started to laugh.
Hoy! Pakinig ko yun ah. Sino yung tumawag ng mataba sa 'kin?! Maresbakan ko muna. Nakakainis ah. Nakakabadtrip yung first impression ko sa mga bago kong classmates. Palibhasa mga spoiled brat at mga maarte yung mga estudyante dito sa Stonybrooks. Ang sosyal diba? Biruin mo, afford ng tita kong parlorista ang pag-aralin ako sa ganito ka-sosyal na school!
"Class. Stop. Ganyan na ba talaga yung unang impresyon na ibibigay nyo kay Miss Lim? My goodness! I'm sorry hija, siguro nanibago lang talaga sila."
WOW! Teacher, ngayon lang sila nakakita ng mataba? My goodness ka rin!
"It's okay Ma'am." kahit hindi naman talaga ako natutuwa kapag may tumatawag ng "mataba" sa akin. I mean, pwede kung kaibigan ko yung tatawag, pero kapag yung di ko ka-close?! Sarap sampalin ng plangganang gawa sa aluminum!
Buti na lang nakaramdam na si teacher. Hinanapan na nya ako ng silya after 15 minutes ko na nakatayo sa unahan thinking of what I'm going to say in front of her class. "Ah.... Dun! Dun ka umupo sa bakanteng silya na yun Ms. Lim. Mukhang wala naman atang naka-upo dun."
"Hi. I'm Lucy." Hay salamat! May natitira pa palang malinis ang budhi dito sa school na 'to. At buti na lang, katabi ko sya. "So, you love Math pala. Nice! Ako kasi hate na hate ko yung Math kung hindi mo natatanong. Buti na lang may makokopyahan ako. Lagi kasi akong bagsak sa Math. Shhh. Haha! So saan ka pala dito sa Batangas?"
Wow. Ha. Hindi ko halata sa maamong mukha ni Lucy eh maalam din pala syang mangopya. At mukhang hap-hap itong si Lucy. Ang gandang bata oh! May dimples! Pinag-pray ko rin yang dimples na yan kay Papa God eh. Kaso "pimples" ata yung narinig nya.
"Ah, Dun ako sa may G.U.V." Infairness, mabait nga sya at medyo madaldal. Magkakasunod kami nitong si Lucy.
"Wow! Ang lapit lang nun sa subdivision namin! I guess pwede tayong mag-hang out paminsan-minsan Donna. Wadoyathink?" With matching taas ng kamay, taas ng mata, at malaking buka ng bibig. Yan si Lucy.
"Wow! That's sound AMAAAAAZING" with palipad buhok pa ako. Syempre papatalo ba naman ako. Sa ganda kong 'to? No way!
"Hahahahaha! You're so funny pala. Nakakatuwa ka naman. So friends na tayo Donna?"
"Sure, friends."
and we shaked each other's hands.
"Okay Class, I think it's 9 AM already. You can take now your recess."
Hindi ko pa rin talaga alam kung paano ako makikihalubilo sa mga estudyante ng sosyal na school na ito. Ang nagkikislapang hikaw, and everything na suot pang-mayaman! Pero eto ako... maganda lang. Alam mo yun? Ang hirap.
Ipinakilala muna ako ni Lucy sa isa pa nyang best friend. "Donna, I want you to meet Belle, my best friend. And Belle, I want you to meet, Donna, my new best friend. Bago lang sya dito sa Stonybrooks. Transferee sya. Go on, shake hands the both of you."
"Hi Donna! You look so cute naman." Hindi ko alam kung panga-asar yung sinabi ni Belle, pero nag-"Hello" din ako sa kanya. Fernes ha, maganda din si Belle. Pero syempre, maganda din ako, medyo mataba lang. O sige na, mataba na ako!
"Hi Belle! Ikaw pala yung kwini-kwento ni Lucy sa akin! Ang ganda mo pala sa personal."
"Naku. Ikaw naman Donna. Nambola ka pa. Pare-pareho lang tayong maganda dito ano ka ba. Haha!"
I love that attitude Belle, I LOVE IT!
"May naikwento na ba ako sa Donna? Parang wala pa ata. Haha! Pero nevermind. I'll be touring you so that hindi ka maliligaw dito sa school namin! Tara! Samahan mo kami Belle!" Hindi naman halatang excited si Lucy at talagang kailangang maging-hysterical kaagad ang reaksyon nya.
"Okay, this is the school court. This is where the students go when something important is going to announce. Dito rin sila umaattend ng P.E. class. And that is the building for 1st year and 2nd year students. Medyo nire-repair pa yung likod part kasi it's medyo pasira na daw. Kaya nga magtataas na naman yung tuition fee next year. Itataga ko talaga yung isa kong kamay kapag hindi nadagdagan yung presyo ng paninda sa canteen pagkatapos gawin yan! Mga kurakot kasi eh. Tapos yun namang building na kinatatayuan ng room natin, that's the building for the juniors and seniors. Oh my gosh?! Have you been to our canteen?! Tara! Let's go! I'm sure you're starving na! Leggooo!"
Parang ako ata yung napagod sa page-explain ni Lucy. Nakakatuwa syang tingnan kapag nage-explain. Ang bait bait nya kahit na mukha talaga syang maarte at mayaman. Nakakatuwang isipin na may kagaya nya pa palang mayaman dito sa mundo. Maganda, mabait, mayaman. Hay, sana naging kagaya nya rin ako. Pero nevermind, maganda din naman ako.
"This is our school canteen. You can smell the bad odor from the kitchen, and the rude canteeners. Yes, they're rude. How come na may bibilhin ka na ang ayos-ayos ng pagkakabigay mo ng bayad tapos ibabato sayo yung binili mo?! Naku! Nakakapagsala. Buti na lang medyo matanda na yang si Tita Rix. (Pangalan nung babaeng magtitinda na super duper mukhang matapang) Diba, Ang soyal ng pangalan nya, bagets na bagets! And do you remember Lucy nung binato nya yung paninda sa 'yo noon? Hahaha!" Madaldal din pala itong si Belle. Talagang magkakasundo-sunod kaming tatlo! Hahaha!
"Never forget Belle! I'll never forget that! Hahaha! So Donna, may natutunan ka ba sa amin? Sana you don't make ligaw ligaw ha? Kasi malaki 'tong school namin at baka mawala ka. Joke lang. Hahaha!"
Luka-luka pala talaga itong si Lucy eh. Para namang ganun na ako ka-boba para maligaw. Hahaha!
*Bell rings*
"Let's go to our room na Belle and Donna, magsisimula na yung next class natin. I'm pretty sure pumasok na ngayon si Sir Tino. Naku! That Economics teacher, grabe! Super laugh trip kapag klase na nya!"
"Leggoooo!" Sigaw ni Belle.
Tapos ako? Nganga lang. Ngumiti. Hindi ko alam kung makiki-"LEGGOOOOO" din ako kasi parang hindi ata yun bagay sa akin.
"Ano ba Jamie, dapat nakiki-'leggoooo ka na rin sa amin. We're friends na right? Say 'leggo'"
"LEGGOOO!" Tinaas ko pa yung isa kong kamay at inuga uga yung buhok ko. Kahit mukha akong shunga, eh push lang! Hahaha!
Habang papunta kami ng room, napansin ko na ang ganda ganda pala talaga ng school na 'to. Parang nakakapanibago. Alam mo na private! Sosyal yung puno, alam mo yun, parang yung puno sa public eh ibang-iba sa puno ng private. Alagang-alaga! At de-aircon pa! Sosyal! Mamumuti ako dito. Push na push ito.
Bago pa ako makapasok sa room namin eh napansin ko kaagad na may lalaking naka-upo sa upuan ko. Tinitigan ko muna pero nakatalikod sya, tapos nung tumagal-tagal, aba! Pinapake-alaman yung mga gamit ko! At hawak pa yung diary ko! Waaaaaaaaaaa! Walang ibang pwedeng makabasa ng diary na yun kundi ako lang! Edi syempre tinakbo ko ang napakalawak na classroom na ito para lang hindi nya mabuksan yung diary ko. Tapon armchair, tulak classmate at sampal sagabal. Yan yung ginawa ko para lang makapunta kaagad sa upuan ko. Yung sobrang bilis. Kumbaga parang si The Flash na tumatakbo. The Flash na babaeng version. Yung Matabang-Babaeng-The Flash Version.

BINABASA MO ANG
My Big, Fat, Heavyset Princess
Teen FictionDonna is a high school senior dealing with many of the same stresses most Filipino teens: friends, money, love. But, Donna has one stress that many of her classmates don’t. She is fat. In fact, she has no boyfriend since birth because of her size. W...