The Days are Numbered 1

80 4 5
                                    

This story is based and inspired from the movie 28 Days Later... The characters, places and the happenings is made from the author's imagination only. Do not plagriaze... Thanks for your cooperation and consideration.. This story can happen in real life so Happy Reading!  -MissyAuthor♥♥

Kara's POV (Animal Activist)

Naglalakad na kami ngayon nina Carl at John patungo sa silid kung saan itinatago ng laboratoryong toh ang mga kawawang chimpanzees. Giniba na lahat ng mga tauhan namin ang mga CCTV cameras ng gusaling ito. Nang makapasok kami sa loob ay di ko masikmurang tignan ang mga kawawang chimpanzees. Napatakip nalang ako sa bibig ko.

"What the f*ck....." mura ni Carl. Nakalagay sila sa isang malaking plastic na hawla at nagwawala na parang mga baliw. Kinuhanan namin ito ng litrato para may maipakitang ebidensiya sa mga kinauukulan.

Nilibot namin isa-isa ang buong kwarto. Nasindak kami ng may makita kaming isang malaking chimpanzee na nakahiga at nakaposas ang mga kamay at paa, may mga maliliit na telebisyon ang harapan nito. Napamura nalang ako ng makita ko ang palabas sa mga malilit na telebisyon.

"Sh*t" mura ko. Mga taong nagpapatayan at mga sibilyang nakikipagbarilan sa mga sundalo lang naman ang palabas. Ang walang muwang naman na Chimpanzee ay nanonood. Ano ba tong ginagawa nila?

Cracckkk...

Napatingin kaming lahat ng may narinig kaming tunog mula sa likod. May nakita kaming isang siyentipiko. Nanginginig ito at dali-daling tumakbo papunta sa telepono. Hinabol naman ito ni John.

"Security may mga nakapasok dito....." dali-daling inagaw ni John ang telepono at pinatay. Itinaas niya ang kanyang hintuturong daliri at iniwagayway. Nagsalita naman ang siyentipiko

"Alam ko kung sino kayo at bakit kayo narito..." sabi ng siyentipiko habang nanginginig sa takot

"Kaya tumahimik ka kung ayaw mong madamay" bala ko sakanya. Tumango naman siya dahan-dahan. "Pakawalan na yan" utos ko ni Carl..

Nagpumiglas naman bigla ang siyentipeko at nagsalita "Huwagg!!!"

"At bakit naman? Gusto mo bang madamay?" bala ko na naman sakanya. Nagsalita naman siya "Hindi..Infected kasi silaaa..."

"Infected ng ano???" tanong ni John habang kinukwelyuhan ang siyentipiko. Kumalma naman ang siyentipiko at nagsalita "Ng Rage"..

Hindi pinansin ni John ang sinabi ng siyentipiko at nagsalita "Pakawalan mo na yan..." Binuksan naman ni Carl ang hawla habang ang siyentipiko ay nagwawala. Dali-dali namang tumakbo ang mabangis na unggoy palabas at inatake si Carl.

"Ahhhhhh! lumayo ka sakin!" sigaw ni Carl habang inilalayo ang unggoy. Nanginig ang buong katawan ko ng kinagat ng unggoy si Carl. Dali-dali namang tumakbo ang unggoy palayo samin. Laking gulat ko nalang ng sumuka ng dugo si Carl sa sahig.

"Carllll" sigaw ko sakanya. Dali-dali namang kumuha ng tubo ang siyentipiko at nagsalita "Kailangan na natin siyang patayin!!" lumapit ang siyentipiko ni Carl at akmang hahampasin ngunit bigla itong humarap at dinuwalan siya ng dugo. Napahiga naman ang siyentipiko at nangisay. "Tulungan niyo koooooo...Ang init!!!" hirap na hirap na paghingi ng tulong ni Carl. Napansin kung pumula ang puti ng mata niya. Tumakbo naman si John patungo ni Carl.

"Carl okay ka lang ba pre?" tanong ni John habang inakay si Carl. Nakita kung yumuko si Carl at inangat ng konti ang ulo niya. Binuksan niya ang kanyang bibig at walang awang kinagat si John sa leeg.

"Karaaa!!Tulungan mo koo!" sigaw niya habang patuloy na kinakagat ni Carl. Nakatayo lang ako dito at tinitignan ang paligid. Sana nakinig nalang kami kanina  sa siyentipiko. Dahil samin dito magsisimula ang katapusan. Nakita kung may papalapit sakin. Pamilyar siya. Siya pala ang siyentipiko...Palapit na siya ng palapit. Bakit nag-iiba ang mukha niya? Paglapit niya sakin ay dinakmal niya ako at "AHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Ipagpapatuloy...

Vote.Comment.Share

The Days Are Numbered and The Due Date Is Set

28 Days Later (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon