Chapter 7

38 21 10
                                    

I recommended to read this chaptie while listening "Shape of you and Say Something (Nightcore Version)". -Author

Ray Ann's POV

Nagpaalam muna ako kay Xyrel na magrerestroom lang ako sa totoo lang kanina talaga nagulat ako kaya natulala ako, pero ngayon hindi naman na ako natameme siguro nga dala lang nga nang gutom. Bumalik na ako sa table namin ni Xyxy.

"Tara na? " tanong ko
"Sige, pero may dadaanan muna tayo," sabi nya
"Oh sige, saan ba 'yan? " tanong ko
"Basta," sabi nya


Naglakad kami sa kung saan. Hanggang sa makarating kami sa boutique, pumasok kami do'n sa loob at may nagtanong sa kanyang babae -,-

"Sir Pogi po? " malandi nitong sabi

"Its Shin miss not pogi" sabi ni Xyxy


Buti nga sayong babae ka.. HAHAHAH


"Kukunin kona miss" sabi nya


Ano kayang kukunin nito? Tss, sinama pa'ko. Pero may inabot sya sa'king T-shirt na itim na may nakaprint na 'I love my BBF' tapos sa kanya naman ay 'I love my GBF"

"Wow!!! Ang ganda Xyxy ah!! " sigaw ko

"Syempre para naman sa pinakamaganda kong bestfriend," sabi nya

"Sus naman, alam ko na 'yan matagal na late updated kana kaya," pabiro kong sabi

"Humangin bigla," natatawa nyang sabi

"Tara na nga, maggagabi na," sabi ko

"Sabi ko nga po," sabi nya



Tinakbo na namin papuntang parking lot dahil maggagabi na rin.


"Sakay na'ko Xyxy," paalam ko
"Sige ingat," sabi nya

Pumasok na ako sa kotse ko at pinaandar ito....

***

"Nandito na ako mom," sabi ko
"Kumain ka na ba anak? " tanong nya
"Ok na po mom, matutulog na po'ko," sabi ko
"Sige 'nak, good night," sabi nya

Umakyat na'ko sa kwarto...

***

"Nak gising na," sabi ni mom
"Ayoko pa po," sabi ko
"Sabi ng friend mo, sabay na daw kayo," sabi nya

"Friend? Eh? Sabihin mo mom wala akong friend. Sino ba sya??!" irita kong sabi

"Xyrel daw nak," sabi nya

"Huh? Xyrel mom?! " gulat kong tanong

"Yes," sabi nya


Bumangon agad ako.


"Sabihin mo mom 15 minutes," sabi ko

"OK." 


Pumasok ma agad ako sa banyo at madaliang naligo. Nag-apply lang ako ng light make-up then bumaba na.

"Good morning bestfriend," bati nya

"Halikana, dapat kasi hindi mo na ako dinaanan," sabi ko

"Ok lang 'yun," sabi nya

"Tara na nga, hmm.. dala mo ba kotse mo? " tanong ko

"Actually, dinala ko talaga, para do'n ka na rin sumakay," sabi nya

"Ahh sige sige," sabi ko



Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse nya, pumwesto ako sa passenger's seat. Tss ambagal nyang magpatakbo, nakakaboring.. After 100 years nakarating na din kami sa Xesters, grabe ambagal nyang magpatakbo...

"Hoy sabi ko nandito na tayo sa Xesters, ano ba iniisip mo dyan at tulala ka? " tanong nya
"Ah wala wala," pagsisinungaling ko

Bumaba na'ko ng kotse nya... Pumasok na kami sa Xesters, samut-saring bulungan ang narinig ko, naramdaman ko nalang na hinawakan ni Xyrel ang kamay ko.

"Bestfriend wag mo nalang silang intindihin," bulong nya

Tsk. I can handle it by myself. Anong akala nya sa'kin mahina. NO -,-

"Hatid na kita sa room mo," sabi nya

"Sige."

Naglakad na kami papunta sa Section-A.

"Sige una na ako," sabi nya
"Ingat ka." 


Pumasok na ako sa room ko.

"Tingnan nyo nga naman, ahas talaga," parinig ng kaklase ko


Hindi ko nalang sila pinansin dahil hindi ako pumapatol sa mga ipis na katulad nila. Pumasok na si Sir Delavega.

"Good morning class," bati nya

Tss.. Boring amputs

*Ring Ring*

Lumabas na ako sa room...

"Hi bestfriend," bati ni Xy

"Low," matamlay kong tugon

"Bakit matamlay ang bestfriend ko? " tanong nya sabay akbay sakin

"Pake mo ba.. Aalisin mo 'yan o ako ang mag-aalis nyan? " irita kong tanong

"S-sorry na," sabi nya

"Didiretso ako sa library," sabi ko

"Di ka kakain? " tanong nya

"Obviously tss," sabi ko

"S-sige," sabi nya


Naglakad nako papuntang library, sa tutuusin lang wala akong gagawin dito sa library kaso kakaantok eh dito nalang ako matutulog. Naghanap na'ko nang table na walang nakaupo... Boom!! Huli ka, nilagay ko na ang bar ko at natulog.

Xyrel's POV

Bakit kaya ganun ang inasta ni Ray Ann? Siguro masama lang ang pakiramdam nya. Bibilhan ko nalang sya ng sandwich baka magutom sya. Naglakad na ako papunta sa library dala ang sandwich at juice na binili ko para sa kanya. Pagkapasok ko ay bumungad sa'kin si Ray Ann na natutulog.. Shocks, pagod na pagod sya. Nilapat ko ang palad ko sa kanyang noo, grabe sobrang init nya. Di kasi nakabukas ang aircon.

"Ma'am pwedeng pabukas po ng aircon ng library? " tanong ko
"Sige po sir," sabi nito


Bumalik uli ako sa pwesto ni Ray Ann, mahimbing parin syang natutulog, nilapat ko uli ang palad ko sa noo nya.. May lagnat nga sya.

"Ray Ann.. " tawag ko

"Oh? " tanong nya

"Kainin mo muna 'to," sabi ko

"Huh? " tanong nya

"Kainin mo 'to para mahatid na kita sa inyo," sabi ko


Binigay ko ang sandwich at juice na binili ko. Mabuti ay kinain nya 'yon pero unti unti lang.

"Tara na," yaya ko

Kinuha ko ang bag nya at naglakad kami papuntang parking lot. Pinasok kona sya sa loob ng kotse ko ako naman ay nagdrive papunta sa bahay nila.








Xesters Academy (#TheLuxAwards2017)Where stories live. Discover now