Chapter 6 - Enchanted

1 0 0
                                    

   Seriously? Do I really need to attend that party? Dang! eh wala naman akong matututunan don! Nandito ako para mag-aral. Sheez! Wednesday na ngayon, sa Friday na yung aquaintance. WTH. At double Sh*t lang. Hindi daw papapasukin sa gate ang hindi nakapang fairytale outfit.

Nandito ako sa kwarto, iniisip kung bakit pa ba naimbento yang party nayan. Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa sobrang frustration. Ano namang gagawin ko sa party na yun?

Inabot ko yung phone ko na nakpatong sa bedside table. Nag log-in ako sa facebook. Matamlay kong inilapag ulit yung phone ko nang makitang wala pa rin siyang message.

Nagsawa na siguro siya. Kahit pa  ako yung may gustong tumigil na siya, di ko pa rin maiwasan malungkot. Nasanay na ako na mabasa yung messages niya araw-araw. Ang laki pa rin ng epekto niya saakin.

Napabuga nalang ako ng hangin. Kinuha ko sa bag ko yung Toble na nakuha ko nanaman sa motor ko kanina nung pauwi na ako. Binuksan ko iyon at sinimulan na kainin. Kung sino man nagbibigay nito, nagpapasalamat na ako sa kaniya. Bukod sa nakakalibre ako, comfort food ko to eh. Kaso medyo creepy din eh, stalker ba siya? Pano niya ba nalaman na ito ang gusto ko?

******

Habang naglalakad ako sa corridor, may mangilan ngilan na napapatingin saakin. Mamaya na yung party. I have no other choice, kailangan ko umattend o walang pirma ng student council ang clearance ko. Buti wala ngayon si Celine, busy siguro sa paghahanap ng isusuot mamaya. Biti nalang at walang mangungulit saakin. Naaalala ko lang sa kaniya si Mariz.

Kumusta na kaya yung babaeng yun? Andami niya din messages sa fb ko ha. Pero di tulad kay Ghel, nirereplyan ko siya minsan para sabihin na ok lang ako. Hanggang ngayon clueless din siya kung bakit ako nagkaganito.

"Ano kaya isusuot niya mamaya?"

"I'm sure center of attraction nanaman siya."

"jshdkdksbsismsndks."

Narinig ko na nagbubulungan yung mga estudyanteng nadadaanan ko. Yung iba hindi ko maintindihan.

Napayuko ako. Nahihiya ako. Hindi nila ako pwedeng hangaan. Mukha ko lang ang hinahangaan nila. Kung malaman lang nila ang mga nangyari saakin sigurado na hindi sila ganiyan kapag nakikita ako. Baka imbes na puro papuri ay puro kutya ang abutin ko. I'm hopeless!

Nagpatuloy akong naglalakad jmhabang nakayuko. Malapit na ako sa parking lot nang may mabangga ako. Alam kong lalaki yon dahil sa suot niyang sapatos at amoy ng pabango.

"S–sorry." sabi ko at hindi na nag- angat ng tingin sakaniya. dire-diretso lang ako sa motor ko.

Nangunot naman ang noo ko nang may makita nanaman akong plastic na nakasabit doon. Alam kong chocolate ang laman non pero tiningnan ko pa rin. Malamig pa yun kaya alam kong bagong lagay lang. Sino ba talaga naglalagay nito? Inilibot ko ang paningin ko, wala naman ibang tao dito sa parking lot. Bukod saakin–

"Ay sh*t!" napatakbo ako pabalik kung saan ko nabangga yung lalaki kanina. Di kaya siya yun? Siya lang yung galing dito bago ako dumating. Paano ko nan siya makikilala eh nakayuko ako kanina?

Naglakad na ulit ako pabalik sa motor ko. Napakunot nanaman ulit ang noo ko. Ngayon ko lang napansin na may isang stem ng red rose sa upuan ng motor ko. May nakalagay pa na note. Binasa ko kung anong nakalagay..

'See you later at the party. Smile :)'

D*mn it! Di na ako natutuwa. It's creeping me out! Kinikilabutan ako, paano kung may binabalak yun saakin mamaya? Napaparanoid nanaman ako. Nagsisimula nanaman yung phobia ko. Nah!

Is it too late?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon