Chapter 3

312 6 0
                                    

Unang araw ko sa eskwelahan. Araw na dapat ay nakikipagkaibigan ako. Araw na dapat nagiging mabait ako. Pero hindi. May nakaaway kaagad ako. Ang masaklap, sikat, mayaman at heartrob yung nakaaway ko.

"Hindi ko sinasadya!" Yan na lang yung mga bagay na lumabas sa bibig ko nung nalaman ko na anak mayaman pala yung nakaaway ko. Ang malala, nabugbog ko ata ang gagong 'to.

Dinala namin si Jacob sa clinic. Binuhat sya ng dalawa naming kaklase na halatang kinakabahan rin sa mga nangyari. Kitang-kita ko sa lahat ng estudyante sa room namin ang pagkakaba. Ang OA naman nila, sa tingin ba nila mapapatay ko sya o magkakaroon sya ng amnesia ng dahil sa simpleng pagkakahampas ko sa ulo nya gamit ang libro. Duhh. Mayayaman nga naman. Ang arte.

Nasa loob kami ng clinic habang hinihintay naming magising sya. Nilagyan lang yung noon nya ng yelo na nakabalot sa tela. Ganun na ba kalakas yung mga kamay ko para mahimatay sya ng ganun?!

"Lagot ka Ms. Lim. Napatay mo ata si Jacob." kunsensyahin ba naman ako ng isa sa mga tropa ni Jacob? Sus. Kahit mamatay pa yan, wala akong pake! Haha!

"Wala akong pake. Sya naman kasi eh. Ayaw pa nyang ibigay yung gamit ko. At akalain ko ba naman na lampa yan? Pfft." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Huy Jepoy! Gumagalaw na si Jacob!" sabat ng tropa nyang si Oliver.

"Tropa, naalala mo ba kami?!"

"Huy Jacob, kami 'to ang tropa mo. JACOOOOOOB!" at may hagulgol effect pa ang mga gago. Ang o-OA ha.

Bumangon na si Jacob. Hinimas himas nya muna yung noo nya at halata sa mukha nya na nasaktan sya sa pagkakahampas ko sa kanya. Buti nga sa kanya!

Nagsimula ng magsalita si Jacob. "Ikaw? Bakit nandito ka? Sino ka ba ha? Eh first time mo lang dito sa school ko ah. Ang lakas naman ng loob mo." Pansin ko na hirap pa din sya sa pagsasalita dahil sa tindi ng pagkahampas ko sa kanya.

At syempre, hindii naman ako magpapatalo. Ako naman talaga yung naagrabyado dito eh. "Hoy! Ikaw ang nanguna. Eh ano naman kung transferee lang ako? Eh nagbabayad naman ako ah. Tsaka wala akong pake kung school mo 'to. Ang yabang mo!"

"At ako pa ha?! Ako pa ngayon ang may kasalanan?!" Tatayo sana si Jacob at mukhang aawayin nya ako ulit. Buti na lang nahawakan sya ng dalawang lalaking kasama namin sa clinic.

Bago ko pa mabitawan ang mga huli kong salita, may nakasilip kaagad na teacher sa may bintana at sinutsutan kami. Wag daw kaming maingay at nakakagambala daw sa mga teachers dahil sa kaingayan namin.

"You'll pay for this!" Pagbabanta sa akin ni Jacob. Sabay kuha sa bag nya at padabog na lumabas ng pinto.

*Jacob's POV*

"Damn that girl! Ang kapal ng mukha nya para hampasin at ipahiya ako sa buong klase kanina. Akala mo kung sino! Kakabdtrip!" At isang trash can na malapit sa akin ang napagbuntunan ko ng galit sa sobrang inis ko sa baboy na yun.

"Hindi nga Jacob eh. Tawa kami ng tawa kanina." Sagot ni Jepoy. "Ang cute nyo kayang tingnan kanina. Para kayong lovers na naga-away."

"Oo nga! Haha! Kahit yung ibang section nakinood din sa laban nyo! Haha! Ang cute nyong tingnan. Pati kanina sa clinic? Grabe! Para kayong aso't pusa! Haha!''

Mapang-asar talaga 'tong mga gagong 'to. "Ano? Aso't pusa? Ako matatanggap ko na aso ako. Pero sya? Pusa? More like baboy pwede pa."

"Bakit ba galit na galit ka ha? Eh hindi ka naman masyadong nasktan eh. Mas masakit pa nga yung mga nasabi mo kay Donna kung tutuusin eh" tanong sa akin ni Jepoy.

My Big, Fat, Heavyset PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon