Claire's POV
Walang pasok kasi sabado pero dahil mabait yung mga teacher namin, imbes na gawing rest day ang dalawang araw ay papagawin kaming sandamakmak na thesis at project. Halos lahat ng subject may dapat gawin kug kailan malapit na yung march eh dalawang buwan nalang. Mabuti nalang tinulungan ako ni ate sa mga gagawin ko kaya alawa nalang ang dapat kong tapusin.
Nagyaya pa nga si Anna para maglakwatsa pero sinabihan kong gawin mo muna yung mga assignments mo. Kaya ayun ang ending stay sa bahay.
"Ate may boyfriend ka diba?" Wala sakawalan kong tanong sa kanya habang nag e-encode ng powerpoint na para sa akin.
"Oo bakit mo natanong?"
"Diba bawal tayo magka boyfriend?" Sabi ko sa kanya.
"Oo lalo na nung panahong nag-aaral pa ako. At napatunayan ko talagang mahal namin ang isa't-isa pag ka graduate ko kinausap ko sila mama kasama siya at ang pamilya niya dahil legalna kami sa pamilya niya noon palang."
"Paano mo nasabi na mahal mo siya?" Interesado kong tanong.
"Matagal na kami Claire, actually nakita mo na siya pero pinakilala ko lang sa inyo ni mama na kaibigan ko diba? Nung panahong yun paghanga palang ang nararamdaman ko sa kanya hanggang nagpakita siya ng motibo sa akin. Nagtapat siya na gusto niya ako after 2 months. Nagpaalam siya sa akin kung pwede niya akong ligawan pero sinabi ko sa kanya di pa payag si mama na magkarron tayo ng karelasyon pero ang sabi niya gagawin niya lahat liligawan pa rin niya ako, at dun nagsimula na mahulog ang loob ko sa kanya. palagi niyang ipinapakita na napakahalaga at napaka importante ko sa kanya. To the pointna araw-araw di siya mawawalan ng sorpresa sa akin. hanggang sa tinanong niya na ako na will you be my girlfriend. di na ako nag -atubiling sumagot. Dun ko na naramdaman na mahal ko na siya at mahal niya rin ako. bakit pala bigla kang nagtanong diyan?"
"Wala lang Ate." Sabi ko.
"Wag kang mahiya magsabi sa akin, maasahan mo ako diyan di ko yan isusumbong." Sabi niya na nkangiti.
"May nagugustuhan ako ate."
"Oh wala namang masamang magkagusto ka."
"Alam ko ate."
"Pero tip ko lang sayo wag ikaw ang unang maagpakita ng motibo hayaan mo ang lalaki ang mauna sayong magpakita at magsabi."
"Hindi naman. Tsaka di rin yan mangyayari dahil may nagmamay-ari na sa kanya."
"Gusto lang naman diba? Paghanga lang naman siguro yan wala naman masama kahit mayron na siya."
"Ganun ba yun? Kahit na nagseseos ka na may kasama siyang iba. Yung feeling na nasasaktan kana?"
"Yan ba ang nararamdaman mo sa kanya?" tinanguan ko lang siya.
"Matagal mo na ba siyang kilala?" Patuloy niyang tanong.
"Malapit ng mag isang taon. Nung unang araw na nakita ko siya nagustuhan ko na siya agad. Masaya na ako basta makita ko lang siya kaya parang tuluyan ng nahulog yung loob ko di ko alam kung bakit. Pero dumating yung araw na malaman kong may girlfriend na siya." Tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata ko pagkatapos kong sabihin yun. Kaya hinagod ni ate yung likod ko.
"Claire baka mahal mo nga talaga siya. May dalawang bagay kasi ng pagmamahal. Una, yung mahuhulog ang loob mo sa kanya di inaasahang pagkakataon kahit bago palang kayong nagkita. Ikalawa, ay mabubuo ang pagmamahal dahil kayo ng dalawa. Kilala mo ba yung girlfriend niya?"
"Kilalang-kilala ate. Si L-leah."Nang marinig niya ang pangalan ni Leah ay na shock siya.
"Kaya pala ganyan yung nararamdaman mo dahil bestfriend mo ang girlfriend niya. Alam ba niya nung una palang na gusto mo siya?"
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionLahat ng tao sa mundo may minamahal. Ang ating pamilya, mga kaibigan pati na rin ang dahilan kung bakit nauso ang love at first sight ay dahil kay crush. Pero lahat ng pagmamahal at pagkakagusto maykaakibat na sakit. Dahil di siya para sayo, may na...