Love is an open door
Ang boring. Nyemas na buhay to! Mamamatay ata ako sa sobrang boring dito sa bahay. Nagbakasyon sila mama at papa, si ate naman may team building kasama ng mga ka-opisina niya sa Bicol. Gusto kong gumala.
Tinext ko ang barkada lahat sila may appointment sa kanya-kanyang partner.
Si George kaya? Langya. Naalala ko nanaman yung na-isip ko kahapon. Imposibleng magkagusto ako sa bading. Kilalang-kilala ko ang sarili ko. Lalaki ako sa isip, sa salita, at sa gawa.
Nilipat ko ang channel sa tv, White Chicks. Pano kaya kung undercover agent din si George at lalaking nagpapanggap na bading? Pano kung babae siya na nagpapanggap na bading?
Napapraning na yata ako. Puro George nalang ang laman ng utak ko. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog at agad kong kinuha. Baka nagbago na ang isip nila Gino.
iMessage
Ginomaniac:
Love is Blind. Wala itong pinipiling oras, lugar, panahon, at kasarian.
Bato-bato sa langit ang tamaan wag magalit.
Gian:
Pakyu!
Ginomaniac:
Tinamaan ka pre? Okay lang yan may same-gender marriage namn sa ibang bansa. Hahahahahaha.
Binaba ko na ang cellphone ko. Hayop na Gino to, walang magawa sa buhay. Halata naman na ako ang pinapatamaan. Maya-maya tumunog nanaman ang cellphone ko. Nakita kong si Glenn ang nagtext kaya binasa ko.
Glennsipunin:
Ang pumapatol sa bakla ay bakla na rin.
Glennsipunin
Ulol!
Ilang segundo lang naka receive din ako ng text galing kay Genti.
Gentitulolaway:
Love is an open door.
p.s. Gusto mo bang gumawa ng taong nyebe?
Gian:
Tae ginagago niyo ba ko?Tumunog naman ang cellphone ko ng tatlong beses na sunud-sunod.
Ginomaniac, Glennsipunin, Gentitulolaway:
HINDI. Bakit nagagago ka na ba?
Langya, obvious na pinagtitiripan ako ng mga sira ulong to. Binaba ko na ang cellphone ko at nanood nalang ng adventure time.
after 30 mins.
Hindi ko na kayaaaa!
Kinuha ko ang phone ko. May text si George at sinabing bukas after class nalang daw namin ipagpapatuloy ang paggawa ng tono ng kanta.
Gian:
Bakit hindi pa ngayon?
Georgestalker:
OMG fafa Gian! Miss mo na agad akiz? ;*
Gian:
Loko mo. Busy ako bukas.
Wala naman talaga akong gagawin bukas. Gusto ko lang maglayas ngayong araw at no choice na ako sa makakasama kaya si George nalang pagtitiyagaan ko.
Georgestalker:
Owkie. Next weekend nalang us. Wiz mo aketch masiydong mamiss fafa Gian. ;*
Ano ba ang gagawin nito na sobrang importante? Mas importante pa sa kantang gagawin namin pati sa akin.
Gian:
Saan ka ba pupunta? Sasama ko.
Tinanong niya ako kung sigurado akong gusto kong sumama. Hindi niya sinabi kung saan. Nagreply nalang ako na sigurado akong sasama ako dahil wala akong magawa at gusto kong gumala.
Georgestalker:
Sige. Kita kits nalang us sa G's Grocery kung gusto mo talaga.
Gian:
Okay
Hay salamat makakaalis na ako dito. Pumunta na ko sa kwarto at nagbihis. Paalis na sana ako nang maalala kong wala ang mga magulang ko. Ayos! pwede kong magamit ang kotse namin.
Pagdating ko doon nakita ko kaagad si George. Sigurado akong siya yun. Sa kulay palang ng damit niya halatang siya na yun. Hindi naman talaga baduy magdamit ni George. OA lang.
May dala siyang dalawang plastic at kahon. Ano kayang gagawin ng baklang to?
"Bakit ang dami mong bitbit?" Tanong ko kay George paglapit ko. Tumingin lang siya sa akin at naglakad paalis. Saan pupunta yun? "Hoy George may dala akong sasakyan."
"Saan?" Bakit ba ang sungit nito ngayon?
"Doon. Tara." Nagsimula na kong maglakad pabalik sa sasakyan ko. Pinapaikot ko pa yung susi sa daliri ko at sumisipol habang naglalakad.
"Hindi mo manlang ba ako tutulungan?" Narinig kong sigaw ni George. Pagtingin ko hindi parin siya gumagalaw kung saan siya nakatayo kanina.
"Hindi mo ba kayang dalhin yan?" Dalawang plastic saka konting maliliit na kahon lang naman yun. Kalalaki niyang tao. Kahit naman bading yun malakas parin siya na kagaya sa lalaki.
"Di bale na nga!" Mabilis na naglakad siya papunta sa parking lot at iniwan ako. Problema nun? Parang alam niya ang sasakyan na dala ko.
Pagdating ko nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kotse. Pano niya nalaman ang sasakyan ko? Eh hindi ko naman to dinadala sa St. Therese University to.
"Pano mo nalaman na ito ang sasakyan ko?" Tanong ko nung makalapit ako sa kanya.
"Stalker remember?" Sarkastikong sabi niya sakin. Anong ginawa ko? wala pa naman ah. Mabuti sana kung babae to, pwede ko pang isipin na naglilihi siya pero hindi eh.
Pumasok na kami sa kotse. Sinabi niya lang sakin na sa bahay muna nila kami pupunta tapos hindi na siya nagsalita ulit. In-on ko nalang ang radyo.
(Maling akala by brownman revival)
"Saan ba tayo pupunta?" Maya-maya ay tanong ko kay George. Pero hindi siya nagsalita. "George! Uy! Sabi ko saan talaga tayo pupu—"
"Ano ba?! Wag ka ngang makulit! BTW, ikaw ang may gustong sumama sa akin." Bulyaw niya sa akin.
"Bakit ba ang sungit mo? Naano ba kita ha?!" Sigaw ko rin pabalik pero nakatingin parin ako sa daan. Hindi na siya nagsalita at humarap sa bintana.
Ang sungit! Kainis! Dapat hindi nalang ako umalis ng bahay. Nagsisisi na ko.
BINABASA MO ANG
Pretty Crazy Stalker
Ficción GeneralThough snob and uptight, Gian cannot help but be popular since he became a member of a band. He loves to play the drums but somewhat hates the fame. Especially whenever he receives that pink envelope from his stalker everyday. Georgina is Gian's num...