Claire's POVNakakawalang gana pumasok. Bakit ba kasi ako naapektuan?.
"Hoy Claire! Tandaan mo sa bestfriend mo yun." Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Waah!! Nakakainis.
Nag-ayos na ako ng sarili. Maraming lalaki sa mundo kaya patuloy ang buhay. Grabe kong masaktan eh hindi rin naman papayagan magkaroon ng jowa. Hays.
"Lungkot natin ngayon ah? Masakit bes?" Natatawang sabi ni Anna sa akin pagkaupo ko.
"Hala siya. Akala ko ba crush mo din yun eh bakit parang masaya ka pa rin?" nagtatakang taong ko. Eh alam niya na nga yung dahilan.
"Sort of. Tsaka may boyfriend na ako kaya bakit ako masasaktan. Paghanga lang yung akin noh. Pero diba pwedeng maging masaya nalang tayo para sa kanila ni Leah. Ang pagkakaalam ko First love nila ang isa't-isa. Kaya wag nating hayaang masaktan sila. Dapat mag work ang relationship nila tsaka alam mo namang mabilis lang masaktan yun.
Medyo natahan ako sa sinabi ni Anna sa akin. Maging masaya nalang ako sa kanila. Susuportahan ko silang dalawa.
"Oy bakit ka umiiyak diyan?" Tanong ni Anna sa kanya.
"Inaway ka ba niya? Matatamaan talga sa akin yun." patuloy ni Anna.
"H-Hindi ganun." Napipiyok niyang sabi.
"Eh ano? Iiyak ka ba ng ganyan kung walang nangyari. Eh kahapon lang ang saya mo." Sabi ni Anna habang hinahagod ang likod ni Leah.
"Si Tito kasi. Pinagbabawalan kaming mag-usap at magkita ni Alexander eh anong purpose ng relasyon namin kung hindi kami mag-uusap at magkikita."Naiiyak niyang sabi.
"Hala eh paano yun?"
"Kaya nga naiinis ako sa kanya. Dinadaan ko nalang sa iyak. Kung kailan mag-iisang taon na kami."
Oo mag-iisang taon na sila, sa mga buwang iyon ay nakita kong masaya si Leah sa kanya. Sobrang saya yung parang hindi mo na mapapantayan ang ngiting makikita mo sa labi niya kada pinag-uusapan namin si Alexander.
"Paano nalaman ng tito mo? Mabuti pa yung mama di tutol sa inyo." Sabi ni Anna.
"Eh di ipaglaban niyo yung relasyon iyong dalawa. Sabi mo nga wala namang masama sa relasyon niyo. Tsaka para magkita kayo edi dito sa school total di naman pumupunta tito mo dito and pwede mo rin akong maging messenger kung sakaling di man kayo magkita."
"Talaga gagawin mo yun?" Naghihikbi niyang sabi mabuti nalang di na siya masiyadong umiiyak.
"What friends are for?" Sabi ko. Nagyakapan kaming tatlo para maiparamdam namin ang care sa isa't-isa.
"Tara na baka next period na." Saktong pagpasok namin ay dun din pumasok yung teacher namin.
Pagkarating ng birthday ni Leah ay as usual mawawala pa ba kaming mga kaibigan niya. May konting excite at konting ewan akong nararamdaman. Pagkapunta namin sa kanila ay nakita namin ni Anna si Alexander na papalapit sa amin. Naglalakad kasi kami papunta kanila Leah.
Kita ko sa mukha niya ang mga matatamis na ngiti. Sana ang mga ngiting yan ay para sa akin pero hindi eh mayroonng may nagmamay-ari. May hawak siyang bouquet ng red and white roses. May kasama pang teddy bear na medyo may kalakihan. How i wish na sana naging akin ka pero ang sabi ko nga may nagmamay-ari na.
"Sabay tayo ha. Alam kong papunta kayo kanila Babe." Sabi niya. Babe pala ang tawagan nila, simula kasi na naging parang messenger nila akong dalawa hanggang sa pumayag na yung tito ni Leah about sa pag bo-boyfriend niya ay hindi ako nagtangkang basahin ang mga sulat nilang dalawa. Kahit na gustuhin ko man alam ko parin ang salitang privacy. At anong klaseng kaibigan ako kapag ginawa ko iyon.
Pagkarating namin kanila Leah, una niyang napansin si Alexander kasi nauna siyang pumasok ng gate nila. Nagmano kami kay Tita Linda yung mama ni Leah. Abot hanggang langit naman yung ngiti ni Leah ng iabot ni Alexander sa kanya yung regalo. First boyfriend ni Leah si Alexander kaya di na ako magtataka kung bakit ganyan ang ngiti niya.
Saaming tatlong magkakaibigan, ako nalang ang natitirang NBSB. SIlang dalawakong kaibigan nagka boyfriend na.
"Happy Birthday Leah!" nakangiti naming sabi ni Anna saka niyakap ng mahigpit si Leah.
"Bes, paabotna yung regalo ha? low budget eh." Natatawang sabi ni Anna.
"Bukas nalang yung akin hehehe."Ako.
"Ano ba kayo? Kahit wag na basta nandito kayo okay nayun."
Halatang pinaghandaan ang birthday ni Leah dahil nag pa cater sila. Marami din ang bisita. May organizer ang party niya kaya may program. May mga nag present at nag sabi ng message sa harapan kasama na kami dun. May palaro din kung saan bigla akong hinila ni Anna dahil sayang daw ang mga premyo. Tawa naman ako ng tawa sa mga pinag gagawa niya.
Di sinasadyang napatingin ako sa gawi nila Leah. Naglalaro kasi sila ngayon ng newspaper dance kung saan tinutupi ang papel kada matapos ang kanta. by partner ang game at kailangan opposite sex ang kasali. Sa huli silang dalawaang nanalo to the point na binuhat na ni Alexander na pang bridal.Kinilig naman ang crowd nang makita sila na nasa ganoong posisyon.
"Thank you sa pagpunta sa 16th birthday ko mga bes ha." Sabi ni Leah. Nagpaalam na kami na uuwi na dahil mag a-alas nuebe na ng gabi.
"Di namin pwede ma-missed ang birthday mo noh." sabi ko.
Walking distance lang naman ang bahay nila papunta sa amin pero si Anna sumakay ng tricycle pagkahatid niya sa akin sa bahay.
Lumapag ako sa kama ko at tumulala sa kisame. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako dahil gumising ako ng madaling araw.
"Ang aga mo naman magising nak?" Tanong ni mama pagkalabas ko ng kwarto. Nagluluto siya ng agahan.
"Alas quatro na rin naman ma. Maaga na." Malumanay kong sabi.
"Maupo ka na diyan, malapit na ring maluto itong bacon at hotdog." Tinanguan ko naman si mama saka umpo sa lamesa. Maya-maya hinain niyana rin ang pagkain.
Tahimik lang akong kumain dahil kung di ako okay alam na agad yan ni mama. Di niya na muna ako kinakausap hinihintay niyang mag open ako sa kanya. Pero sa pagkakataong ito wala pa akong balak magsabi dahil di ko rn alam kung ano yung sasabihin ko. Close kami ni mama compare kay papa. Kung may problema ako nasasabihan ko naman silang dalawa pero mas nagsasabi ako kay mama dahil mas comfortable akong magsabi dahil parehas kaming babae.
Pagkatapos kong maligo at magbihis nagpaalam na ako kay mama na papasok na ako. pagkarating ko ng school kokonti palang ang tao dahil mamayang alas otso pa naman ang klase pero alas sais palang ay nandito na ako. Grade 11 student na pala ako dito sa YANSEI UNIVERSITY.
"Ang aga mo ata ngayon ija?" sabi school aide na nakasalubong ko.
"Naapaga po manong eh."
Pumunta ako sa garden ng school. Tagong place ito ng school sinadyang tago ito para may lugar dito na pwedeng matambayan na peaceful. dalawa ang garden dito yung isa dito sa likod at yung isa sa harap ng school kung saan mas maraming students ang tumatambay.Maliit lang kasi ito kumpara sa isa.
Humiga ako sa bench na malapit sa damuhan. Di naman sa inaantok ako, gusto ko lang mahiga at ipikit ang mata.
I think after mga 20 minutes may kumalabit sa akin. Pag mulat ko ng mata ko ay nakita ko yung kumalabit sa akin. Si Davis. Gay itong si Davis friend ko rin siya pero di ko siya masiyadong close.
"Ikaw pala Davis."
"Hello! bakit natutulog ka dito?"
"Di ako natutulog noh nkahiga lang naman."
"Ay ganun. Oh eh bakit ang aga mo mag si-6:30 pa lang."
"Wala lang trip ko lang eh ikaw?"
"Remember working ako dito sa school." Ay oo nga pala.
Nag chickahan na lang kami ni Davis kaya di na ako nakahiga ulit. Nung malapit na mag 8 ay dun na namin naisipan ni davis na pumunta sa room. classmate din kasi kami.
"San ka galing di kitanakita pumasok ng gate eh." Salubong na tanong ni Anna pagkapasok ko palang sa room.
"Wala bang good morning muna? Dun sa garden nag muni-muni."

BINABASA MO ANG
First Love
Novela JuvenilLahat ng tao sa mundo may minamahal. Ang ating pamilya, mga kaibigan pati na rin ang dahilan kung bakit nauso ang love at first sight ay dahil kay crush. Pero lahat ng pagmamahal at pagkakagusto maykaakibat na sakit. Dahil di siya para sayo, may na...