Chapter 7 - Found

1 0 0
                                    


"Nik-nik?"

Itinulak ko siya nang matauhan ako. Anong ginagawa niya dito? Pano niya nalaman kung nasaan ako?

"How are you?" he said while staring at me.

"Ah hija, aakyat na muna ako ha? kanina pa yan nandito. Sabi ko nga bumalik nalang siya bukas, nagpumilit naman na hihintayin ka nalang niya." Tumango ako kay tita. Hindi naman talaga pwede bumalik si Nik-nik dahil five hours ang biyahe papunta dito. Siya lang mag-isa nag drive papunta dito?

"C'mon, upo muna tayo." Pagyaya ko sakanya. Naupo ako sa single sofa. Umupo naman siya sa katapat ko. Tinitigan ko siya.

"I missed you too." I told him. Napaiwas siya ng tingin, napansin ko ang pamumula niya.

"You're turning red again Nik-nik, napacheck-up mo na ba yan? Diba last time sabi ko sayo magpa-check up ka na? Lalo siyang namula. Oh my God! I knew it!

"Your blushing Nik-nik!" hindi na siya tumitingin saakin. Dinampot niya yung throw pillow tapos itinakip yun sa mukha niya.

"N-no i-it's just that h-hot." sabi niya habang nakatakip pa rin ang mukha.

Hinila ko yung unan na pinangtatakip niua sa mukha. "Look at me." tumingin naman siya "Are you really ok?"

"Yes Yani." he smiled "Sh*t this is awkward."

"Now tell me. How did you know where am I?" Mataman ko siyang tinitigan. Wala siyang alam na nandito ako. Sila mommy at mommy niya lang ang may alam kung nasaan ako. Nakiusap ako sa kanila na wag sasabihin sakanya kung nasaan ako.

"I'm sorry. Alam ko na ayaw mong ipaalam kung nasaan ka. Di ko naman sinasadya malaman eh, narinig ko lang sila mommy at tita nung nag-uusap kaya nalaman ko kung nasaan ka." Nagbuntong-hininga siya. "Sorry, ayaw mo ba na nandito ako? I can leave if you want." he look sad while saying that.

"No. I'm sorry too. Nabigla lang ako na nandito ka. I didn't expect you here." Lumiwanag naman ang mukha niya pagkasabi ko nun. Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa.

"What's with the outfit?" Ah sh*t di pa pala ako nagbibihis. "Mukha kang gangster na fairy. Pero bagay sayo." He said while smiling.

"Acquaintance Party." I simply said. Tinanggal ko na yung pakpak ko at hinubad na din yung boots. Hinilot hilot ko yung paa ko, mediyo sumasakit dahil may heels din yung boots.

"You've changed." he said. Napayuko naman ako. "Gumanda ka lalo Yani."

"Pain makes people change." napatitig siya sa akin. "But nah! I'm still Yani...." sinalubong ko yung titig niya. ".. your bestfriend." I smiled. May gumuhit na kalungkutan sa mga mata niya pero agad din iyon nawala.

"Hindi ka na madaldal." masigla niyang sabi. "Siguro ako naman dadaldal sayo?" he laughed. "Okay ka na ba ngayon?"

Is it too late?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon