"Hala ang gwapo niya. Sino kaya yan?"
"Oo nga. Bago lang siya dito sa school natin noh?'
"Parang kasi ngayon ko lang din siya nakita. Kilala mo siya?" Tanong ko sa isa pa naming kaibigan.
"Ah oo. Malapit bahay nila sa amin."
"Hala ang swerte naman."
Simula nang makita namin yung good looking boy sa school namin palagi na namin siyang tinitignan mula sa malayo. Crush namin siya ni Anna pero itong si Leah ayaw mag share basta yung Boy yung pinag uusapan namin.
One day may student mass sa school namin. At nagkataon pa talagang sa katabing row namin yung inuupuan niya. Nakakakilig. Kaya buong misa nakatingin lang ako dun sa boy di ko na nagawang mag focus sa mass. Temptation.
"Oy kanina mo pa tinitignan yan ha." Asar ni Leah.
"Di ko mapigilan eh nakakasilaw yung kagwapuhan niya." Kinikilig kong sabi.
"Aysus. Alexander name niyan." Ssabi niya.
"Paano mo nalaman?"
"Close kami." Seryoso niyang sabi.
"What?" Mabuti nalang tapos na yug misa kaya okay lang kahit sumigaw ako. Wala nari kasi yung pari.
"Hmmmm."
"Ang daya. Paano?" Naiingit kong sabi. Ang bilis naman nilang maging close eh parang kailan lang namin ata siya nakita pero ewan ko lang sa kaniya. Malihim tong babaeng to eh naturingang kaibigan.
"BOYFRIEND ko yan tulig. Kaya tigil tigilan mo na yung pag papantasya sa kanya." Natatawa niyang sabi.
What?! boyfriend niya yun kaya ba wala siyang paki basta pinag uusapan namin yun. Minsan na nga lang ako mahulog ng todo sa taong may sabit pa at sa kaibigan ko pa. Bakit! Naiiyak ako pero di ko pinapahalata. Lumapit pa talaga si Alexander imbes na maging masaya pa ako di nalang. Ang sakit lang kasing isipin.
"Paano naging kayo?" Tanong ni Anna. Alam kong nasasaktan din to or maybe nagseselos dahil naging crush niya rin kaya tong lalaking to. Pero kung i-compare sa akin mas masakit eh.
"Yung pinag-uusapan niyo siya nung nakaraan yun yung time na naging kami. Pinakilala siya sa akin noon pa lang ng kaibigan niya which is kaibigan ko din na taga sa amin. Eh nanligaw siya, after two months which is yung time na pinag-uusapan niyo siya dun naging kami." Sinagot niya talaga sa time nayun. Bakit di niya sinabi agad hulog na hulog na ako eh.
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionLahat ng tao sa mundo may minamahal. Ang ating pamilya, mga kaibigan pati na rin ang dahilan kung bakit nauso ang love at first sight ay dahil kay crush. Pero lahat ng pagmamahal at pagkakagusto maykaakibat na sakit. Dahil di siya para sayo, may na...