Chapter 3 You?!

33 6 1
                                    

A/N: Jeon Jungkook at the media♡

~Crystal's Point of View ~

"Keira, Alam mo ba kung nasaan yung Special A Room?" Tumingin silang tatlo sa akin at

"Yehey, Magkakaklase tayo! Yuhoo!!!" Tili nang dalawa maliban kay Keira

"Wait,ikaw may-ari nitong School diba? Edi dapat alam mo?"tanong ni Keira

"Isang beses lang ako dito nakapunta dahil pinakilala ako ni mama noong bakasyon, lilibutin ko na sana ito para hindi na ako mahirapan alamin itong mga pasikot-sikot dito pero kailangan padaw akong ipakilala sa ibang bussiness partner ni mama, kaya hindi na ako nakapag-libot" mahaba kong litanya sa kanya at hinila nila ako bigla

"Ummh, saan tayo pupunta?" Tanong ko

"Diba nagtatanong ka kung saan ang Special A Room? Doon tayo pupunta." Sagot nila

Hindi nalang ako sumagot at hinayaan nalang silang supalpalin ako sa sahig, de joke lang hilahin pala

(A/N:* insert face palm*)

Habang naglalakad kami sa corridor may nakita kaming nagkukumpulan na mga kababaihan.

"Sila na naman" narinig kong bulong ni Keira

"Sino?" tanong ko sakanya

"Wala, alikana" tumango nalang ako sakanya

Hindi pa kami nakakatalikod nang may tumawag kay Keira.

"Keira, my labs" sigaw ng lalaki habang papalapit sa amin, sumunod naman sa kanya yung isa niyang kasama

Pinagpatuloy nalang ni Keira ang paglalakad ni hindi man kami hinintay at hindi man lang niya pinansin ang tumawag sa kanya.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na lumungkot ang mukha ng lalaki, tinapik naman ng kasama niya ang kanyang balikat para mapagaan ang loob nito

Hinayaan ko muna ito at tumakbo kay Keira na medyo malayo na sa amin

Sumunod naman sa akin yung dalawa

"Keira, hindi mo ba siya papansinin?"tanong ko sakanya ng makalapit kami sakanya

"Tsk, pag-iinitan lang ako ng mga babae kung papansinin ko pa yang kutong lupa na yan." Sabi niya at nginuso ang mga babaeng nasa gilid na nanonood sa amin

Oo, nga, ang sasama ng mga tingin eh

"Alikana nga, pumunta na tayo sa room natin, malate pa tayo." Singit ni Anica para hindi na matuon ang tingin ko sa mga babae

"Wow, himala Anica, may natutunan ka na, may pake ka na sa oras" sabi ni Jane

"Hahahahaha" kaming tatlo habang naglalakad sa corridor papuntang room.

Umirap lang sa amin si Anica at nauna ng naglakad.

"Hoy, Anica joke lang yun, ikaw naman di mabiro" sabi ni Jane

"Okay!" Hyper niyang sabi at hinila kaming tatlo

Nasa tapat na kami ng room nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang aming adviser na si Mrs. LOL...

(A/N: Anong LOL? League of Legends? Hay nako ikaw talagang babae ka, pagpapakilala na nga lang sa adviser mo ganyan pa. Tsk,Tsk,Tsk.)

"Mrs. LOLita ang sinasabi ko noh.Tumahik ka na nga Mrs. Author! Ay Ms..."

(A/N: Hoy anong Mrs. ka diyan, ikaw babae ka para malaman mo NBSB ako, asawa pa kaya!)

"Ayan na naman eh, hindi pa nga ako tapos magsalita sabat na ng sabat.Hay nako, ewan ko sayo"

Okay back to R-E-A-L-I-T-Y

Nagbow muna sa amin si Mrs. Lolita bago kami pinapasok.

Dumeretso na sila Keira,Anica, at Jane sa kani-kanilang respective seats kaya naiwan na lang ako dito sa harap.

"Young..."Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mam nang tiningnan ko siya ng wag mong sasabihin look kaya tumango na lang siya

"Okay, introduce yourself" sabi na lang ni Mam

"Annyeong.... I mean Hi, my name is Crystal, 17 years old" hindi ko na sinabi full name ko baka malaman nila

"Okay, seat next to Mr. Montebello. Mr. Montebello? That boy, Tsk"sabi ni Mam hindi ko na lang ito pinansin dahil kating kati na akong umupo kaya tiningnan ko kung saan yung tinuturo niya.

Nakita ko naman ang bakanteng upuan malapit sa bintana, Oh thank you Mam that's my favorite spot.

Nasa kalagitnaan na ng pagtuturo si Mam ng biglang bumukas ang pinto. Ang bastos nito ah ni hindi na nga lang kumatok sinira pa ang discussion ni Mam na favorite subject ko pa naman ang tinuturo.

"Kyaaaaaaaaaahhhhh!" Tili ng mga babae na kinikilig pa. Anyari dito? Muntik na ngang masira yang pintuan, pagtitilian pa, ano yun may gusto sila sa pintuan.Tsk

"Stop!"pigil ni Mam

"Mr. Montebello wala ba sa bokabularyo mo ang kumatok hah?" Sermon ni Mam

"Tsk" ay bastos to ah

"Umupo ka na, itutuloy ko pa discussion ko" sabi ni Mam

Nang humarap ang lalaki nanlaki ka agad ang mata ko
O_O

"YOU?!"

~~~~~
Annyeong readers, sorry dahil sa sobrang tagal kong pagu- update nitong storyang to dahil sa maraming dahilan.

Readers parequest naman oh, pwedeng pa follow ako, please, thank you.

~~~~~ Crystalynix ~~~~~

Perfect Lady Where stories live. Discover now