PATAY NA GULAY

23 0 0
                                    


Ang liwanag ng araw na dumadampi sa aking balat,
Nagpapaalala na ako'y hindi nag-iisa.
Ngunit sa paglubog ng nagsisilbing pag-asa,
Kislap ng mata ay kusang nawawala.

Hindi ko mawari—
Lalong hindi ko batid,
Kung bakit ba ako sa iyo ay napaibig?
Ang dating timba na puno ng hagikhik,
Ay agad na napalitan ng dugong mapait.

Kulay ng bahagharing naging simbolo ng buhay,
Agad na ginatungan ng abong nakamamatay.
Ang dati kong buhay na maayos at matibay,
Ngayon nama'y biglang nagkagutay-gutay.

Mayro'n lamang akong nais malaman,
Kung ang halaga ko ba ay pinahalagahan?
Kung wala ba siya'y mapagbibigyan
ang sinasabi mong pagmamahalan?

©cheyonnibapps||2017

Fileiana PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon