Rush

39 2 0
                                    

RUSH

NAPAINGOS na lamang si Kara sa nakitang binatang may kasamang magandang dilag sa isang bench, ilang metro ang layo sa p'westo niya. Umasim pa lalo ang timplada ng kaniyang mukha nang magtawanan ang dal'wa at halos langgamin na sa ka-sweet-an.

Mayamaya pa'y umihip ang isang banayad na hangin, dahilan upang matakpan ng ilang hibla ng mahabang buhok ng dalaga ang mukha nito. Inilahad ng lalaki ang isang kamay sa mukha ng dilag at may ngiti sa labing hinawi ang mga buhok na nakatabing. Isang matamis na ngiti ang isinukli ng dalaga sa ginawa ng binata kapagkuwan ay pabirong tinampal ang noo nito na siyang ikinahalakhak ng huli.

Gumapang ang pamilyar na mapait na sensasyon sa bawat himaymay ng pagkatao ni Kara at muling napaingos.

"Men," puno ng pagkadisgustong aniya. Umiiling niyang ipinagpatuloy ang naantalang paglalakad papuntang parking lot ng unibersidad.

Kunot pa rin ang noong natigil muli siya sa paglalakad nang tumunog ang kaniyang cellphone sa bulsa ng blusang uniporme. Agad niya iyong sinagot nang mapagsino ang tumatawag.

"Oh?" bungad niya sa kabilang linya.

"Kara, nasaan ka na ba? Kanina ka pa hinintay rito ng management! Nag-aalburoto na sila, Kara. Anong gagawin ko rito? Kanina ka pa nila hinahanap sa akin!"

Mas lumalim ang mga gatla sa kaniyang noo nang marinig ang nagpa-panic na tinig ng tumawag. Tumikwas ang kaniyang kilay at tumalim ang mga mata dahil sa panibagong bugso ng inis na namumuo sa kalooban niya.

"Sabihin mo sa mga walang-hiyang organizer ng event na iyan na hindi nila pag-aari ang oras ko, okay? Sabihin mo diyan sa head nila na kung 'di nila magawang mag-adjust sa schedule ko bilang estudyante ay mabuti pang magsimula na silang mangalkal sa ibang modelling agency ng pesteng bagong modelo nila. Dahil unang-una sa lahat hindi ko naman ginustong mag-modelo ng bwiset nilang produkto!" nanggagalaiting aniya rito.

Napasinghap ang kaniyang kausap. "Ano na lang ang iisipin ng Auntie mo"

"Screw that, old lady," she interjected, rolling her eyes as she suddenly had been reminded by the one who put her on such nerve-wrecking situation. "Tell them as well that I follow my own schedule and they're not in my top priority list." Muling napasinghap ang nasa kabilang linya.

Papatayin niya na sana ang tawag nang biglang may ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Napangisi siya ng mala-demonyo at muling inilapat ang cellphone sa tainga.

"Kara naman, ako nito ang malalagot sa Aunt "

"I got your back," sansala niya sa sinasabi ng kausap. "And oh, please do tell them that I'm no longer in the mood to do the shooting. Ciao!"

"Kar"

Kara turned off her phone and shove it inside her Louis Vuitton shoulder bag. Tila abong nilapad ng hangin ang hindi magandang moda niya kanina dahil sa malapad na ngising ngayo'y nakapaskil sa kaniyang mga labi.

Taas-noo niyang muling ipinagpatuloy ang paglalakad sa parking lot ngunit wala pa yatang isang minuto ay may lalaking humarang sa kaniyang harapan. Awtomatikong nalamukos ang kaniyang mukha.

What the freaking hell is wrong with people today? Tiim-bagang na tanong niya sa isipan saka masama ang tinging tiningala ang mukha sa humarang.

Nang mapagsino ang taong iyon ay walang sabi-sabing umigkas ang kaniyang kanang kamao patungo sa mukha nito. Ilang pulgada na lamang sana ay dadapo na iyon sa panga nito ngunit agad nito iyong naiwasan, kung kaya't sa hangin lamang iyon humalik.

Deep Within (One Shots and Excerpts)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon