#9- Ako to

13.3K 468 6
                                    

Ako to


Ngayon ang opening ng foundation day. Hindi pumunta sa practice kahapon si George. Nagtext siya sakin na masama daw ang pakiramdam niya at magkita nalang kami ngayon total naman daw na-practice naman na namin ng ilang beses yung kanta.

"Nakita niyo si George?" Tanong ko sa mga kaklase niya pero umiling sila at sinabing hindi daw nila nakita.

Pumunta na ko sa backstage dahil ilang minuto nalang ay kami na dapat ni George ang kakanta.

"Pare ano dumating na ba?" Tanong ko kay Genti. Umiling lang din siya. Na-isip ko kasing banda nalang namin ang tutugtog tapos pero kami ni George ang kakanta. Pano kung hindi dumatinh si George? Bahala na.

Hinawakan lang ako ni Glenn sa balikat at inaya papuntang stage nang tawagin kami.

"Hay salamat! Nakahabol pa ko. Ano tayo na ba?" Napalingon kaming apat sa babaeng nagsalita. Habang inaayos pa namin ang mga instrumento.

"Sorry miss hindi pa yata ikaw ang kakanta. Kami kasi ang nakalagay sa program." Binalik ko na ulit ang tingin sa drums. Bigla namang tumawa yung babae.

"Gian?! Ano ka ba? Ako to. Si George." lumingon ako pagkatapos ay tumawa siya at umiling. Tinignan ko ang tatlo kong kaibigan pati sila nakanganga.

"Students, ano okay na ba kayo diyan? Uy Ms.Gonzales, ganda natin ngayon ah." Ngumiti naman si George. So si George talaga to?

"George?" Tumango lang siya pagkatapos ay lumapit sa stand ng mic. Kaya ang nangyari. Ako sa drums, si Gino at Glenn sa guitar, Genti sa bass, at si George ang vocalist.

"Let's welcome, The Pogi 4 and Ms.Georgina Gonzales!" Nagpalakpakan naman sila. Nagulat pa ako pagkasabi ng emcee sa pangalan ni George. Georgina? Yun ang buong pangalan niya? Akala ko George lang!

Nagsimula na kaming tumugtog. Habang kumakanta si George hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Ibang iba ang itsura niya ngayon. Walang makapal na make-up at ordinaryong damit lang ang soot niya. Tangina, ang ganda niya!

Pinagbibigyan mo lamang ba ako ngayon?

Nasa gilid ko amoy ko ang iyong pabango.

Ano 'tong dagang gumagapang sa aking dibdib,

habang tinititigan ka kunwari nakikinig

'di makapaniwala kasama kita ngayon at walang hadlang.

Hindi makapaniwala, ang sarap maligaw sa ating kwentuhan.

Buong kanta niya nakatingin lang siya sa mga tao kaya nakatalikod siya sakin. Pero ako nakatingin lang sa likod niya. Putek, likod palang..

"Pare malapit ka na." Narinig kong bulong sakin ni Genti. Kaya naghanda na ako sa linya ko.

Iniipon ko lahat ng aking mga tanong,

sana'y humina ang baterya ng ating relo.

Pwede bang hayaan mo akong basahin ka, parang ka kasing tula sana ako ay iyong katugma.

Nagkatinginan kami ni George, hindi pa niya naririnig ang ginawa kong linya sa kanta dahil nung nakagawa ako naging busy na siya. Pagkatapos ay bigla siyang namula at nag-iwas ng tingin. Mas halatang halata na sa kanya ngayon kapag namumula siya dahil wala siyang make-up.

Hindi makapaniwala, kasama kita ngayon at walang hadlang.

Hindi makapaniwala, ang sarap maligaw sa ating kwentuhan.

Ang sarap maligaw sa ating kwentuhan...

sa ating kwentuhan..

Wala na akong hahanapin, susulitin ko nalang.

Wala na akong iisipin, susulitin ko nalang.

Wala na akong hahanapin, susulitin ko nalang.

Ang sarap maligaw sa ating kwentuhan.

Kakatapos lang naming ayusin ulit ang mga ginamit naming kanina. Nakita ko si George sa backstage.

"Geor-" Natigil ako sa pagtawag sa kanya ng may maunang lalaki na tumawag sa kanya at bigla siyang niyakap. Nagtatawanan pa sila at nagsimula nang maglakad paalis. Si George naman may pahampas-hampas pang nalalaman. Badtrep! Tumabi sa kinatatayuan ko yung taglo. Pinatong pa no Gino ang kamay niya sa balikat ko.

"Pare alam mo ba, naghahanap ako ng tanga. Akalain mo yun? Ikaw pala yung hinahanap ko. Hindi ko alam kung tanga ka o tanga lang talaga." Napakunot noo ako at tinignan ko si Genti. Ngayon lang siya nagsalita ng ganyan.

"Seryoso pare, hindi mo talaga alam na babae si George?" Tinignan ko naman si Glenn. "Tangina! Gino akin na ulit yung limang daan ko panalo ako dito!"

Umiling naman si Gino at kinuha ang wallet sa bulsa. "Pakyu ka Gian! Akala ko ikaw pinakamatalino sating apat. Kung alam ko lang na ganyan ka katanga.. Sayang to, pera na naging bato pa." Sabi ni Gino habang binibigay sa nakangitig si Glenn ang limang daan.

"Sandali, ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanilang tatlo. "Anong pinagsasasabi niyo?"

"Pusang gala naman Gian! Hanggang ngayon ba hindi mo alam? Gago ka talaga. Babae si George! Hindi siya bakla!" Nagulat ako sa sinabi ni Genti. Babae si George? Hindi ako nakapagsalita. Tinignan ko yung direction kung nasaan kanina si George.

"Gian nung binigyan mo ng regalo si George, hindi mo ba talaga alam na babae siya?" Dahan-dahan kong iniling ang ulo ko kay Glenn. "Langya pare, akala namin alam mo na!"

"Ano bang binigay mo kay George?" Narinig kong tanong ni Genti.

"Brief." Mahinang sabi ko. Natahimik silang tatlo. Walang ni isang nagsalita. Pero asahan niyo hindi makakatagal si Gino dahil bigla nalang siyang humagalpak sa tawa. Nagsunudan na din yung dalawa, hanggang sa pati ako nakikitawa na rin.

"Tangina ka pare. Laughtreep!" Sabi ni Gino sabay tawa ulit ng malakas. "Biruin mo? Bigyan ba naman ng brief ang babae! Tanga mo tol!"

"Ulol!" Sabi ko sa pagitan ng tawa.

"Pre ano nang balak mo ngayon?" Tanong sakin ni Genti. Hawak ko yung mga sobreng binigay sa akin ni George at isa-isa kong binuksan. Puro litrato ko ang laman. Merong habang nagpap-practice kami ng basketball, Naglalakad sa corridor, tumatawa habang kausap ang mga kaibigan ko, natutulog sa klase, at marami pa.

Kung nung mga panahong hindi ko pa kilala si George at hindi ko alam na babae siya baka natakot na ko dahil dito, pero ngayon napangiti ako. Nadako ang tingin ko sa isang litrato, ito yung sinamahan ko siya sa park. Tinignan ko ang likod at may nabasa ako

Thank you Fafa Gian. Mwah! Your so pogi talaga. Labyu! :*

Napatawa ako ng mahina. "Nakapag desisyon na ako. Liligawan ko si George."

Tinignan ko ang mga kaibigan ko pero wala manlang sa kanila ang may pakealam. Tanginang mga kaibigan ko to.

~~~

Pretty Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon