Chapter 3: Sick Reid

62 5 2
                                    

‘Tok tok’ ‘Tok tok’

Nagising ako sa katok sa pinto. “Shane!” Si Kuya? Anong oras naba? Pagtingin ko sa bedtable ko 6;30 na. So it means..

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah” Malalate na ako! Tumayo na ako at pinagbukasan si Kuya ng pinto. Nakauniform na ito. At handa ng pumasok. “Di kapa naliligo? Ang kupad mo talaga, bilisan mo sabay na tayo pumasok” Huh? Sabay kami pumasok? Aba! Aba! Tska kupad daw?

“Good morning too ZAYNPAYATOT!” sagot ko at tumakbo sa Cr ng room ko. Hhahahah! Payatot kasi. Gaganti ako mamaya, akala niya! :D

“Mommy, aalis na po kami ah?” Ako with kiss pa kay Mommy! “Okay, ingat sa pagdrive Zayn ha?”

“Okay Mom, tara na kupad!” iniwan ako ni Kuya, sumakay na siya sa kotse niya. Di manlang ako hinintay!

“Your so bad, Kuya!” sabi ko at sinara na yung pintuan ng kotse. Nagdrive na si Kuya.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah bagalan mo naman magdrive Kuya!” Hindi niya ako pinansin pinagpatuloy parin nya yung pagdridrive nya. Gusto ko ng lumabas. Huhuhu! Gusto ko pa mabuhay! Oh Lord! ~

“Shane” Seryosong sabi niya. “Oh bakit Kuya?” tumingin siya ng saglit sakin. Tapos hininto na niya yung kotse. “Favor?” Nako. Kaya naman pala eh. “Oh ano ba yon?” tapos tinuloy niya yung pagdridrive.

“Gigimik kami mamaya ng Barkada ko” sagot niya habang nakatingin sa daan. “So ano naman? Edi gumimik kayo!”

“Hindi sa ganon Kupad!” Tae naman e. Kupad daw. “A-YO-KO” ayos na sana e. Ayos na talaga e. Kaso tinawag niya akong KUPAD e. Asar eh!

“Okay, okay!” sabi niya. “I mean gigimik kami, baka gabihin ako. Ikaw na bahala gumawa ng excuse kay Mommy ha?”

“oo na, may magagawa pa ba ko?” wala naman talaga e. Si Kuya Zayn pa? Malakas sakin to eh! Kahit ang lakas mang-asar!

“Sabi mo e, kaya sayo ako Kupad eh”

“Anong KUPAD?, binabawi ko na! Ayoko na!”

“Wala na e. Nasabi mo na! Hahahahahahha!” Tas nagtatawa siya don! Habang ako asar na asar. Pansin ko ang bilis ko maasar. (\-______-/) Itinigil ni Kuya yung kotse. Bumaba na sya. Pagtingin ko na sa parking na pala kami ng school. Grabe, hands down talaga ako kay Kuya. Kita mo yon? Ang bilis naming nakarating sa school. Ang bilis niya talaga magpatakbo ng kotse. Siguro makikipag Car Racing lang siya mamaya e, kaya gagabihin kuno pang sinasabi!

“PANDAK, labas na dyan. Bilis. Late na ko” Nabuhay ang wisyo ko sa narinig. Fhudge. Oo nga pala. Late na nga ako nagising kanina e. Lumabas ako at naglakad na. Iniwan ko na si Kuya don. Hahahahaha!

Exactly 7;10 nakapasok ako sa room! Success! Di pa late. May 20 minutes pa para magbasa. Hilig ko talaga magbasa ng mga books. Lalo na yung A Walk to Remember? Ang ganda talaga non! Naka 15 times ko na nga atang nabasa yon e. Nakakaadik!

“Transferee?”

“Oh?”

“Gwapo ata? Basta ewan.”

“Galing Canada daw eh?”

“Oh? Edi Canadian teh?”

Don't you DARE..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon